1. Ang kabuuan ng Aking plano sa pamamahala, isang plano na sumasaklaw ng anim na libong taon, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: ang Kapanahunan ng Kautusan sa pasimula; ang Kapanahunan ng Biyaya (na tinatawag ding Kapanahunan ng Pagtubos); at ang Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw.
01 Mayo 2019
30 Abril 2019
Filipino Variety Show "Ang Aking Ama, ang Pastor" A Debate on the Bible Between Father and Daughter
Filipino Variety Show"Ang Aking Ama, ang Pastor" A Debate on the Bible Between Father and Daughter
Si Chi Shou, isang relihiyosong pastor na apatnapu't taon nang nananampalataya sa Panginoon, ay palaging nanghawak sa pananaw na "lahat ng salita at gawain ng Panginoon ay nasa Biblia," at "ang paniniwala sa Panginoon ay hindi maaaring lumihis mula sa Biblia, at ang paniniwala sa Biblia ay nangangahulugang paniniwala sa Panginoon." Noong tinanggap ng kanyang anak na babae ang gawain ng Diyos ng mga huling araw, gumawa sila ng kanyang asawa ng plano para pigilan siya. Sa araw na ito, babalik ang kanyang anak para magpatotoo sa kanila sa ebanghelyo ng pagbabalik ng Panginoon, at nagkaroon ng mainit, matalino, ngunit seryosong pagtatalo ang pamilya …
29 Abril 2019
Tagalog Christian Songs | "Ang mga Taong Natamo ng Diyos ay Nagtataglay ng Realidad"
Tagalog Christian Songs-Ang mga Taong Natamo ng Diyos ay Nagtataglay ng Realidad
I
Ang Diyos ay praktikal na Diyos.
Lahat ng Kanyang gawain, Kanyang bawat salita,
mga katotohanang Kanyang ipinahayag ay praktikal.
Lahat ng iba pa'y hungkag at hindi tama.
Gagabay sa tao Banal na Espiritu
tungo sa mga salita ng Diyos.
Para makapasok sa realidad, kailangan ng taong
hanapin, alamin, at maranasan ito.
Sila na taglay at alam ang realidad
ay ang mga natamo ng Diyos.
Alam nila ang Kanyang mga gawain
sa pamamagitan ng pagdanas sa realidad.
Mas nakikipagtulungan ka sa Diyos
at lalo mong dinidisiplina ang iyong laman,
lalong gagawa ang Diyos at magliliwanag sa iyo,
at iyong matatamo ang realidad
at malalaman ang mga gawain ng Diyos.
II
Siya na mas nakakaalam ng realidad ay kayang makita
kung kaninong mga salita ang totoo,
at mas kaunti ang mga akala.
Mas maraming karanasan,
mas lalong malalaman ng tao ang mga gawain ng Diyos
at iwawaksi ang kanilang mga kasamaan.
Mas marami silang taglay na realidad,
mas makikilala nila ang Diyos,
kamumuhian ang laman at mamahalin ang katotohanan,
mas malapit sa mga pamantayan ng Diyos.
Sila na taglay at alam ang realidad
ay ang mga natamo ng Diyos.
Alam nila ang Kanyang mga gawain
sa pamamagitan ng pagdanas sa realidad.
Mas nakikipagtulungan ka sa Diyos
at lalo mong dinidisiplina ang iyong laman,
lalong gagawa ang Diyos at magliliwanag sa iyo,
at iyong matatamo ang realidad
at malalaman ang mga gawain ng Diyos.
III
Mamuhay sa liwanag ng Diyos ngayon,
lilinaw ang iyong landas ng pagsasagawa.
Mapapalaya mo ang iyong sarili sa dating gawain
at lumang relihiyosong pag-iisip.
Ngayon ang pansin ay sa realidad.
Kapag mas taglay ito ng tao,
mas malinaw ang kanilang kaalaman sa katotohanan
at pag-unawa sa kalooban ng Diyos.
Sila na taglay at alam ang realidad
ay ang mga natamo ng Diyos.
Alam nila ang Kanyang mga gawain
sa pamamagitan ng pagdanas sa realidad.
