Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tatlong Babala
Bilang isang mananampalataya ng Diyos, nararapat kayong maging tapat lamang sa Kanya at ihanay ang iyong puso sa Kanya sa lahat ng mga bagay. Gayunman, kahit naiintindihan ng lahat ang doktrinang ito, hindi sapat kumatawan ang mga ito maging gaano man ito kalinaw at naging batayan ng katotohanan para sa tao, dahil sa kanilang mga paghihirap, gaya ng kamangmangan, kahangalan, at katiwalian. Samakatuwid, bago matukoy ang inyong katapusan, nararapat lamang na sabihin ko ang ilang mga bagay na lubhang napakahalaga para sa inyo. Bago ako magpatuloy, kailangang maintindihan ninyo muna ang mga ito: Ang mga sasabihin ko ay ang mga katotohanang nakatuon sa buong sangkatauhan, hindi lamang sa partikular na tao o klase ng tao. Samakatuwid, pagtuunan lamang ng pansin ang pagtanggap ng Aking mga salita sa makatotohanang pananaw, at panatilihin ang ugali ng konsentrasyon at katapatan. Huwag balewalain ang alinman sa mga salita at katotohanang Aking sasabihin, at huwag isaalang-alang ang Aking mga salita nang may panghahamak. Sa inyong buhay nakikita kong karamihan sa inyong mga ginagawa ay walang kaugnayan sa katotohanan, samakatwid Hinihiling ko na kayo ay maging tagapaglingkod sa katotohanan at huwag maging alipin ng kasamaan at kapangitan. Huwag apakan ang katotohanan o dungisan ang alinmang sulok ng tahanan ng Diyos. Ito ang Aking babala para sa inyo. Ngayon sisimulan ko ng magsalita tungkol sa paksang dapat talakayin: