Natutupad Ko ang napakaraming gawa sa mundo at nakapaglalakad sa gitna na sangkatauhan sa loob ng napakaraming taon. Ngunit madalang na mayroong kaalaman ang mga tao sa Aking imahe at Aking disposisyon, at kakaunting tao ang kayang maipaliwanag nang lubos ang gawa na Aking ginagawa. Labis na nagkukulang ang mga tao, palagi silang nagkukulang sa pag-unawa ng Aking ginagawa, at palaging alerto ang kanilang mga puso na para bang malalim nilang kinatatakutan na dadalhin Ko sila sa isa pang sitwasyon at pagkatapos hindi na sila papansinin. Sa gayon, palaging walang sigla na may kasamang malaking pag-iingat ang pag-uugali ng mga tao tungo sa Akin. Ito ay sapagkat ang mga tao ay nakakarating sa kasalukuyan na walang pagkaunawa sa gawa na ginagawa Ko, at sila ay partikular na natataranta sa mga salita na winiwika Ko sa kanila. Dinadala nila ang Aking mga salita sa kanilang mga kamay, na hindi alam kung dapat ba silang nakatutok sa paniniwalang ito o kung dapat nilang kalimutan ito nang walang katiyakan. Hindi nila alam kung dapat nilang isagawa ito, o kung dapat silang maghintay at tumingin. Hindi nila alam kung dapat nilang isantabi ang lahat at matapang na sumunod, o kung dapat nilang ipagpatuloy ang pagiging palakaibigan sa mundo kagaya ng dati. Masyadong kumplikado ang mga panloob na mundo ng mga tao, at masyado silang tuso. Dahil hindi kayang makita nang malinaw ng mga tao ang Aking mga salita at hindi nila kayang makita ang mga iyon nang buo, marami sa kanila ang nahihirapang isagawa ang mga iyon, at nahihirapang ialay ang kanilang puso sa Aking harapan. Malalim Kong nauunawaan ang inyong mga paghihirap. Maraming mga kahinaan ang hindi maiiwasan kapag namumuhay sa loob ng laman, at maraming mga obhektibong mga kadahilanan ang nagdadala sa inyong mga kahirapan. Pinapakain ninyo ang inyong pamilya, ginugugol ang inyong mga araw sa pagtatrabaho nang mabuti, at lumilipas ang oras nang mahirap. Mayroong maraming mga paghihirap sa pamumuhay sa laman hindi Ko ito ikinakaila, at siyempre ang mga kinakailangan Ko mula sa inyo ay alinsunod sa inyong mga paghihirap. Nakabatay sa inyong aktuwal na tayog ang lahat ng mga kinakailangan sa gawa na Aking ginagawa. Marahil nang nagtatrabaho ang mga tao noong nakaraan nahahaluan ng mga elemento ng kalabisan ang mga hinihingi nila sa inyo, ngunit dapat ninyong malaman na hindi Ako kailanman nagkaroon nang sobra-sobrang kinakailangan mula sa inyo sa anumang Aking sinasabi at ginagawa. Hinihingi ang lahat ng ito batay sa kalikasan ng mga tao, laman, at kung ano ang kanilang kailangan. Dapat ninyong malaman, at kaya Kong sabihin nang malinaw sa inyo, na hindi Ko sinasalungat ang ilang makatwirang pag-iisip ng mga tao at ang kanilang orihinal na kalikasan. Dahil lamang ito sa hindi nauunawaan ng mga tao kung ano talaga ang pamantayan ng Aking mga hiningi, at ni hindi nila nauunawaan ang orihinal na kahulugan ng Aking mga salita na magpasahanggang ngayon, naghihinala pa rin ang mga tao sa Aking mga salita, at mas mababa pa sa kalahati ng mga tao ang naniniwala sa Aking mga salita. Ang mga hindi naniniwala ang natitira, at mas higit pa ang mga yaong nais na marinig Akong “nagkukuwento.” Higit pa rito, mayroong