Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Nitong nakaraang mga taon nakita rin ang malawakang pagpapasimula ng pamahalaang CCP ng mga patakarang nakatutok sa "Pagpapailalim sa Impluwensya ng Lipunang Han" ng Kristiyanismo. Libu-libong krus ng iglesia ang winasak, maraming gusali ng iglesia ang giniba, at maraming Kristiyano sa mga bahay-sambahan ang inaresto at inusig. Dumanas ng malupit at madugong pang-uusig ang mga iglesiang Kristiyano sa China …
27 Disyembre 2018
26 Disyembre 2018
Full Tagalog Gospel Movie "Paggising Mula sa Panaginip" | The Mystery of Entering the Kingdom of Heaven
Full Tagalog Gospel Movie "Paggising Mula sa Panaginip" | The Mystery of Entering the Kingdom of Heaven
Si Yu Fan ay kagaya lang ng maraming iba na nananalig sa Panginoong Jesus—ipinalagay niya na nang ipako sa krus ang Panginoong Jesus, pinatawad na Niya ang sangkatauhan sa kanilang mga kasalanan, na nagtamo na siya ng katuwiran sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya, at na basta’t isuko lang niya ang lahat at naglingkod siya nang husto sa Panginoon, pagbalik ng Panginoong Jesus tiyak na papasok siya sa kaharian ng langit. Pero nagduda ang kanyang mga kapanalig: Napatawad na tayo sa pananalig sa Panginoon at makapagsasakripisyo tayo at makapaglilingkod sa Panginoon, pero madalas tayong magkasala at nilalabanan natin ang Panginoon.
25 Disyembre 2018
Tagalog Christian Movie 2018 | Kalagin Ang Mga Kadena At Tumakbo! (Trailer)
Tagalog Christian Movie 2018 | Kalagin Ang Mga Kadena At Tumakbo! (Trailer)
Si Lee Chungmin ay elder sa isang iglesia sa Seoul, South Korea. Sa loob ng mahigit dalawampung taon, masigasig siyang naglingkod sa Panginoon, na lubos na nakatuon sa pag-aaral ng Biblia. Sa pagsunod sa halimbawa ng mga pinuno ng kanilang relihiyon, inakala niya na ang paniniwala sa Panginoon ay paniniwala sa Biblia, at na ang pagsampalataya sa Biblia ay kaparehong-kapareho ng pagsampalataya sa Panginoon.
23 Disyembre 2018
Filipino Variety Show | "Ang mga Limitasyon ng Mayor ng Barrio" | Why Christians Have to Flee Their Homes
Filipino Variety Show | "Ang mga Limitasyon ng Mayor ng Barrio" | Why Christians Have to Flee Their Homes
Ikinukuwento ng maikling dula na Ang Mayor ng Barrio ang tunay na kuwento ng isang mag-asawang Kristiyano na napilitang tumakas dahil sa pang-uusig ng pamahalaang CCP.
Hinatulan ng CCP ang Kristiyanong si Liu Ming'en ng pitong taong pagkabilanggo dahil sa paniniwala sa Diyos. Maging noong nakalabas na siya sa bilangguan, nanatili siyang target ng masidhing paniniktik ng CCP. Ginagamit ng mayor ng barrio ang sistemang pananagutan ng limang-sambahayan, mga camerang pang-seguridad, pagdalaw sa bahay, at iba pang mga paraan para mapigilan si Liu Ming'en at ang asawa niya na sumampalataya sa Diyos, ngunit hindi nakamit ng mga ito ang inaasam na epekto. Ngayon, nakatanggap na naman ang mayor ng prayoridad na sulat mula sa Sentral na Partido, matapos nito sinusubukan niyang mag-isip ng mga paraan para puwersahin si Liu Ming'en at ang asawa niya na pumirma ng sulat na nangangakong itigil ang paniniwala sa Diyos. Matapos mabigo ang pakanang ito, muling dumating ang mga pulis para arestuhin ang dalawang mananampalataya. Para maiwasan ang pagkaaresto at ipagpatuloy ang pagsunod sa Diyos at pananampalataya sa Diyos, napilitang umalis sa kanilang tahanan sina Liu Ming'en at ang kanyang asawa.
Tagalog Worship Songs | Ang Nilikha'y Dapat Sakop ng Mga Pagsasaayos ng Diyos
Tagalog Worship Songs | Ang Nilikha'y Dapat Sakop ng Mga Pagsasaayos ng Diyos
I
Anuman ang hinihiling ng Diyos sa iyo,
ibigay ang iyong lahat.
Sana'y magawa mong ipakita
ang 'yong katapatan sa Kanya sa katapusan.
Hangga't makita mo ang kalugod-lugod na ngiti ng Diyos
sa Kanyang trono
kahit na ito ang araw ng iyong paglisan sa mundong ito
magagawa mong tumawa,
at ngumiti habang nakasara ang iyong mga mata.
Ano ang kaya mong gawin para sa Diyos,
para sa Diyos, o isang nilikha?
Pasakop ang sarili mo sa pagsasaayos N'ya, pagsasaayos N'ya.
Hangga't ang Diyos ay masaya't nalulugod,
hayaan Siyang gawin anumang nais Niya.
Ano ang karapatan ng tao na magreklamo?
