Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita
Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang ihatid ang isang bagong kapanahunan, upang baguhin ang paraan ng Kanyang gawain, at upang gawin ang gawain para sa buong kapanahunan. Ito ang panuntunan ng paggawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita. Siya ay nagkatawang-tao upang magsalita mula sa iba’t-ibang pananaw, binibigyang-kakayahan ang tao na tunay na makita ang Diyos, na Siyang Salita na nagpapakita sa katawang-tao, at ang Kanyang karunungan at himala. Ang ganoong gawain ay ginagawa upang mas makamit ang mga layunin ng paglupig sa tao, paggawang perpekto sa tao, at pag-aalis sa tao. Ito ang tunay na kahulugan ng paggamit sa salita upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita. Sa pamamagitan ng salita, nalalaman ng tao ang gawain ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, ang kakanyahan ng tao, at kung ano ang kailangang pasukin ng tao. Sa pamamagitan ng salita, ang lahat ng gawain na nais isagawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita ay natutupad. Sa pamamagitan ng salita, nahahayag ang tao, naaalis at sinusubukan. Nakita ng tao ang salita, narinig ang salita, at nabuksan ang kamalayan patungkol sa pag-iral ng salita. Ang bunga nito, naniniwala ang tao sa pag-iral ng Diyos; naniniwala ang tao sa pagiging-makapangyarihan at karunungan ng Diyos, gayundin sa puso ng Diyos para sa pagmamahal sa tao at Kanyang pagnanais na iligtas ang tao. Bagaman ang salitang “salita” ay payak at karaniwan, ang salita mula sa bibig ng Diyos na nagkatawang-tao ay niyayanig ang buong sansinukob; binabago ng Kanyang salita ang puso ng tao, ang mga paniwala at ang lumang disposisyon ng tao, at ang lumang anyo ng buong mundo. Sa pagdaan ng mga kapanahunan, tanging ang Diyos ng kasalukuyan ang gumagawa sa ganoong paraan, at Siya ang tanging nagsasalita at nagliligtas sa tao. Pagkatapos noon, namumuhay ang tao sa ilalim ng patnubay ng salita, inaakay at tinutustusan ng salita; sila ay namumuhay sa mundo ng salita, namumuhay sa gitna ng mga sumpa at mga pagpapala ng salita ng Diyos, at higit pa ay namumuhay sa ilalim ng paghatol at pagkastigo ng salita. Ang mga salita at gawaing ito ay para lahat sa kapakanan ng kaligtasan ng tao, pagkamit sa kalooban ng Diyos, at pagbabago sa orihinal na anyo ng mundo ng unang paglikha. Nilikha ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng salita, pinamumunuan ang mga tao sa buong sansinukob sa pamamagitan ng salita, nilulupig at inililigtas sila sa pamamagitan ng salita. Sa huli, gagamitin Niya ang salita upang dalhin ang buong lumang mundo sa katapusan. Doon lamang ganap na matatapos ang plano sa pamamahala. Sa buong Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang gawin ang Kanyang gawain at makamit ang mga bunga ng Kanyang gawain; hindi Siya gumagawa ng kababalaghan o gumaganap ng mga himala: ginagawa lamang Niya ang Kanyang mga gawain sa pamamagitan ng salita. Dahil sa salita, ang tao ay pinalulusog at tinutustusan; dahil sa salita, nagtatamo ang tao ng kaalaman at tunay na karanasan. Ang tao sa Kapanahunan ng Salita ay tunay na nakatanggap ng mga bukod-tanging pagpapala. Ang tao ay hindi nagdurusa ng sakit ng laman at nagtatamasa lamang ng masaganang tustos ng salita ng Diyos; hindi nila kailangang maghanap o maglakbay, at walang kahirap-hirap na nakikita nila ang anyo ng Diyos, naririnig nila Siyang nagsasalita sa kanilang sarili, natatanggap ang Kanyang panustos, at nakikita nila sa kanilang sarili na ginagawa Niya ang Kanyang gawain. Ang tao sa mga nakaraang Kapanahunan ay hindi natamasa ang ganoong mga bagay, at ito ang mga pagpapala na hindi nila kailanman matatanggap. |
10 Setyembre 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita
09 Setyembre 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Awit ng Taos-pusong Pagkapit
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Awit ng Taos-pusong Pagkapit
Narito S'ya, S'ya'y D'yos sa laman.