maraming nakikita ito bilang aliwan. Binabalaan Ko kayo: Nabuksan na sa mga naniniwala sa Akin ang marami sa Aking mga salita, at ang mga yaong nagtatamasa ng magandang tanawin ng kaharian ngunit napagsarhan na ng mga tarangkahan nito ay naalis Ko na. Hindi ba kayo isang masamang damo lamang na kinasusuklaman at tinatanggihan Ko? Paano ninyo Ako maihahatid at pagkatapos masayang tatanggapin ang Aking pagbalik? Sinasabi Ko sa inyo, matapos na marinig ng mga tao mula sa Nineveh ang mga galit na salita ni Jehovah, agad silang nagsisi sa mga tela ng sako at mga abo. Ito ay dahil sa naniwala sila sa Kanyang salita na sila ay puno ng takot at pangamba at nagsisi sila sa mga tela ng sako at mga abo. At bagaman ang mga tao sa kasalukuyan ay naniniwala rin sa Aking mga salita at higit pang naniniwala na si Jehova ay pumaparito muli sa gitna ninyo ngayon, ang inyong saloobin ay wala kundi kawalang-pitagan, na para bang inoobserbahan lang ang Jesus na ipinanganak sa Judea ilang libong taon na ang nakalipas at ngayon ay bumababa sa gitna ninyo. Malalim Kong nauunawaan ang pagiging mapanlilinlang na umiiral sa loob ng inyong mga puso; sumusunod sa Akin ang karamihan sa inyo dahil sa pagkamausisa at naparito upang hanapin Ako dahil sa kahungkagan. Kapag basag-basag na ang inyong ikatlong hiling—para sa isang mapayapa at masayang buhay—mapapawi rin ang inyong pagkamausisa. Nailalantad sa pamamagitan ng inyong mga salita at mga gawa ang pagiging mapanlinlang na umiiral sa bawat isa sa inyong mga puso. Sa deretsahang pagsasalita, nag-uusisa lamang kayo tungkol sa Akin, hindi natatakot; wala kayong pakialam sa inyong mga dila, at hindi nga ninyo kinokontrol ang inyong pag-uugali kahit kaunti. Kung gayon, paano talaga ang inyong pananampalataya? Tunay ba ito? Ginagamit lamang ninyo ang Aking mga salita upang iwaksi ang inyong mga pag-aalala at upang pagaanin ang inyong pagkabagot, upang punan ang mga natitirang hungkag na mga espasyo sa iyong buhay. Sino sa inyo ang isinasagawa ang mga iyon? Sino ang may dalisay na pananampalataya? Patuloy ninyong isinisigaw na ang Diyos ay ang Diyos na nakakakita sa kailaliman ng puso ng mga tao, ngunit paanong tugma sa Akin ang Diyos na inyong ipinagsisigawan sa inyong mga puso? Dahil sumisigaw kayo gaya nito, kung gayon bakit kayo kumikilos nang ganyan? Maaari ba na ang pag-ibig na ito ang nais ninyong ibayad sa Akin? Walang maliit na halaga ng dedikasyon sa inyong mga labi, ngunit nasaan ang inyong mga sakripisyo, at ang inyong mabubuting gawa? Kung hindi dahil sa inyong mga salita na nakararating sa Aking mga tainga, paano Ko kayo labis na kamumuhian? Kung tunay kayong naniwala sa Akin, paano kayo mahuhulog sa ganoong balisang kalagayan? Mayroon kayong nalulumbay na hitsura sa inyong mga mukha na para bang nasa Hades kayo, na nasa paglilitis. Wala kayong anumang sigla, at mahina kayong nagsasalita tungkol sa inyong panloob na boses; puno pa nga kayo ng mga reklamo at mga sumpa. Nawalan kayo ng tiwala sa kung ano ang ginagawa Ko noon pa at naglalaho kahit ang inyong orihinal na pagtitiwala, kung gayon paano kaya kayo posibleng makakasunod hanggang sa huli? Paano kayo maaaring mailigtas sa ganitong paraan?
