Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

菜单

Home Balita Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Makipag-ugnayan sa Amin Pagbubunyag ng Katotohanan Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat APP Facebook

04 Hulyo 2018

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Tanging ang mga Nakakakilala sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos

 Kaalaman, kalooban, katotohanan, pag-ibig, sundin

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos|Salita ng Diyos|Tanging ang mga Nakakakilala sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos

      Batas ito ng langit at panuntunan ng lupa na maniwala sa Diyos at kilalanin ang Diyos, at ngayon—personal Niyang gagawin ang Kanyang gawain sa panahon na nagkatawang tao ang Diyos—isang tiyak na magandang pagkakataon upang makilala ang Diyos. Nakakamit ang pagbibigay-kasiyahan sa Diyos sa pundasyon ng pag-unawa sa kalooban ng Diyos, at upang maunawaan ang kalooban ng Diyos, kinakailangan na makilala ang Diyos. Ang kaalamang ito ng Diyos ay ang pananaw na dapat magkaroon ang isang mananampalataya; ito ang batayan ng paniniwala ng tao sa Diyos. Kung walang ganitong kaalaman ang tao, sa gayon malabo ang kanyang paniniwala sa Diyos, at nasa walang laman na teorya. Kahit na ito ay kapasiyahan ng mga tao na tulad nito na sundin ang Diyos, wala silang nakamit. Ang mga aalisin ay ang lahat ng mga walang nakamit sa daloy na ito, at sila ang mga tao na gumagawa lamang nang pinaka mababa. Alinmang hakbang ng gawain ng Diyos ang iyong maranasan, dapat kang samahan ng isang makapangyarihang pananaw. Kung walang katulad ng ganitong pananaw, magiging mahirap para sa iyo na tanggapin ang bawat hakbang ng mga bagong gawain, dahil hindi kaya ng tao na ilarawan sa diwa ang mga bagong gawa ng Diyos, lampas ito sa pagkaintindi ng tao. At kaya kung walang pastol na gagabay sa tao, kung walang pastol na nagsama ng tungkol sa mga pananaw, hindi magagawa ng tao na tanggapin ang bagong gawain na ito. Kung hindi kayang tanggapin ng tao itong mga pananaw, sa gayon hindi niya matatanggap ang mga bagong gawain ng Diyos, at kung hindi kayang sundin ng tao ang bagong gawain ng Diyos, sa gayon hindi kayang intindihin ng tao ang kalooban ng Diyos, at pati ang kanyang kaalaman tungkol sa Diyos ay mawawalan ng halaga. Bago tuparin ng tao ang mga salita ng Diyos, dapat niyang malaman ang mga salita ng Diyos, iyon ay, ang maunawaan ang kalooban ng Diyos; sa ganitong paraan lamang maaaring matupad nang tiyak ang mga salita ng Diyos at ayon sa puso ng Diyos. Dapat itong taglayin ng lahat ng mga taong naghahanap ng katotohanan, at ang proseso na dapat maranasan ng lahat ng mga taong sinusubukang kilalanin ang Diyos. Ang proseso ng pagkilala ng mga salita ng Diyos ay ang proseso ng pagkilala sa Diyos, at ang proseso rin ng pag-alam ng gawain ng Diyos. At sa gayon, hindi lamang tumutukoy sa pag-alam ng pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao ang pag-alam ng mga pananaw, ngunit kabilang din ang pagkilala sa mga salita at gawa ng Diyos. Mula sa mga salita ng Diyos ang mga tao ay dumating upang maunawaan ang kalooban ng Diyos, at mula sa gawain ng Diyos dumating sila upang malaman ang disposisyon ng Diyos at katauhan ng Diyos. Ang paniniwala sa Diyos ay ang unang hakbang sa pagkilala sa Diyos. Ang proseso ng pagsulong mula sa paunang paniniwala sa Diyos tungo sa pinakamalalim na paniniwala sa Diyos ay ang proseso ng pagkilala sa Diyos, at ang proseso ng pagdama sa gawa ng Diyos. Kung ikaw ay naniniwala lamang sa Diyos alang-alang sa paniniwala sa Diyos, at hindi naniniwala sa Diyos upang makilala ang Diyos, sa gayon ay walang katotohanan sa iyong paniniwala, at hindi ito maaaring maging dalisay—at gayon ito ay walang duda. Kung, sa oras ng proseso na kung saan nadarama niya ang Diyos, unti-unting nakikilala ng tao ang Diyos, at ang kanyang disposisyon ay unti-unting magbabago, at ang kanyang paniniwala ay unti-unting magiging totoo. Sa ganitong paraan, kapag nakakamit ng tao ang tagumpay sa paniniwala sa Diyos, ganap niyang makakamit ang Diyos. Malayo ang pinagdaanan ng Diyos upang maging tao para sa ikalawang pagkakataon at personal na gawin ang Kanyang gawa upang magawa Siyang kilalanin ng tao, at upang makita Siya. Ang pagkilala sa Diyos[a] ay ang huling epekto na makakamit sa katapusan ng gawain ng Diyos; ito ang huling kinakailangan ng Diyos sa sangkatauhan. Ginagawa Niya ito para sa kapakanan ng Kanyang huling pagpapatotoo, at upang sa wakas at ganap ng makabalik ang tao sa Kanya. Magagawa lamang ng tao na mahalin ang Diyos sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos, at para ibigin ang Diyos dapat niyang makilala ang Diyos. Hindi mahalaga kung paano siya naghahanap, o kung ano ang kanyang hinahangad na makamit, dapat niyang makamit ang pagkilala sa Diyos. Tanging sa paraan lamang na ito makakapagbigay ang tao ng kasiyahan sa puso ng Diyos. Tanging sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos tunay na maniniwala ang tao sa Diyos, at tanging sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos tunay niyang igagalang at susundin ang Diyos. Hindi kailanman tunay na susunod at igagalang ang Diyos ng mga hindi nakakakilala sa Diyos. Kabilang sa pagkilala sa Diyos ang pagkilala sa disposisyon ng Diyos, pag-unawa sa kalooban ng Diyos, at pagkilala sa katauhan ng Diyos. Ngunit kung ano man itong aspeto ng pagkilala sa Diyos, kinakailangan ng bawat tao na magbayad ng halaga, at kinakailangan ng kalooban na sumunod, na wala kung saan walang makasusunod hanggang sa katapusan. Sadyang salungat sa mga pagkaintindi ng tao ang gawa ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos at sadyang mahirap para sa tao na malaman ang katauhan ng Diyos, at lahat ng sinasabi at ginagawa ng Diyos ay sadyang hindi maunawaan ng tao; kung ninanais ng tao na sumunod sa Diyos, ngunit hindi nais tumupad sa Diyos, sa gayon walang makakamit ang tao. Simula nang lalangin ang sanglibutan hanggang ngayon, marami ng tinupad na mga gawain ang Diyos na hindi kayang unawain ng tao at kung saan nahirapan ang tao na tanggapin, at maraming nasabi ang Diyos na nagpapahirap sa paglunas ng mga pagkaintindi ng tao. Ngunit hindi Siya kailanman tumigil sa Kanyang gawain dahil ang tao ay maraming kahirapan; ipinagpatuloy Niya ang pagtatrabaho at pagsasalita, at kahit na maraming bilang ng mga “mandirigma” ang bumagsak sa gilid ng daan, ginagawa pa rin Niya ang Kanyang gawain, at nagpapatuloy sa pagpili ng grupo ng mga tao na nais sumunod sa Kanyang bagong gawain. Hindi Siya nahahabag sa mga bumagsak na mga “bayani,” ngunit sa halip ay pinapahalagahan ang mga taong tumanggap ng Kanyang bagong gawain at mga salita. Ngunit hanggang saan Siya gagawa sa ganitong paraan, baitang-baitang? Bakit palagi Siyang nagtatanggal at pumipili ng mga tao? Bakit palagi Niyang ginagawa ang ganitong kaparaanan? Ang makilala Siya ng mga tao ang layunin ng Kanyang gawain, at sa gayon makamit Niya. Ang prinsipyo ng Kanyang gawain ay upang gumawa sa mga kayang sumunod sa Kanyang mga gawaing ginagawa Niya ngayon, at hindi gumawa sa mga sumusunod sa Kanyang nakaraang gawain, ngunit sumasalungat sa Kanyang gawain ngayon. Ito ang tunay na dahilan kung bakit Niya inalis ang napakaraming tao.

