Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-siyam na Pagbigkas
Noong dumating Ako mula sa Sion, hinihintay Ako ng lahat ng mga bagay, at noong bumalik Ako sa Sion, binati Ako ng lahat ng mga tao. Sa pagdating at paglisan Ko, hindi kailanman nahadlangan ng mga may galit sa Akin ang Aking mga hakbang, kaya umusad nang maayos ang Aking gawain. Ngayon, kapag dumarating Ako sa kalagitnaan ng lahat ng mga nilalang, binabati Ako ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng katahimikan, napakalalim ang takot nila na Ako’y muling lilisan at aalisin ang kanilang suporta. Sinusunod ng lahat ng mga bagay ang Aking patnubay, at minamatyagan ng lahat ang direksyong ipinahihiwatig ng Aking kamay. Maraming mga nilalang ang ginawang perpekto ng mga salita na nagmumula sa Aking bibig at maraming anak ng kasuwailan ang nakastigo. Kaya, nakatitig ang lahat ng mga tao sa Aking mga salita, at maingat na nakikinig sa mga pagbigkas mula sa Aking bibig, at matindi ang takot na mapalampas nila ang magandang pagkakataon na ito. Sa kadahilanang ito kung bakit nagpatuloy Ako sa pagsasalita, upang matupad ang Aking gawain nang mas mabilis, at upang mas maaga ang paglitaw ng mga nakalulugod na kondisyon sa mundo at malunasan ang mga eksena ng pagkatiwangwang sa mundo. Kapag tumingin Ako sa kalangitan at kapag haharapin Ko muli ang sangkatauhan; agad na mapupuno ang mga lupain ng buhay, hindi na kakapit ang alikabok sa hangin, at hindi na mababalot ng putik ang lupa. Agad magliliwanag ang Aking mga mata, kaya titingala sa Akin ang mga tao mula sa lahat ng mga lupain at manganganlong sila sa Akin. Sa mga tao sa mundo ngayon—kabilang na ang lahat ng mga nasa Aking sambahayan—sino ang tunay na nanganganlong sa Akin? Sino ang nagbibigay ng kanilang puso bilang kapalit ng halaga na Aking binayaran? Sino na ang nanahan sa Aking sambahayan? Sino na ang tunay na naghandog ng kanilang mga sarili sa Aking harapan? Kapag gumawa Ako ng mga pangangailangan sa tao, kaagad niyang isinasara ang kanyang “maliit na kamalig.” Kapag nagbibigay Ako sa tao, agad niyang binubuksan ang kanyang bibig upang lihim na makuha ang Aking mga kayamanan, at madalas siyang nanginginig sa kanyang puso, sa lalim ng takot niyang gagantihan Ko siya. Kaya ang bibig ng tao ay kalahating bukas at kalahating sarado, at wala siyang kakayahang tunay na tamasahin ang mga kasaganaan na ipinagkakaloob Ko. Hindi Ko pinarurusahan agad ang tao, ngunit palagi niya Akong kinokontrol at hinihiling na ipagkaloob Ko ang awa sa kanya; ipinagkakaloob Ko lamang muli ang awa sa tao kapag nagsusumamo siya sa Akin, at ipinahahayag Ko sa kanya ang pinakamalupit na salita ng Aking bibig, para agad siyang makakaramdam ng hiya, at, dahil wala siyang kakayahang tanggapin nang direkta ang Aking “awa,” sa halip ay hinahayaan niya na lang na ipasa ito sa kanya ng iba. Kapag lubusan niyang naunawaan ang lahat ng Aking mga salita, nagiging akma ang tayog ng tao sa mga kagustuhan Ko, at ang mga pagsusumamo niya ay nagiging mabunga at hindi na walang kabuluhan o walang saysay; pinagpapala Ko ang mga taos-puso at hindi mapagkunwaring pagsusumamo ng sangkatauhan.