18 Oktubre 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Salita para sa mga Kabataan at Matatanda
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Salita para sa mga Kabataan at Matatanda
Ibinubunyag ng Makapangyarihang Diyos ang mga Hiwaga ng Kanyang 6,000-Taon na Plano sa Pamamahala
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Clip ng Pelikulang Paghihintay (7)
Ibinunyag ng Panginoong Jesus ang mga hiwaga ng kaharian ng langit, at dumating ang Makapangyarihang Diyos upang ihayag ang lahat ng mga hiwaga ng 6,000-taon na pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan! Mapagtatanto mo ba na ang Makapangyarihang Diyos ay ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus sa pamamagitan ng pagtingin sa mga hiwaga na ipinakita ng Makapangyarihang Diyos? Panoorin ang clip ng pelikula na ito!
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pagpapabuti ng Kakayahan ay para Matanggap ang Kaligtasan ng Diyos
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pagpapabuti ng Kakayahan ay para
Matanggap ang Kaligtasan ng Diyos
Ang pagpapabuti sa kakayahan ng mga tao ay nangangailangan na pagbutihin ninyo ang inyong kakayahang tumanggap. Ang pinakapangunahing pangangailangan sa inyo ay ang matanggap ninyo nang malinaw ang mga salita na sinasabi sa inyo. Hindi ba ito nakalilitong pananampalataya kung susundin mo Ako nang hindi nauunawaan kung ano ang Aking sinasabi? Ang inyong kakayahan ay napakababa. Ito ay dahil hindi ninyo taglay ang kakayahan na tumanggap na wala man lamang kayo ni katiting na pagkaunawa sa kung ano ang ipinahahayag. Dahil dito, napakahirap na makamit ang inaasam na mga resulta. Maraming mga bagay ang hindi maaaring sabihin sa inyo nang tuwiran at ang dating epekto ay hindi maaaring matamo. Kung gayon, ang karagdagang mga gampanin ay kailangang maidagdag sa Aking gawain. Kinakailangang ilunsad itong “pagpapataas ng kakayahan ng mga tao” na gampanin sa gitna ninyo sapagkat ang inyong mga kakayahang tumanggap, mga kakayahang makakita, at ang mga pamantayan ng inyong mga buhay ay napakababa. Ito ang kinakailangang direksyon; walang ibang pagpipilian, at ito ay kailangang gawin sa ganitong paraan upang ang isang bahagi ng mga resulta ay matamo. Kung hindi, ang lahat ng mga salitang Aking sasabihin ay mauuwi sa wala, at hindi ba kayo maaalala sa kasaysayan bilang mga makasalanan? Hindi ba kayo magiging mga mababang-uri? Ano ba ang gawaing ito na isinasagawa sa inyo? Ano ang kinakailangan sa inyo? Hindi ba ninyo alam? Kailangan ninyong malaman ang inyong sariling kakayahan; hindi nito maaabot kung ano ang Aking kinakailangan sa inyo. Hindi ba nito inaantala ang gawain? Sa inyong kasalukuyang kakayahan at ugali, walang sinuman sa inyo ang angkop na magpatotoo para sa Akin, at walang sinuman ang karapat-dapat sa gampanin nang pagpapasan sa mabigat na pananagutan ng Aking gawain sa hinaharap. Hindi ba kayo nakadarama ng labis na pagkapahiya tungkol dito? Paanong magiging posible na masapatan ang lahat ng Aking mga kahilingan kung magpapatuloy ang ganito? Dapat mong gawing ganap at kasiya-siya ang iyong buhay. Huwag mong hayaang lumipas ang panahon nang walang kabuluhan. Walang saysay ang paggawa nito. Dapat mong malaman kung anong mga bagay ang dapat isangkap sa iyo. Huwag mong ituring ang iyong sarili na isang marunong sa lahat ng trabaho. Malayo sa katotohanan! Ano ang maaaring pag-usapan kung hindi mo taglay maging ang pinakapangunahing kaalaman ukol sa sangkatauhan? Hindi ba magiging walang saysay ang lahat? Walang isa man sa gitna ninyo ang ganap na karapat-dapat kung ang pag-uusapan ay kung ano ang Aking kinakailangan ukol sa kakayahang pantao. Mahirap makahanap ng isa na karapat-dapat sa paggamit. Naniniwala kayo na kayo ay mga tao na makakagawa ng mas dakilang gawain para sa Akin at makakakuha ng isang mas malaking pagtitiwala mula sa Akin. Ang totoo, ni hindi ninyo nalalaman kung paano pasukin ang marami sa mga aral sa harap ninyo, kaya paano magiging posible na pumasok sa mas malalim na mga katotohanan? Ang inyong pagpasok ay dapat masistema. Huwag itong gawin nang walang sistema. Hindi ito magiging mabuti. Pumasok mula sa pinakamababaw na dulo—basahin ang bawat linya ng mga salitang ito hanggang sa inyong matamo ang pagkaunawa at kalinawan. Ang bawat kapatid na lalaki at kapatid na babae ay dapat makabasa man lamang. Huwag lamang susulyapan ito nang nagmamadali, at huwag gagawin nang napipilitan lamang. Karaniwan na, makapagbabasa ka rin ng ilang reperensiyang akda (gaya ng balarila o mga aklat ng retorika). Hindi kailangang magbasa ng mga aklat na nagpapasigla sa iyong isipan nang sobra (mga nobela ng pag-ibig, pornograpiya, at mga magasin, o mga talambuhay ng mga dakilang tao), na nagdudulot ng mas makakapinsala kaysa makakabuti. Dapat mong makabisa ang lahat ng dapat mong pasukin at dapat unawain. Ang layunin sa pagpapabuti ng kakayahan ay walang iba kung hindi ang tulungan ang mga tao na malaman ang kanilang sariling kakanyahan, pagkakakilanlan, kalagayan o halaga. Ano ang pangunahing bagay na dapat pasukin ng iglesia sa ibaba? Hindi ba itinataas ng mga tao ang kanilang kakayahan ngayon? Mahalagang humawak sa pagpasok na ito ng pagiging edukado; hindi ito maaring pakawalan! Ang isang aspeto ay ang dapat ninyong maintindihan kung bakit ang kakayahan ng mga tao ay dapat mapagbuti kung paanong maaaring mapagbuti ang kakayahan, at alin sa mga aspeto ang papasukin. Dapat ninyong maunawaan ang kahulugan ng normal na pagkatao, kung bakit kailangang gawin ang gawaing ito, at kung paano ito dapat magtugma. Sa pagiging edukado, aling mga aspeto ang kailangang matutunan, at kung paanong ang isa’y dapat pumasok? Dapat ninyong malamang lahat kung ano ang layunin ng pagiging edukado. Hindi ba ito upang maunawaan ang mga salita ng Diyos at pasukin ang katotohanan? Ano ang namamayaning kalagayan sa mga iglesia sa kasalukuyan? Kung hihingin ninyo sa isang tao na maging edukado, malilimutan nila ang tungkol sa pagtatamasa sa mga salita ng Diyos. Kung inyong pag-uusapan ang tungkol sa normal na pagkatao, aasikasuhin lamang nila ang paglilinis sa kanilang bahay, pagwawalis sa mga sahig o pagluluto, paglilinis ng kusina at pagbili ng mga kagamitan sa pagluluto. Aalalahanin lamang nila ang tungkol sa mga bagay na ito at hindi nalalaman kung paano normal na isabuhay ang isang pamumuhay sa iglesia. Kung hindi titingin na lamang sila ng mga salita sa diksyunaryo at matututo ng mga bagong salita, ngunit hindi na gagawa ng anuman sa buong araw. Ikaw ay lumihis kung mananatili ka sa kasalukuyang kalagayan. Kaya bakit hinihiling sa iyo na pumasok sa isang espiritwal na buhay? Ang tanging natutunan mo ay ang mga bagay na ito na hindi makakatulong sa iyong matamo kung ano ang kinakailangan sa iyo. Ang pinakamahalagang bagay pa rin ay ang pagpasok sa buhay. Ang dahilan sa paggawa sa gawaing ito ay upang lutasin ang mga paghihirap na nasasagupa ng mga tao sa kanilang mga karanasan. Ang pagpapataas ng kakayahan at pagkilala sa kalikasan ng tao at ang kakanyahan ng tao—ang pangunahing layunin sa pagkaalam sa mga bagay na ito ay upang ang espiritwal na buhay ng mga tao ay lumago at ang kanilang disposisyon ay magbago. Maaaring alam mo kung paano magbihis ng maganda at magmukhang maganda; maaaring taglay mo ang kabatiran at karunungan, ngunit sa huli, kapag dumating ang araw upang ikaw ay gumawa, hindi mo ito magagawa. Dapat mong malaman, kung gayon, kung ano ang dapat mo ring gawin habang itinataas ang iyong kakayahan. Ang baguhin ka ay layunin. Ang pagpapataas ng iyong kakayahan ay karagdagan. Hindi ito mangyayari kung ang iyong kakayahan ay hindi pinabuti. Mas lalo pang malala kung ang iyong disposisyon ay hindi mababago. Ang isa ay hindi sapat kung wala ang isa pa. Ang pagkakaroon ng normal na pagkatao ay hindi nangangahulugan na nagbabata ka ng isang umaalingawngaw na patotoo. Kung ano ang kinakailangan sa iyo ay hindi ganoon kasimple.
16 Oktubre 2017
Clip ng Pelikulang Paghihintay - Paano Natin Makilala ang Tinig ng Diyos? (2)
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Clip ng Pelikulang Paghihintay (6)
"Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia" (Apocalipsis 2 :29 ). Narinig mo na ba ang Banal na Espiritu na magsalita sa mga iglesia? Ang mga salita bang sinabi ng Makapangyarihang Diyos at ng Panginoong Jesus ay nabigkas mula sa iisang Espiritu, mula sa iisang pinanggalingan? Ibubunyag ito sa iyo ng movie clip na ito!
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Yaong Nagbago Ang Kanilang Disposisyon ay Yaong Mga Pumasok sa Realidad ng Katotohanan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Yaong Nagbago Ang Kanilang Disposisyon ay Yaong Mga Pumasok sa Realidad ng Katotohanan
Ang landas na dinadala ng Banal na Espiritu sa mga tao ay kunin muna ang kanilang mga puso mula sa lahat ng mga tao, mga pangyayari, at mga bagay, at patungo sa mga salita ng Diyos upang sa kanilang mga puso maniniwala silang lahat na ang mga salita ng Diyos ay lubos na walang pag-aalinlangan at ganap na totoo. Yamang naniniwala ka sa Diyos kailangan mong maniwala sa Kanyang mga salita; kung ikaw ay naniniwala sa Diyos sa loob ng maraming mga taon subalit hindi mo nalalaman ang landas na tinatahak ng Banal na Espiritu, ikaw ba ay isang mananampalataya talaga? Upang matamo ang buhay ng isang normal na tao at isang maayos na buhay ng tao kasama ng Diyos, kailangan mo munang paniwalaan ang Kanyang mga salita. Kung hindi mo pa natatapos ang unang hakbang ng gawain na ginagawa ng Banal na Espiritu sa mga tao, wala kang taglay na saligan. Ikaw ay nagkukulang sa pinakapangunahing panuntunan, kaya paano mo lalakaran ang landas sa unahan? Ang pagtahak sa tamang landas ng pagpeperpekto ng Diyos sa tao ay pagpasok sa tamang landas ng totoong gawain ng Banal na Espiritu; ito rin ang pagtahak sa landas na nilalakaran ng Banal na Espiritu. Sa ngayon, ang landas na nilalakaran ng Banal na Espiritu ay ang mismong mga salita ng Diyos. Kaya, para malakaran ito ng isang tao, kailangan niyang sumunod, at kumain at uminom ng mga salita mismo ng Diyos na nagkatawang-tao. Ginagawa Niya ang gawain ng mga salita, at ang lahat ay ipinapahayag mula sa Kanyang mga salita, at ang lahat ay itinatatag mula sa Kanyang mga salita, sa Kanyang mismong mga salita. Maging ito man ay ganap na walang mga pag-aalinlangan tungkol sa Diyos na nagkatawang-tao o ang pagkakilala sa Kanya, kailangang maglaan ang isang tao ng ibayong pagsisikap sa Kanyang mga salita. Kung hindi, hindi siya makagagawa ng kahit anuman, at walang matitira sa kanyang anuman. Tanging sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos at pagpalugod sa Kanya sa saligan ng pagkain at pag-inom ng Kanyang mga salita na unti-unting maitatatag ng isang tao ang isang maayos na ugnayan sa Kanya. Ang pagkain at pag-inom sa Kanyang mga salita at ang pagsasagawa sa mga ito ay ang pinakamahusay na pakikipagtulungan sa Diyos, at ito ang pagsasagawa ng pinakamahusay na pagsasaksi bilang isa sa mga tao Niya. Kapag nauunawaan ng isang tao at nagagawa niyang sundin ang diwa ng mga salita mismo ng Diyos, siya ay nabubuhay sa landas na pinangungunahan ng Banal na Espiritu at nakapasok siya sa tamang landas ng pagpeperpekto ng Diyos sa tao. Dati nang naghahanap ng biyaya at naghahanap ng kapayaan at kaligayahan ang mga tao, at sa gayon ay nagawa nilang makamit ang gawain ng Diyos. Iba na sa ngayon. Kung hindi nila taglay ang mga salita ng Diyos na naging laman, kung hindi nila taglay ang realidad ng mga salitang iyon, hindi sila makapagkakamit ng pagsang-ayon mula sa Diyos at aalisin sila ng Diyos. Upang magtamo ng isang maayos na buhay espiritwal, kumain muna at uminom ng mga salita ng Diyos at isagawa ang mga ito; at sa saligang ito ay makapagtatatag ng isang maayos na ugnayan sa pagitan ng tao at ng Diyos. Paano ka makikipagtulungan? Paano ka magiging saksi bilang isa sa mga tao ng Diyos? Paano ka makapagtatatag ng isang wastong kaugnayan sa Diyos?
15 Oktubre 2017
Clip ng Pelikulang Paghihintay - Paano Natin Makilala ang Tinig ng Diyos? (1)
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Clip ng Pelikulang Paghihintay (5)
Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia" (Apocalipsis 2:29). Narinig mo na ba ang Banal na Espiritu na magsalita sa mga iglesia? Ang mga salita bang sinabi ng Makapangyarihang Diyos at ng Panginoong Jesus ay nabigkas mula sa iisang Espiritu, mula sa iisang pinanggalingan? Ibubunyag ito sa iyo ng movie clip na ito!
14 Oktubre 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tunay na Pag-ibig sa Diyos ay Kusa
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tunay na Pag-ibig sa Diyos ay Kusa
Ang lahat ng mga tao ay isinailalim sa pagpipino dahil sa mga salita ng Diyos. Kung hindi dahil sa Diyos na nagkatawang-tao ang sangkatauhan ay tiyak na hindi mabibiyayaan na magdanas sa gayong paraan. Maaari rin itong sabihin nang ganito—yaong mga nakatatanggap sa mga pagsubok ng mga salita ng Diyos ay mga taong pinagpala. Batay sa dating kakayahan ng mga tao, ang kanilang pag-uugali, at mga saloobin sa Diyos, hindi sila karapat-dapat na tumanggap ng ganitong pagpipino. Ito ay dahil pinatibay sila ng Diyos na tinatamasa nila ang Kanyang pagpapala. Dati nang sinasabi ng mga tao na hindi sila karapat-dapat na makita ang mukha ng Diyos o marinig ang Kanyang mga salita. Sa kasalukuyan, lubusang dahil sa pagpapatibay ng Diyos at sa Kanyang awa na tinatanggap ng mga tao ang pagpipino ng Kanyang mga salita. Ito ang pagpapala ng bawat isang tao na nabubuhay sa mga huling araw—personal ba ninyong naranasan ito? Kung saang aspeto dapat magdusa ang mga tao at magkaroon ng mga kabiguan ay itinatalaga ng Diyos, at hindi ito batay sa sariling mga kinakailangan ng mga tao. Ito ay talagang totoo. Ang bawat mananampalataya ay dapat magtaglay ng kakayahan na sumailalim sa mga pagsubok ng mga salita ng Diyos at magdusa sa loob ng Kanyang mga salita. Ito ba ay isang bagay na malinaw ninyong nakikita? Kaya ang pagdurusa na inyong pinagdadaanan ay kapalit ng kasalukuyang mga biyaya; kung hindi ka magdurusa para sa Diyos, hindi mo makakamit ang Kanyang papuri. Maaaring nagrereklamo ka noong nakaraan, ngunit hindi alintana kung gaano ka man nagrereklamo hindi naaalala ng Diyos ang mga iyon tungkol sa iyo. Sumapit ang araw na ito at walang dahilan na tumingin sa mga bagay ng kahapon.
Clip ng Pelikulang Paghihintay - Ang Katapusan ng mga Lumaban sa Ikalawang Pagdating ng Panginoon
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Clip ng Pelikulang Paghihintay (4)
13 Oktubre 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Isang Taong Nagkakamit ng Kaligtasan ay Yaong Nakahandang Isagawa ang Katotohanan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Isang Taong Nagkakamit ng Kaligtasan ay Yaong Nakahandang Isagawa ang Katotohanan
Noon pa man, ang pangangailangan ng pagkakaroon ng isang maayos na buhay iglesia ay nababanggit sa mga sermon. Kaya bakit ang buhay ng iglesia ay hindi pa umuunlad at kagaya pa rin ng dating bagay? Bakit walang isang ganap na bago at naiibang paraan ng pamumuhay? Magiging angkop ba para sa isang tao ng dekada nobenta na mabuhay kagaya ng isang emperador ng nakaraang panahon? Bagamat ang pagkain at inumin ay maaaring masasarap na pagkain na madalang tikman sa nakaraang mga kapanahunan, walang mga malalaking pagbabago sa mga kalagayan sa iglesia. Kagaya lang nito ng paglalagay ng lumang alak sa bagong lalagyan. Ano sa gayon ang halaga ng pagsasalita nang napakarami ng Diyos? Ang mga iglesia sa karamihan ng mga lugar ay ni hindi nagbago. Nakita Ko ito sa pamamagitan ng Aking mga mata at ito ay malinaw sa Aking puso; bagamat hindi Ko naranasan ang buhay ng iglesia sa Sarili Ko, lubos Kong nalalaman ang mga kalagayan ng mga pagtitipon ng iglesia. Hindi sila gaanong umunlad. Babalik ito sa gayong kasabihang—kagaya lang ito ng paglalagay ng lumang alak sa bagong lalagyan. Walang anuman ang nagbago, wala kahit katiting! Kapag mayroong isa na nagpapastol sa kanila sila ay nagniningas kagaya ng apoy, ngunit kapag walang sinuman ang naroroon upang alalayan sila, para silang isang bloke ng yelo. Hindi marami ang makapagsasalita ukol sa praktikal na mga bagay, at totoong napakadalang na kunin ninuman ang timon. Bagamat ang mga sermon ay matatayog, bihirang may sinumang nagkaroon ng anumang pagpasok. Kakaunting mga tao ang nagpapahalaga sa salita ng Diyos. Napapaluha sila kapag tinatanggap nila ang salita ng Diyos at nagiging masaya kapag isinasantabi nila ito; sila ay nanlulumo at nalulumbay kapag sila ay lumayo mula rito. Sa tapatang pananalita, hindi ninyo talaga pinahahalagahan ang salita ng Diyos, at hindi ninyo kailanman nakita ang mga salita mula sa Kanyang sariling bibig sa kasalukuyan bilang isang kayamanan. Kayo ay nababalisa lamang kapag binabasa ang Kanyang salita, at nadarama na masyadong nakapapagod kapag kinakabisa ito, at pagdating sa pagsasagawa sa Kanyang salita, kagaya lang ito ng pagharap sa isang walang katapusang imposibleng gampanin—kayo ay walang determinasyon. Kayo ay palaging pinalalakas kapag binabasa ang salita ng Diyos, ngunit makakalimutin kapag isinasagawa ito. Ang totoo, ang mga salitang ito ay hindi kailangang salitain nang buong ingat at ulitin nang buong tiyaga; nakikinig lamang ang mga tao ngunit hindi isinasagawa ang mga ito, kaya ito ay naging balakid para sa gawain ng Diyos. Hindi Ko maaaring banggitin ito, hindi Ako maaring magsalita ukol rito. Hindi Ako kinumbinsi na gawin ito; hindi sa natutuwa