Bagaman maraming tao ang naniniwala sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung ano ang dapat nilang gawin upang makasunod sa puso ng Diyos. Ito ay dahil, bagaman ang mga tao ay alam na alam ang salitang “Diyos” at mga parirala tulad ng “ang gawain ng Diyos,” hindi nila kilala ang Diyos, lalong hindi nila alam ang Kanyang gawain.
1. Ang gawaing ginawa ng Diyos Mismo sa bawat kapanahunan ay naglalaman ng pagpapahayag ng Kanyang tunay na disposisyon, at ang Kanyang pangalan at ang isinasagawa Niyang gawain ay parehong nagbabago kasabay ng kapanahunan; ang lahat ng ito ay bago.
Bawa’t isa ay nakadarama na ang pamamahala ng Diyos ay kakaiba, dahil sa palagay ng tao ang pamamahala ng Diyos ay ganap na walang kaugnayan sa tao. Palagay nila ang pamamahalang ito ay gawain lamang ng Diyos nang mag-isa, ay sariling tungkulin ng Diyos, at sa gayon ang sangkatauhan ay walang malasakit sa pamamahala ng Diyos.