Gaano mo kamahal ang Diyos sa ngayon? At gaano ang iyong nalalaman tungkol sa lahat ng nagawa ng Diyos sa iyo? Ito ang mga bagay na dapat mong matutuhan. Kapag dumarating ang Diyos sa lupa, lahat ng Kanyang nagawa sa tao at itinulot na makita ng tao ay upang mahalin Siya ng tao at makilala Siya nang tunay. Na nagagawa ng tao na magdusa para sa Diyos at nagawang makarating nang ganito kalayo ay, sa isang banda, dahil sa pag-ibig ng Diyos, at sa isa pang banda, dahil sa pagliligtas ng Diyos; higit pa rito, dahil din ito sa paghatol at gawain ng pagkastigo na naisagawa ng Diyos sa tao. Kung kayo ay walang paghatol, pagkastigo, at mga pagsubok ng Diyos, at kung hindi pa kayo pinagdusa ng Diyos, sa totoo lamang, hindi ninyo tunay na minamahal ang Diyos. Habang mas lumalaki ang gawain ng Diyos sa tao, at habang mas tumitindi ang pagdurusa ng tao, mas maliwanag kung gaano kamakabuluhan ang gawain ng Diyos, at na mas nagagawa ng puso ng tao na tunay na mahalin ang Diyos.
Sa Ama Namin, tinuturuan tayo ng Panginoon na magdasal sa Diyos na ang Kanyang kaharian ay ibaba sa lupa. Ayon sa hula sa Aklat ng Paghahayag, “Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo” at “Ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya’y mananahan sa kanila”. Makikita natin sa mga sipi at hula na ito na ang lugar na hinahanda ng Diyos para sa atin ay nasa lupa, at ang ating hantungan sa hinaharap ay nasa lupa, hindi nasa langit sa itaas....
Repleksyon sa Ebanghelyo: Sinabi ng Panginoong Jesus, "Mangagsisi kayo; sapagka't malapit na ang kaharian ng langit." (Mateo 4:17). Mula rito, makikita na ang mga tunay na nagsisisi lamang ang maaaring makapasok sa kaharian ng langit. Kung gayon ano ang tunay na pagsisisi? Mangyaring i-click ang "Repleksyon sa ebanghelyo ngayon" upang mahanap ang sagot!
Ang Mga Araw ng Paghahangad ng Katanyagan at Pakinabang ay ang pagpapatotoo ng isang Kristiyanong dumaranas ng paghatol at pagkastigo ng Diyos. Dahil sa pagnanais ng bida na maghangad ng katanyagan at katayuan habang tumutupad ng kanyang tungkulin, nang makita niyang si Brother Li ang napiling maging team leader sa halip na siya, nakaramdam siya ng sama ng loob, at nagsimulang palihim na makipagpaligsahan sa kanya.
Si Meng Changlin, isang kasamahan sa Three-Self Church, ay nag-akala noong una na ang pananampalataya niya sa Panginoon sa Three-Self Church ay magliligtas sa kanya mula sa pang-uusig ng CCP.
Ang mga tao ay naniniwala sa Diyos, iniibig ang Diyos, at napalulugod ang Diyos sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Espiritu ng Diyos gamit ang kanilang mga puso, sa gayon ay nakakamtan ang Kanyang kaluguran; kapag taos-puso silang nakikiugnay sa mga salita ng Diyos, naaantig sila ng Espiritu ng Diyos.