Akong ibunyag ang kahinaan ng iba. Iniisip ba ninyo na ang inyong pagsasagawa ay sasapat at iniisip ninyo na kapag ang mga pagbubunyag ay nasa tugatog na, na kayo ay pumasok na rin sa gayong tugatog? Hindi ninyo kailanman siniyasat kung saan ang inyong mga karanasan ay itinatag sa dakong huli. Sa sandaling ito, ang inyong mga pagtitipon ay ganap na hindi matatawag na isang akmang buhay sa iglesia, ni ito ay isang angkop na espirituwal na buhay kailanman. Ito ay pagtitipon ng isang pangkat ng mga tao na natutuwa sa pakikipagkuwentuhan at pag-aawitan. Sa tuwirang pananalita, walang gaanong katotohanan rito. Sa pagsasabi nito nang bahagyang mas malinaw, kung hindi ka nagsasagawa, nasaan ang katotohanan? Hindi ba pagyayabang na sabihin na mayroon kang katotohanan? Yaong mga palaging nagsasagawa ng gawain ay arogante at mapagmataas, habang yaong mga palaging sumusunod ay nananahimik at pinananatiling nakatungo ang kanilang mga ulo, nang walang anumang pagkakataon para sa pagsasagawa. Ang mga tao na gumagawa ng gawain ay walang ginagawa kundi magsalita, nagpapatuloy sa kanilang matatayog na mga pananalita, at ang mga tagasunod ay nakikinig lamang. Walang pagbabago na maaaring tukuyin; ang mga ito ay mga pamamaraan lamang ng nakaraan! Sa kasalukuyan, ang iyong pagpapasailalim at hindi pangangahas na manghimasok o manahimik nang kusa ay dahil sa pagdating ng mga administratibong kautusan ng Diyos; hindi ito pagbabago na iyong pinagdaanan sa pamamagitan ng iyong mga karanasan. Ang katotohanan na maraming mga bagay ang hindi mo gagawin sa ngayon na nagawa mo na sana kahapon ay dahil sa ang gawain ng Diyos ay totoong kapansin-pansin na nilupig nito ang mga tao. Maitanong Ko lamang sa sinuman, gaaano karami sa iyong naisakatuparan na sa kasalukuyan ang natamo sa pamamagitan ng pawis ng iyong sariling pagsisikap? Gaano karami rito ang tuwirang sinabi sa iyo ng Diyos? Paaano ka sasagot? Ikaw ba ay matutulala at hindi makapagsasalita? Ikaw ba ay mang-iinsulto? Bakit nagagawa ng iba na magsalita tungkol sa marami nilang mga karanasan upang pagkalooban kayo ng panustos, habang basta mo na lamang tinatamasa ang mga pagkain na niluto ng iba? Hindi ka ba nakadarama ng kahihiyan? Hindi ka ba nahihiya?
12 Oktubre 2017
Tanging Yaong Susunod sa Kalooban ng Diyos ang Maaaring Makapasok sa Kaharian ng Langit
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Clip ng Pelikulang Paghihintay (3)
Anong uri ng tao ang dadalhin sa kaharian ng langit? Sinabi ng Panginoong Jesus, "Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit" (Mateo 7:21). Ngunit naniniwala ang ilang mga tao na ang kahulugan lamang ng pagsunod sa kalooban ng makalangit na Ama ay pagiging tapat sa pangalan ng Panginoon, masigasig na pagsisilbi sa Kanya, at pagtitiis sa pagdurusa ng pagpasan sa krus, at kung gagawin natin ang mga bagay na ito, kailangan lamang nating mag-abang at maghintay para sa ikalawang pagbabalik ng Panginoon nang tulad nito upang madadala sa kaharian ng langit. Alinsunod ba ang mga ideyang ito sa mga panuntunan ng Panginoon? Ipapaalam ng clip na ito sa iyo.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)