Wika't gawa Niya ay totoong lahat.
Dunong N'ya't pagkamat'wid, mahal ko.
Nakita't nakamtan S'ya, kaypalad ko.
Narito S'ya, S'ya'y D'yos sa laman.
Wika't gawa N'ya, totoong lahat.
Dunong N'ya't pagkamat'wid, mahal ko.
Nakita't nakamtan S'ya, kaypalad ko.
Puso't pag-ibig N'ya'y angkin.
Ibigi't sundan S'ya, o aking sinta.
S'ya'y iniibig, kaytamis, nagtitiis para sa Kanya.
Kamtin at ibigin S'ya, mabuhay para sa Kanya.
08 Setyembre 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa
Nais mo bang makita si Jesus? Nais mo bang mabuhay kasama si Jesus? Nais mo bang marinig ang mga salitang sinambit ni Jesus? Kung gayon, paano mo sasalubungin ang pagbalik ni Jesus? Handang-handa ka na ba? Sa anong paraan mo sasalubungin ang pagbalik ni Jesus? Sa palagay Ko bawat kapatid na lalaki at babae na sumusunod kay Jesus ay gugustuhing malugod na salubungin si Jesus. Ngunit naisip na ba ninyo kung talagang makikilala ninyo si Jesus pagbalik Niya? Talaga bang mauunawaan ninyo ang lahat ng sinasabi Niya? Talaga bang tatanggapin ninyo, nang walang pasubali, ang lahat ng gawaing ginagawa Niya? Alam ng lahat nang nagbasa ng Biblia na babalik si Jesus, at lahat nang nagbasa ng Biblia ay taimtim na hinihintay ang Kanyang pagdating. Nakatutok kayong lahat sa pagdating ng sandaling iyon, at kapuri-puri ang inyong katapatan, nakakainggit ang inyong pananampalataya, ngunit natatanto ba ninyo na nakagawa kayo ng malubhang pagkakamali? Sa anong paraan babalik si Jesus? Naniniwala kayo na si Jesus ay babalik na nasa ibabaw ng puting ulap, ngunit ito ang tanong Ko sa inyo: Ano ang tinutukoy ng puting ulap na ito? Sa napakaraming alagad ni Jesus na naghihintay sa Kanyang pagbalik, kanino Siya bababa? Kung sa inyo unang bababa si Jesus, hindi ba ito ituturing ng iba na lubhang di-makatarungan? Alam Ko na napakamataimtim at napakamatapat ninyo kay Jesus, ngunit nakaharap na ba ninyo si Jesus? Alam ba ninyo ang Kanyang disposisyon? Nakasama na ba ninyo Siya? Gaano ba talaga ninyo nauunawaan ang tungkol sa Kanya? Sasabihin ng ilan na ang mga salitang ito ay naglalagay sa kanila sa nakakaasiwang kalagayan. Sasabihin nilang, “Napakaraming beses ko nang nabasa ang Biblia mula simula hanggang wakas. Paano ko hindi mauunawaan si Jesus? Huwag na nating intindihin ang disposisyon ni Jesus—alam ko pa nga ang kulay ng damit na gusto Niyang isuot. Hinahamak Mo ba ako kapag sinasabi Mo na hindi ko Siya nauunawaan?” Iminumungkahi Ko na huwag kang makipagtalo sa mga usaping ito; mas mabuti pang huminahon at pagsamahan ang tungkol sa sumusunod na mga tanong: Una, alam mo ba kung ano ang katotohanan, at ano ang teoriya? Ikalawa, alam mo ba kung ano ang pagkaintindi, at ano ang katotohanan? Ikatlo, alam mo ba kung ano ang akala, at ano ang totoo?
