Ang Mga Araw ng Paghahangad ng Katanyagan at Pakinabang ay ang pagpapatotoo ng isang Kristiyanong dumaranas ng paghatol at pagkastigo ng Diyos. Dahil sa pagnanais ng bida na maghangad ng katanyagan at katayuan habang tumutupad ng kanyang tungkulin, nang makita niyang si Brother Li ang napiling maging team leader sa halip na siya, nakaramdam siya ng sama ng loob, at nagsimulang palihim na makipagpaligsahan sa kanya.
Si Meng Changlin, isang kasamahan sa Three-Self Church, ay nag-akala noong una na ang pananampalataya niya sa Panginoon sa Three-Self Church ay magliligtas sa kanya mula sa pang-uusig ng CCP.
Ang mga tao ay naniniwala sa Diyos, iniibig ang Diyos, at napalulugod ang Diyos sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Espiritu ng Diyos gamit ang kanilang mga puso, sa gayon ay nakakamtan ang Kanyang kaluguran; kapag taos-puso silang nakikiugnay sa mga salita ng Diyos, naaantig sila ng Espiritu ng Diyos.
Noong tagsibol ng 2006, inalisan ako ng katungkulan bilang pinuno at ipinabalik sa pinanggalingan ko dahil ako raw ay “hindi marunong tumanggi.” Sa una kong pagbabalik, hindi ko natiis ang labis na pagdurusa at paghihirap. Hindi ko akalain na pagkaraan ng maraming taon ng pamumuno ay mababalewala ang lahat dahil ako ay “hindi marunong tumanggi.”
Si Yu Congguang ay nangangaral ng ebanghelyo para sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Habang nangangaral ng ebanghelyo, tinugis siya ng Komunistang gobyerno ng Tsina. Tumakas siya sa mga kabundukan, kung saan nakatanggap siya ng tulong mula kay Zheng Xun, isang katrabaho sa lokal na bahay iglesia. Nang una silang nagkita, pakiramdam nila ay matagal na nilang kilala ang bawat isa. Dinala ni Zheng Xun si Yu Congguang sa kubo kung saan siya at ng kanyang mga katrabaho ay nagtipon. Doon, nangyari ang isang debate kila Zheng Xun at ng kanyang mga katrabaho kung ang isang mananampalataya sa Diyos ay dapat bang sundin o hindi yaong mga nasa kapangyarihan.
Si Meng Changlin, isang kasamahan sa Three-Self Church, ay nag-akala noong una na ang pananampalataya niya sa Panginoon sa Three-Self Church ay magliligtas sa kanya mula sa pang-uusig ng CCP. Gayunpaman, pagkatapos malagay sa kapangyarihan si Xi Jinping, lalo pang pinatitindi ng CCP ang pang-uusig nito sa pananampalataya sa relihiyon, at maging ang Three-Self Church na pinatatakbo ng pamahalaan ay nagsisimulang dumanas ng pagsawata at pang-uusig; marami sa kanilang mga krus ang winawasak at mga iglesia ang ginigiba, at nagsisimula na rin ang CCP na pwersahin ang mga iglesia na magtaas ng pambansang bandila, kantahin ang pambansang awit, at magsabit ng larawan ni Chairman Xi….