02 Disyembre 2017

Ang Tunay na Dahilan ng Hindi Epektibong Gawain


Xinyi    Lungsod ng Xi'an, Lalawigan ng Shaanxi
Sa aking kamakailang mga pagbisita sa mga iglesia, madalas kong narinig na sinasabi ng mga pinuno at manggagawa na ang ilang mga tao, matapos dumalo sa pagbabahaging kasama ako, ay naging negatibo, mahina at kulang sa paghahangad na magpatuloy sa paghahanap. Nadama ng iba na masyadong mahirap ang maniwala sa Diyos at hindi naunawaan ang Diyos. Sinabi ng ilan na ang kanilang kalagayan ay mainam bago sila nakipagkilala sa akin, ngunit sa sandaling nakita nila ako, labis nilang nadama ang pagkagipit at hindi komportable. ... Nang marinig ko ang lahat ng ito, nanghina ang aking puso, at labis na nasaktan-sa tuwing nagkaroon ako ng pagbabahagi sa kanila ay mananatili ako sa loob ng ilang araw, at, upang malutas ang kanilang mga problema, nagpasiklab ako at nagbanggit ng di mabilang na mga sipi ng salita ng Diyos, na nagsasalita hanggang sa ang aking bibig ay natuyo, at sa lahat ng sandali ay iniisip na ang aking mga pagsisikap ay nagbunga ng mga magagandang resulta. Hindi ko naisip kailanman na ang mga bagay ay magiging ganito. Bakit ito nangyari? Inilagay ko ang tanong na ito sa aking mga saloobin nang nanalangin ako sa Diyos, "O Diyos, tiyak na ako ang may kasalanan sa lahat ng nangyari, ngunit hindi ko alam kung saan ako nagkamali. Hinihingi ko ang Iyong patnubay, upang higit kong malaman ang aking mga pagkakamali. Nakahanda akong maghintay na tanggapin ang Iyong pagliliwanag. "


29 Nobyembre 2017

Ang Pagdiskrimina sa mga Tagalabas ay Masyadong Masama!


Xiaojin    Pan’an County, Zhejiang Province
Noong Pebrero ng 2007, ang iglesia ay nakatanggap ng kaayusan sa trabaho na pinamagatang “Tubigan at Tustusan ang mga Bagong Mananampalataya upang Tulungan Silang Magkaugat sa Lalong Madaling Panahon.” Binibigyang-diin nito na “Kinakailangang gamitin ang lahat ng epektibo at sanay na sa pagpapatubig ng mga bagong mananampalataya upang makumpleto ang gawaing ito. Ang mga taong hindi naaangkop sa pagpapatubig ng mga bagong mananampalataya ay hindi dapat gamitin; dapat silang mapalitan upang maiwasan ang pagkaantala ng gawain” (“Ang mga Isyung Kinakaharap ng Iglesia sa Kasalukuyan ay Dapat na Malutas” sa Mga Kasaysayan ng Pagsasamahan at mga Kaayusan ng Gawain ng Iglesia I). Matapos makita ang kaayusang ito, sa halip na gamitin ang mga prinsipyo upang masukat kung ang kapatid na babae mula sa aming distrito na siyang nagdidilig sa mga bagong mananampalataya ay naaakma, may mga patiunang ideya akong pinanghahawakan laban sa kanya: Ang taong ito ay walang interes na ginawa ang kanyang tungkulin at hindi nagtuon ng pansin sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos. Bukod dito, inatupag niya ang laman, kaya hindi siya naaangkop upang tubigan ang mga bagong mananampalataya. Higit sa lahat, inakala niyang siya’y de-kalibre na kaya naman naging mapagmataas siya at minaliit ang iba. Noong nakaraan, pinuntahan niya ang taong namamahala sa gawaing pagpapatubig ng rehiyon at nagsabi ng masasama tungkol sa akin. Kung hindi lang dahil sa mga hinihingi ng trabaho ko, hindi ko sana siya bibigyang pansin pa. Sa pag-iisip tungkol dito, gumawa ako ng plano: bakit hindi ko samantalahin ang pagkakataong ito na palitan siya nang sa ganoon ay hindi ko na siya makita pa? Hindi ba’t napakayabang niya? Papalitan ko lang siya at pagkatapos ay makikita ko kung gaano siya mapagmataas!

23 Nobyembre 2017

Sinira Ako ng Aking mga Prinsipyo

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Sinira Ako ng Aking mga Prinsipyo



Changkai    Lungsod ng Benxi, Lalawigan ng Liaoning
Ang karaniwang pariralang “Ang mga mabubuting tao ay huling natatapos” ay isa na kung saan ako ay masyadong personal na pamilyar. Ang aking asawa at ako ay mga partikular na walang kamuwang-muwang na tao: Pagdating sa mga bagay na sangkot ang aming mga personal na pakinabang o kawalan, hindi kami yung tipo na nakikipagtalo at nag-aabala sa iba. Kung dapat kaming maging matiisin naging matiisin kami, kung dapat kaming maging matulungin ginawa rin namin ang aming makakaya upang maging matulungin. Bilang resulta, madalas naming matagpuan ang aming mga sarili na nagulangan at naabuso ng iba. Talagang tila sa buhay, “Ang mga mabubuting tao ay huling natatapos”—kung labis ang kabutihan sa iyong puso, kung masyado kang matulungin at mapagpakumbaba sa iyong mga gawain, ikaw ay nanganganib na maabuso. Ang gayong mga saloobin sa isipan, napagpasyahan ko na huwag hahayaan ang aking sarili sa lahat ng pang-aabusong ito at mamuhay pa sa pagkasiphayo: Sa mga bagay sa hinaharap at sa pakikitungo sa iba, panata ko na hindi na masyadong maging matulungin pa. Kahit matapos kong tanggapin ang gawain ng Diyos, inilapat ko pa rin ang prinsipyo na ito sa pagsasagawa ng pag-uugali ko at mga pakikipag-ugnayan sa iba.