Filipino Variety Show | "Ang mga Limitasyon ng Mayor ng Barrio" | Why Christians Have to Flee Their Homes
Ikinukuwento ng maikling dula na Ang Mayor ng Barrio ang tunay na kuwento ng isang mag-asawang Kristiyano na napilitang tumakas dahil sa pang-uusig ng pamahalaang CCP.
Hinatulan ng CCP ang Kristiyanong si Liu Ming'en ng pitong taong pagkabilanggo dahil sa paniniwala sa Diyos. Maging noong nakalabas na siya sa bilangguan, nanatili siyang target ng masidhing paniniktik ng CCP. Ginagamit ng mayor ng barrio ang sistemang pananagutan ng limang-sambahayan, mga camerang pang-seguridad, pagdalaw sa bahay, at iba pang mga paraan para mapigilan si Liu Ming'en at ang asawa niya na sumampalataya sa Diyos, ngunit hindi nakamit ng mga ito ang inaasam na epekto. Ngayon, nakatanggap na naman ang mayor ng prayoridad na sulat mula sa Sentral na Partido, matapos nito sinusubukan niyang mag-isip ng mga paraan para puwersahin si Liu Ming'en at ang asawa niya na pumirma ng sulat na nangangakong itigil ang paniniwala sa Diyos. Matapos mabigo ang pakanang ito, muling dumating ang mga pulis para arestuhin ang dalawang mananampalataya. Para maiwasan ang pagkaaresto at ipagpatuloy ang pagsunod sa Diyos at pananampalataya sa Diyos, napilitang umalis sa kanilang tahanan sina Liu Ming'en at ang kanyang asawa.