07 Setyembre 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tagapagligtas ay Bumalik na Nakatuntong sa “Puting Ulap”
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tagapagligtas ay Bumalik na Nakatuntong sa “Puting Ulap”
Sa loob ng libong mga taon, inasam ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Inasam ng tao na makita si Jesus na Tagapagligtas na nasa puting ulap habang Siya ay bumababa, sa Kanyang pagkatao, sa mga taong nanabik at naghangad sa Kanya sa loob ng libong mga taon. Hinangad ng tao na bumalik ang Tagapagligtas at muling makiisa sa mga tao, yan ay, na si Jesus na Tagapagligtas ay bumalik sa mga tao na napahiwalay sa Kanya sa loob ng libong mga taon. At umaasa ang tao na muli Niyang isasagawa ang gawain ng pagtubos na ginawa Niya sa mga Hudyo, magiging mahabagin at mapagmahal sa tao, magpapatawad sa mga kasalanan ng tao, dadalhin ang mga kasalanan ng tao, at papasanin na pati lahat ng mga paglabag ng tao, at ililigtas ang tao mula sa kasalanan. Hangad nila na si Jesus na Tagapagligtas na maging katulad dati—isang Tagapagligtas na kaibig-ibig, magiliw at kagalang-galang, na hindi kailanman mabagsik sa tao, at na hindi kailanman sinisisi ang tao. Ang Tagapagligtas na ito ay nagpapatawad at pinapasan ang lahat ng mga kasalanan ng tao, at namatay rin muli sa krus para sa tao. Mula nang lumisan si Jesus, ang mga disipulo na sumunod sa Kanya, at lahat ng mga santo na naligtas na nagpapasalamat sa Kanyang pangalan, ay naging desperado sa pag-asam sa Kanya at hinihintay Siya. Lahat ng mga taong naligtas ng biyaya ni Jesucristo sa panahon ng Kapanahunan ng Biyaya ay nananabik sa nakakagalak na araw sa panahon ng mga huling araw, kapag si Jesus ang Tagapagligtas ay dumating sakay sa isang puting ulap at magpakita sa tao. Mangyari pa, ito rin ang sama-samang pagnanais ng lahat ng mga taong tumatanggap sa pangalan ni Jesus na Tagapagligtas ngayon. Sa buong sansinukob, lahat ng mga tao na nakakaalam sa pagliligtas ni Jesus na Tagapagligtas ay naging desperado nang may matinding pagnanais sa biglaang pagdating ni Jesucristo, upang tuparin ang mga salita ni Jesus nang nasa lupa: “Babalik ako tulad ng Aking paglisan.” Ang tao ay naniniwala na, sumunod sa pagpako sa krus at muling pagkabuhay na mag-uli, si Jesus ay bumalik sa langit sa ibabaw ng isang puting ulap, at naupo sa Kanyang luklukan sa kanan ng Kataas-taasan. Kahalintulad din, nag-iisip ang tao na si Jesus ay bababa muli sakay sa isang puting ulap (ang ulap na ito ay tumutukoy sa ulap na sinakyan ni Jesus nang bumalik Siya sa langit), sa mga taong naging desperado sa pananabik sa Kanya sa loob ng libong mga taon, at na dadalhin Niya ang imahe at mga pananamit