Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ay na ang isang payak, at normal na tao ay ginagawa ang gawain ng Diyos Mismo; iyon ay, na ang Diyos ay gumagawa ng Kanyang pagka-Diyos na gawain sa pagkatao at sa gayong paraan ay tinatalo si Satanas. Ang pagkakatawang-tao ay nangangahulugan na ang Espiritu ng Diyos ay nagiging isang laman, iyon ay, ang Diyos ay nagiging laman; ang gawain na ginagawa Niya sa laman ay ang gawain ng Espiritu, na naging tunay sa laman, ipinahayag sa pamamagitan ng laman.