Ni Amy, USA
“Ang makilala ang Panginoon ang pinaka-inaasam ng lahat ng mga mananampalataya. Sa pamamagitan ng biyaya ng Panginoon, sinalubong ko ang pagbabalik ng Panginoon at puno ako ng pasasalamat sa Kanya….” Gabi iyon, at kumakalat ang malinaw na liwanag ng buwan sa silid mula sa bintana. Sa ilalim ng malamlam na ilaw ng kanyang lampara, mabilis na tumitipa si Amy tungkol sa kanyang karanasan sa pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon. Iniisip ang pagmamahal at pagliligtas ng Diyos para sa kanya, tumayo si Amy at marahang lumakad patungo sa bintana at tumanaw sa bilog na buwan, ginugunita ang nakaraan …