ng mga Hudyo. Matapos ang pagpapakita sa mga tao, magbibigay Siya ng pagkain sa kanila, magiging dahilan ng pagbukal ng buhay na tubig para sa kanila, at mamumuhay kasama ng mga tao, puspos ng biyaya at pagmamahal, buhay at tunay. At iba pa. Datapwat si Jesus na Tagapagligtas ay hindi ganito ang ginawa; ginawa Niya ang kabaliktaran nang iniisip ng tao. Hindi Siya dumating doon sa mga taong naghahangad sa Kanyang pagbabalik at hindi nagpakita sa lahat ng mga tao habang nakasakay sa puting ulap. Siya ay dumating na, subalit hindi Siya kilala ng tao, at nananatiling mangmang sa Kanyang pagdating. Ang tao ay walang layon na naghihintay lamang sa Kanya, walang malay na nakababa na Siya sakay sa isang puting ulap (ang ulap na siyang Kanyang Espiritu, Kanyang mga salita, at Kanyang buong disposisyon at lahat ng Siya), at ngayon ay kasama ng isang grupo ng mga mapagtagumpay na Kanyang gagawin sa panahon ng mga huling araw. Hindi ito alam ng tao: Bagaman ang banal na Tagapagligtas na si Jesus ay puno ng pagkagiliw at pagmamahal sa tao, paano Siya makakagawa sa mga “templo” na pinamamahayan ng karumihan at di-malinis na mga espiritu? Bagaman hinihintay ng tao ang Kanyang pagdating, paano Siya maaaring magpakita sa mga taong kumakain ng laman ng mga di-matuwid, umiinom ng dugo ng di-matuwid, nagsusuot ng mga damit ng di-matuwid, na naniniwala sa Kanya ngunit hindi Siya kilala, at patuloy na kinikikilan Siya? Ang tanging alam lang ng tao ay na si Jesus na Tagapagligtas ay puno ng pagmamahal at habag, at ang paghahandog para sa kasalanan ay puspos ng pagtubos. Ngunit ang tao ay walang idea na Siya rin ay ang Diyos Mismo, na nag-uumapaw sa pagkamatuwid, kamahalan, matinding galit, at paghatol, at nag-aangkin ng awtoridad at puno ng dangal. At sa gayon bagaman masugid na nagnanais at nananabik sa pagbabalik ng Manunubos, at kahit ang Langit ay naaantig sa mga dalangin ng tao, si Jesus na Tagapagligtas ay hindi nagpapakita sa mga taong naniniwala sa Kanya subalit hindi Siya nakikilala.
06 Setyembre 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Walang Nakababatid sa Pagdating ng Diyos
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Walang Nakababatid sa Pagdating ng Diyos
Walang may kamalayan sa pagdating ng Diyos,
walang sumalubong sa pagdating Niya.
Higit pa, walang may-alam sa gagawin ng Diyos.
Walang may-alam ng gagawin N'ya.
Buhay ng tao'y sadyang hindi nagbabago.
Kasama natin ang Diyos gayang karaniwang tao,
bilang pinakahamak sa lahat ng tagasunod,
bilang karaniwang mananalig.
May sarili Siyang hangarin at layunin.
May pagka-Diyos Siyang di-taglay ng tao.
Walang nakabatid ng Kanyang pagka-Diyos,
o ang kaib'hang Kanyang diwa sa tao.