Mas nakikipagtulungan ka sa Diyos
at lalo mong dinidisiplina ang iyong laman,
lalong gagawa ang Diyos at magliliwanag sa iyo,
at iyong matatamo ang realidad
at malalaman ang mga gawain ng Diyos.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
28 Abril 2019
Tagalog Worship Songs "Lahat ng Hiwaga ay Nailantad Na" | God Has Come Back and Revealed All Mysteries
Tagalog Worship Songs "Lahat ng Hiwaga ay Nailantad Na" | God Has Come Back and Revealed All Mysteries
Makapangyarihang Diyos ng pagkamatuwid—
ang Makapangyarihan!
Sa Iyo'y, walang natatago.
Bawat hiwaga, sa kawalang-hanggan,
na 'di naibunyag ng sinumang tao,
sa 'Yo'y hayag at malinaw.
27 Abril 2019
Tagalog Christian Songs-Nagpapasiya ang Diyos sa Kalalabasan ng Tao Ayon sa Kanilang Diwa
I
Kung makaligtas ang isang tao sa huli,
iyo'y dahil nagawa niya ang mga ipinagagawa ng Diyos.
Ngunit kung 'di siya makakaligtas sa huli,
ito'y dahil sumusuway sila't di mapapalugod nais ng Diyos.
Di puwedeng ipasa ang masasamang gawa
ni ang katuwiran ng isang bata
sa kanyang mga magulang.
26 Abril 2019
Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos-Ano ang Gawain ng Pamamahala sa Sangkatauhan?
Ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto, na nangangahulugang ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto. Hindi kabilang sa tatlong mga yugtong ito ang gawain ng paglikha ng mundo, kundi ang tatlong mga yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya, at Kapanahunan ng Kaharian.
25 Abril 2019
Ang Pangalan ng Diyos-Bakit Tinatawag ang Diyos sa Iba’t-ibang Pangalan sa Iba’t-ibang Kapanahunan?
Sa bawat kapanahunan, gumagawa ang Diyos ng bagong gawain at tinatawag ng bagong pangalan; paano Siya makakagawa ng parehong gawain sa iba’t ibang kapanahunan? Paano Siya makakakapit sa luma? Ang pangalan ni Jesus ay kinuha para sa kapakanan ng gawain ng pagtubos, kaya tatawagin pa rin ba Siya sa parehong pangalan kapag bumalik Siya sa mga huling araw?
24 Abril 2019
Q&A tungkol sa Ebanghelyo-Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Nag-iisang Totoong Diyos na Namumuno sa Lahat ng Mga Bagay.
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Hindi alam ng sangkatauhan kung sino ang Kataas-taasan sa lahat ng mga bagay sa sansinukob, mas lalong hindi niya alam ang simula at hinaharap ng sangkatauhan. Ang sangkatauhan ay namumuhay lamang, nang sapilitan, sa gitna ng batas na ito. Walang maaaring makatakas dito at walang maaaring makapagbago rito, sapagka’t sa gitna ng lahat ng bagay at sa mga kalangitan ay mayroon lamang Isa na mula sa kawalang-hanggan tungo sa kawalang-hanggan na siyang nagtataglay ng paghahari sa lahat ng mga bagay.
22 Abril 2019
Tagalog Worship Songs | "Dinala na ng Cristo ng mga Huling Araw ang Panahon ng Kaharian"
Tagalog Worship Songs | "Dinala na ng Cristo ng mga Huling Araw ang Panahon ng Kaharian"
I
Nang sa mundo ng tao dumating si Jesus,
dinala N'ya panahon ng Biyaya,
tinapos Panahon ng Kautusan.
Muli Diyos naging tao sa mga huling araw.
Dinala N'ya Panahon ng Kaharian,
tinapos Panahon ng Biyaya.
21 Abril 2019
Tagalog Worship Songs| "Ang Diyos ay Tahimik na Nagbibigay sa Lahat"
Tagalog Worship Songs- Ang Diyos ay Tahimik na Nagbibigay sa Lahat
I
Ang Diyos ay nagbibigay ng
mga pangangailangan ng lahat ng tao,
sa bawat lugar, sa lahat ng oras.
Pinagmamasdan Niya’ng lahat ng kanilang iniisip,
kung paano dumaan sa pagbabago ang kanilang mga puso.
At binibigyan Niya sila ng kaginhawaan na kailangan nila,
pinasisigla at ginagabayan sila.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)