21 Disyembre 2018
Patotoo ng Isang Kristiyano | Ang Ganitong Uri ng Paglilingkod ay Tunay na Napakasama
Patotoo ng Isang Kristiyano | Ang Ganitong Uri ng Paglilingkod ay Tunay na Napakasama
Ding Ning Lungsod ng Heze, Lalawigan ng Shandong
Sa nakalipas na ilang araw, inayos ng iglesia ang pagbabago sa aking trabaho. Sa pagtanggap ko ng bagong gawaing ito, naisip ko, “Kailangan kong samantalahin ang huling pagkakataong ito na magpatawag ng isang pagpupulong kasama ng aking mga kapatid, makipag-usap nang malinaw sa kanila tungkol sa mga bagay, at iwanan sila ng isang magandang impresyon.” Kaya naman, nakipagkita ako sa ilang mga diyakono, at sa oras ng pagtatapos ng aming pagsasama, sinabi ko “Hiniling sa akin na umalis dito at lumipat sa ibang trabaho. Umaasa akong tatanggapin ninyo ang pinunong darating upang palitan ako at makipagtulungan sa kanya nang may isang puso at isang isip.” Sa sandaling narinig nila ang mga salitang sinabi ko, namutla ang ilan sa mga kapatid na babaeng naroroon, at naglaho ang ngiti sa kanilang mga mukha.
Tagalog Christian Movie | "Ang Sugo ng Ebanghelyo" | Bear the Cross and Preach the Gospel of Kingdom
Tagalog Christian Movies | "Ang Sugo ng Ebanghelyo" | Bear the Cross and Preach the Gospel of Kingdom
Maraming taon nang naniwala ang Kristiyanong si Chen Yixin sa Panginoon, at naging mapalad na sumalubong sa pagbabalik ng Panginoong Jesus sa mga huling araw—Makapangyarihang Diyos! Naintindihan niya ang agarang kalooban ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos pati na ang misyon at tungkulin na dapat gawin ng isang nilikhang nilalang, kaya sinimulan niyang ibahagi ang ebanghelyo at sumaksi sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Habang ginagawa ito naglalakbay siya sa maraming lungsod at lalawigan at nagdurusa ng pagpigil at pagtanggi mula sa mga relihiyosong grupo nang paulit-ulit pati na rin ng pagtugis at pang-uusig ng pamahalaang CCP. Tinitiis niya ang maraming pagdurusa. Gayunpaman, sa ilalim ng pamamatnubay ng mga salita ng Diyos, nananatili siya sa kanyang misyon, hindi natatakot sa panganib, matapang na sumusulong …
20 Disyembre 2018
The bible tagalog movies | Nakagawa ng Grupo ng mga Mananagumpay ang Gawaing Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw
The bible tagalog movies | "Nakagawa ng Grupo ng mga Mananagumpay ang Gawaing Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw" (Mga Movie Clip)
Hinulaan ng Libro ng Pahayag, "At sa anghel ng iglesia sa Filadelfia ay isulat mo; ... Sapagka't tinupad mo ang salita ng aking pagtitiis, ikaw naman ay aking iingatan sa panahon ng pagsubok, na darating sa buong sanlibutan, upang subukin ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa. Ako'y dumarating na madali: panghawakan mong matibay ang nasa iyo, upang huwag kunin ng sinoman ang iyong putong. Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya'y lalabas pa doon ... " (Pahayag 3: 7, 10-12). Hinulaan ng Libro ng Pahayag na gagawing ganap ang isang pangkat ng mga mananagumpay bago ang mga kalamidad. Ang gawaing ito ng pagperpekto sa mga mananagumpay ay ang sariling gawain ng Diyos. Isang bagay ba ito na kayang gawin ng tao? Paano ginagawang perpekto ng Diyos ang pangkat na ito ng mga mananagumpay sa Kanyang gawain sa mga huling araw?
19 Disyembre 2018
Ano ang kaibhan sa pagitan ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao at ng gawain ng Espiritu?
Pagkakatawang-tao ng Diyos | Ano ang kaibhan sa pagitan ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao at ng gawain ng Espiritu?
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“At sinabi ni Moises, Ipakita mo sa akin, idinadalangin ko sa iyo, ang iyong kaluwalhatian. At kaniyang sinabi, … Hindi mo makikita ang aking mukha: sapagka't hindi maaaring makita ako ng tao at mabuhay” (Exodo 33:18-20).
“At ang Panginoon ay bumaba sa ibabaw ng bundok ng Sinai, sa taluktok ng bundok; at tinawag ng Panginoon si Moises sa taluktok ng bundok; at si Moises ay sumampa. At sinabi ng Panginoon kay Moises, Bumaba ka, pagbilinan mo ang bayan, baka sila'y lumagpas upang makita ang Panginoon, at mamatay ang karamihan sa kanila” (Exodo 19:20-21).
18 Disyembre 2018
New Tagalog Skit "Ang mga Limitasyon ng Mayor ng Barrio" | Why Christians Have to Flee Their Homes
Filipino Variety Show | "Ang mga Limitasyon ng Mayor ng Barrio" | Why Christians Have to Flee Their Homes
Ikinukuwento ng maikling dula na Ang Mayor ng Barrio ang tunay na kuwento ng isang mag-asawang Kristiyano na napilitang tumakas dahil sa pang-uusig ng pamahalaang CCP.
Hinatulan ng CCP ang Kristiyanong si Liu Ming'en ng pitong taong pagkabilanggo dahil sa paniniwala sa Diyos. Maging noong nakalabas na siya sa bilangguan, nanatili siyang target ng masidhing paniniktik ng CCP. Ginagamit ng mayor ng barrio ang sistemang pananagutan ng limang-sambahayan, mga camerang pang-seguridad, pagdalaw sa bahay, at iba pang mga paraan para mapigilan si Liu Ming'en at ang asawa niya na sumampalataya sa Diyos, ngunit hindi nakamit ng mga ito ang inaasam na epekto.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)