05 Setyembre 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos
Bawa’t isa ay nakadarama na ang pamamahala ng Diyos ay kakaiba, dahil sa palagay ng tao ang pamamahala ng Diyos ay ganap na walang kaugnayan sa tao. Palagay nila ang pamamahalang ito ay gawain lamang ng Diyos nang mag-isa, ay sariling tungkulin ng Diyos, at sa gayon ang sangkatauhan ay walang malasakit sa pamamahala ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang kaligtasan ng sangkatauhan ay naging malabo at hindi malinaw, at ngayon ay walang iba kundi walang-lamang retorika. Kahit na sumusunod ang tao sa Diyos upang maligtas at makapasok sa magandang patutunguhan, ang tao ay walang pag-aalala para sa kung paano isinasakatuparan ng Diyos ang Kanyang gawain. Ang tao ay walang pagpapahalaga sa kung ano ang mga plano ng Diyos na gawin at sa bahaging dapat niyang gampanan upang maligtas. Gaano kalunus-lunos iyan! Ang pagliligtas ng tao ay hindi maihihiwalay sa pamamahala ng Diyos, mas lalong hindi ito maaaring ihiwalay mula sa plano ng Diyos. Gayunman hindi iniisip ng tao ang pamamahala ng Diyos, at sa gayon ay mas lalong lumalayo sa Diyos. Dahil dito, ang dumadaming bilang ng mga tao ay nagiging mga tagasunod ng Diyos na hindi alam ang mga bagay na mayroong malapit na kaugnayan sa pagliligtas ng tao tulad ng kung ano ang paglikha, kung ano ang paniniwala sa Diyos, kung paano sumamba sa Diyos, at iba pa. Sa puntong ito, kung gayon, kailangan nating magkaroon ng pagtalakay tungkol sa pamamahala ng Diyos, upang malinaw na malaman ng bawat tagasunod. ang kahalagahan ng pagsunod sa Diyos at paniniwala sa Kanya. Makakaya rin nilang pumili ng landas na dapat nilang lakaran nang mas tumpak, sa halip ng pagsunod lamang sa Diyos upang makakuha ng mga biyaya, o maiwasan ang sakuna, o maging matagumpay.
04 Setyembre 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Para Kanino Ba Nabubuhay Ang Tao
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Para Kanino Ba Nabubuhay Ang Tao
Noo'y 'di malinaw sa layon ng buhay, ngayo'y alam ko na.
Hinanap ko'y estado at kasikatan.
Mag-isang tinahak ang pansariling landas, nabuhay para sa 'kin lamang.
Sa dasal sambit dati'y magagandang salita,
pero ang buhay ko ay hindi akma.
Pananampalataya ko'y sa bukas ipinagbahala,
katotohana't realidad sa akin ay wala.
Pananampalataya'y kulong sa ritwal at patakaran;
ako'y naiwang walang saysay.
Bigong mabuhay at di karapat-dapat sa pag-ibig ng Diyos.
03 Setyembre 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos|Alam Mo Ba? Gumawa ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa mga Tao
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos|Alam Mo Ba? Gumawa ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa mga Tao
Ang lumang kapanahunan ay lumipas; ang bagong kapanahunan ay dumating. Dumaan ang mga taon at mga araw, nagsagawa ng maraming gawain ang Diyos. Siya ay pumarito sa mundo at pagkatapos lumisan din. Paulit-ulit na nagpatuloy ito sa maraming salinlahi. Hanggang sa kasalukuyan, ipinagpapatuloy ng Diyos ang gawain na nararapat Niyang isagawa, ang gawain na hindi pa Niya natatapos, dahil hanggang sa araw na ito ay hindi pa Siya pumasok sa kapahingahan. Mula sa panahon ng paglikha hanggang sa kasalukuyan, nagsagawa ng maraming gawain ang Diyos, ngunit alam mo bang ang gawain ng Diyos ngayon at higit sa mga gawain Niya noon at sa nakakataas na antas? Ito ang dahilan kung bakit Ko sinasabi na ang Diyos ay gumawa ng mga dakilang bagay sa mga tao. Ang lahat ng gawain ng Diyos ay napakahalaga, sa tao man o sa Diyos, ang bawat bagay sa Kanyang gawain ay may kaugnayan sa tao.
02 Setyembre 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ng Diyos ay Patuloy sa Pagsulong
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ng Diyos ay Patuloy sa Pagsulong
Ang Gawain ng Diyos ay Patuloy sa Pagsulong
Ang gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong;
bagamat di nagbabago ang layunin,
paraan ng paggawa Niya'y patuloy sa pagbago,
at gayun din ang mga sumusunod sa Kanya.
Habang mas maraming gawain ang Diyos
mas maraming tao sa Kanya'y ganap na nakakakilala,
mas nababago ang disposisyon ng tao
kasama na ang Kanyang gawain.
