Marami Akong nahahanap sa lupa upang maging Aking mga tagasunod. Kabilang sa lahat nitong mga tagasunod, mayroon yaong mga nagsisilbing mga pari, yaong mga namumuno, yaong mga bumubuo sa mga lalaking-anak, yaong bumubuo sa mga tao, at yaong mga gumagawa ng serbisyo.
01 Hunyo 2019
31 Mayo 2019
Mga Pagbigkas ni Cristo-Yaong Mga Hindi Katugma ni Cristo ay Tiyak na Mga Kalaban ng Diyos
Inaasam ng lahat ng mga tao na makita ang totoong mukha ni Jesus at lahat ay nagnanasang makapiling Niya. Ako ay naniniwala na wala ni isa sa mga kapatiran ang magsasabi na hindi siya sang-ayon na makita o makapiling si Jesus. Bago ninyo nakita si Jesus, iyan ay, bago ninyo nakita ang nagkatawang-taong Diyos, malámáng na binibigyang-pagkakataon ninyo ang lahat ng mga uri ng mga ideya, halimbawa, tungkol sa pagpapakita ni Jesus, sa Kanyang paraan ng pagsasalita, sa Kanyang paraan ng pamumuhay, at iba pa.
30 Mayo 2019
Mga Pagbigkas ni Cristo-Kapag Namamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus ay Magiging Kung Kailan Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa
Inaasam mo bang makita si Jesus? Inaasam mo bang mabuhay kasama si Jesus? Inaasam mo bang marinig ang mga salitang sinasambit ni Jesus? Kung gayon, paano mo naman sasalubungin ang pagbabalik ni Jesus? Handang-handa ka na ba? Sa anong paraan mo sasalubungin ang pagbabalik ni Jesus? Sa palagay Ko bawa’t kapatid na lalaki at babae na sumusunod kay Jesus ay gugustuhing malugod na salubungin si Jesus.
29 Mayo 2019
Mga Pagbigkas ni Cristo-Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao
Ang gawain ng Diyos sa gitna ng mga tao ay hindi maihihiwalay mula sa tao, dahil ang tao ay ang layon ng gawaing ito, at ang tanging nilikha ng Diyos na kayang magpatotoo sa Diyos. Ang buhay ng tao at lahat ng kanyang mga gawain ay hindi maihihiwalay mula sa Diyos, at lahat ay pinipigilan ng mga kamay ng Diyos, at maaari pang masabi na walang tao ang maaaring mag-isang umiral nang hiwalay sa Diyos.
28 Mayo 2019
Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos-Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan
Ang nagkatawang-taong Diyos ay tinatawag na Cristo, at si Cristo ay ang katawang-tao na isinuot ng Espiritu ng Diyos. Ang laman na ito ay hindi katulad ng kahit sinong taong galing sa laman. Ang pagkakaibang ito ay dahil si Cristo ay hindi nagmula sa laman at dugo kundi Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay may kapwa normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos.
27 Mayo 2019
Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos-Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan
Ang anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ng Diyos ay malapit na ang pagtatapos, at ang pintuang-daan ng kaharian ay ibinukas na para sa kanilang mga nagnanais makita ang pagpapakita ng Diyos. Mga mahal na kapatid, ano pa ang hinihintay ninyo? Ano ang hinahanap ninyo? Kayo ba ay hinihintay ang pagpapakita ang Diyos? Kayo ba ay hinahanap ng mga yapak ng Diyos?
26 Mayo 2019
Mga Pagbigkas ni Cristo-Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan
Bilang mga miyembro ng sangkatauhan at tapat na mga Kristiyano, pananagutan at obligasyon nating lahat na ialay ang ating mga isipan at katawan para sa katuparan ng komisyon ng Diyos, dahil ang ating buong pagkatao ay nagmula sa Diyos, at ito ay umiiral salamat sa kapangyarihan ng Diyos.
25 Mayo 2019
Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos
Bawa’t isa ay nakadarama na ang pamamahala ng Diyos ay kakaiba, dahil sa palagay ng tao ang pamamahala ng Diyos ay ganap na walang kaugnayan sa tao. Palagay nila ang pamamahalang ito ay gawain lamang ng Diyos nang mag-isa, ay sariling tungkulin ng Diyos, at sa gayon ang sangkatauhan ay walang malasakit sa pamamahala ng Diyos.
24 Mayo 2019
Mga Pagbigkas ni Cristo-Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain
Una, umawit tayo ng isang himno: Ang Awit ng Kaharian (I) Ang Kaharian ay Bumaba sa Mundo.
I. Ang kaharian ng Diyos ay nakarating na sa lupa; ang persona ng Diyos ay ganap at sagana. Sino’ng makakahinto sa pagbubunyi? Sino’ng makakahinto sa pagsayaw? O Sion, itaas ang ‘yong bandila ng tagumpay upang magdiwang para sa Diyos. Awitin ang ‘yong awit ng tagumpay upang ikalat ang banal N’yang ngalan sa buong mundo. Di-mabilang na mga tao’y nagagalak na nagpupuri sa D’yos, di-mabilang na tinig ‘tinataas ngalan N’ya. Masdan kamangha-mangha N’yang mga gawa; ngayo’y kaharian N’ya’y nakarating na sa lupa.
23 Mayo 2019
Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo-Ang Pagkilala sa Diyos ang Daan sa Pagkatakot sa Diyos at Pag-iwas sa Masama
Bawa’t isa sa inyo ay dapat magsuring muli ng inyong buhay-pananampalataya sa Diyos para makita kung, sa paghahabol sa Diyos, ay tunay na naunawaan mo, tunay na naintindihan, at tunay na nakilala mo ang Diyos, kung tunay na alam mo kung anong saloobin ang tinitiis ng Diyos sa iba’t ibang uri ng tao, at kung tunay na nauunawaan mo kung ano ang ginagawa ng Diyos sa iyo at ano ang pakahulugan ng Diyos sa bawa’t kilos mo.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)