Ang gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong;
Kailanma'y gawain Niya'y di-luma, laging bago.
Hindi Niya inuulit ang gawaing luma,
tanging gawaing di pa ginawa noon Kanyang gagawin.
01 Setyembre 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan
Ang anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ng Diyos ay malapit na ang pagtatapos, at ang pintuang-daan ng kaharian ay ibinukas na para sa kanilang mga nagnanais makita ang pagpapakita ng Diyos. Mga mahal na kapatid, ano pa ang hinihintay ninyo? Ano ang hinahanap ninyo? Kayo ba ay hinihintay ang pagpapakita ang Diyos? Kayo ba ay hinahanap ng mga yapak ng Diyos? Talagang lubos na pinananabikan ang pagpapakita ng Diyos! At talagang napakahirap hanapin ang mga yapak ng Diyos! Sa panahong tulad ngayon, sa mundong tulad nito, ano ang nararapat nating gawin upang masaksihan ang araw ng pagpapakita ng Diyos? Ano ang nararapat nating gawin upang masundan ang mga yapak ng Diyos? Ang mga katanungang ito ay hinaharap ng lahat ng naghihintay ng pagpapakita ng Diyos. Naisip ninyo na ang lahat ng mga ito hindi lang miminsan ngunit ano ang kinalabasan? Saan nagpapakita ang Diyos? Saan ang mga yapak ng Diyos? Natagpuan ba ninyo ang mga sagot? Marami sa mga sagot ng tao ay ganito: Ang Diyos ay nagpapakita sa mga sumusunod sa Kanya at ang Kanyang mga yapak ay narito sa atin; ganyan lamang kapayak! Kahit sino ay makapagbibigay ng tuntuning sagot, ngunit naiintindihan ba ninyo kung ano ang pagpapakita ng Diyos, at kung ano ang mga yapak ng Diyos? Ang pagpapakita ng Diyos ay tumutukoy sa Kanyang personal na pagdating sa lupa upang gampanan ang Kanyang gawain. Dala ang Kanyang pagkakakilanlan at disposisyon, at ang Kanyang likas na pamamaraan, Siya ay bumababa sa sangkatauhan upang isakatuparan ang gawain ng pag-uumpisa ng isang panahon at pagtatapos ng isang panahon. Ang uri ng pagpapakitang ito ay hindi isang anyo ng seremonya. Ito ay hindi isang simbolo, isang larawan, isang himala, o magarbong pangitain, at lalong hindi ito isang prosesong pangrelihiyon. Ito ay isang tunay at makatotohanang kaalaman na maaaring hawakan at makita. Ang uri ng pagpapakitang ito ay hindi upang sumunod lamang sa isang pamamaraan, o para sa isang panandaliang gawain; ito, sa halip, ay para sa kapakanan ng isang yugto sa gawain sa Kanyang plano sa pamamahala. Ang pagpapakita ng Diyos ay laging makabuluhan, at laging kaugnay ng Kanyang plano sa pamamahala. Ang pagpapakitang ito ay lubos na naiiba sa pagpapakita ng patnubay ng Diyos, pamumuno, at pagliliwanag sa tao ng Diyos. Isinasagawa ng Diyos ang isang yugto ng dakilang gawain sa tuwing inihahayag Niya ang Sarili Niya. Ang gawaing ito ay naiiba sa anumang gawain sa alinmang ibang kapanahunan. Hindi ito maiisip ng tao... at hindi rin ito naranasan kailanman ng tao. Ito ay gawain na nagsisimula ng bagong kapanahunan at nagwawakas ng lumang panahon, at ito ay isang bago at pinahusay na anyo ng gawain para sa kaligtasan ng sangkatauhan; bukod dito, ito ay gawaing pagdadala sa sangkatauhan sa bagong kapanahunan. Iyan ang kahulugan ng pagpapakita ng Diyos.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)