Ang landas na dinadala ng Banal na Espiritu sa mga tao ay kunin muna ang kanilang mga puso mula sa lahat ng mga tao, mga pangyayari, at mga bagay, at patungo sa mga salita ng Diyos upang sa kanilang mga puso maniniwala silang lahat na ang mga salita ng Diyos ay lubos na walang pag-aalinlangan at ganap na totoo. Yamang naniniwala ka sa Diyos kailangan mong maniwala sa Kanyang mga salita; kung ikaw ay naniniwala sa Diyos sa loob ng maraming mga taon subalit hindi mo nalalaman ang landas na tinatahak ng Banal na Espiritu, ikaw ba ay isang mananampalataya talaga? Upang matamo ang buhay ng isang normal na tao at isang maayos na buhay ng tao kasama ng Diyos, kailangan mo munang paniwalaan ang Kanyang mga salita. Kung hindi mo pa natatapos ang unang hakbang ng gawain na ginagawa ng Banal na Espiritu sa mga tao, wala kang taglay na saligan. Ikaw ay nagkukulang sa pinakapangunahing panuntunan, kaya paano mo lalakaran ang landas sa unahan? Ang pagtahak sa tamang landas ng pagpeperpekto ng Diyos sa tao ay pagpasok sa tamang landas ng totoong gawain ng Banal na Espiritu; ito rin ang pagtahak sa landas na nilalakaran ng Banal na Espiritu. Sa ngayon, ang landas na nilalakaran ng Banal na Espiritu ay ang mismong mga salita ng Diyos. Kaya, para malakaran ito ng isang tao, kailangan niyang sumunod, at kumain at uminom ng mga salita mismo ng Diyos na nagkatawang-tao. Ginagawa Niya ang gawain ng mga salita, at ang lahat ay ipinapahayag mula sa Kanyang mga salita, at ang lahat ay itinatatag mula sa Kanyang mga salita, sa Kanyang mismong mga salita. Maging ito man ay ganap na walang mga pag-aalinlangan tungkol sa Diyos na nagkatawang-tao o ang pagkakilala sa Kanya, kailangang maglaan ang isang tao ng ibayong pagsisikap sa Kanyang mga salita. Kung hindi, hindi siya makagagawa ng kahit anuman, at walang matitira sa kanyang anuman. Tanging sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos at pagpalugod sa Kanya sa saligan ng pagkain at pag-inom ng Kanyang mga salita na unti-unting maitatatag ng isang tao ang isang maayos na ugnayan sa Kanya. Ang pagkain at pag-inom sa Kanyang mga salita at ang pagsasagawa sa mga ito ay ang pinakamahusay na pakikipagtulungan sa Diyos, at ito ang pagsasagawa ng pinakamahusay na pagsasaksi bilang isa sa mga tao Niya. Kapag nauunawaan ng isang tao at nagagawa niyang sundin ang diwa ng mga salita mismo ng Diyos, siya ay nabubuhay sa landas na pinangungunahan ng Banal na Espiritu at nakapasok siya sa tamang landas ng pagpeperpekto ng Diyos sa tao. Dati nang naghahanap ng biyaya at naghahanap ng kapayaan at kaligayahan ang mga tao, at sa gayon ay nagawa nilang makamit ang gawain ng Diyos. Iba na sa ngayon. Kung hindi nila taglay ang mga salita ng Diyos na naging laman, kung hindi nila taglay ang realidad ng mga salitang iyon, hindi sila makapagkakamit ng pagsang-ayon mula sa Diyos at aalisin sila ng Diyos. Upang magtamo ng isang maayos na buhay espiritwal, kumain muna at uminom ng mga salita ng Diyos at isagawa ang mga ito; at sa saligang ito ay makapagtatatag ng isang maayos na ugnayan sa pagitan ng tao at ng Diyos. Paano ka makikipagtulungan? Paano ka magiging saksi bilang isa sa mga tao ng Diyos? Paano ka makapagtatatag ng isang wastong kaugnayan sa Diyos?
16 Oktubre 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Yaong Nagbago Ang Kanilang Disposisyon ay Yaong Mga Pumasok sa Realidad ng Katotohanan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Yaong Nagbago Ang Kanilang Disposisyon ay Yaong Mga Pumasok sa Realidad ng Katotohanan
15 Oktubre 2017
Clip ng Pelikulang Paghihintay - Paano Natin Makilala ang Tinig ng Diyos? (1)
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Clip ng Pelikulang Paghihintay (5)
Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia" (Apocalipsis 2:29). Narinig mo na ba ang Banal na Espiritu na magsalita sa mga iglesia? Ang mga salita bang sinabi ng Makapangyarihang Diyos at ng Panginoong Jesus ay nabigkas mula sa iisang Espiritu, mula sa iisang pinanggalingan? Ibubunyag ito sa iyo ng movie clip na ito!
14 Oktubre 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tunay na Pag-ibig sa Diyos ay Kusa
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tunay na Pag-ibig sa Diyos ay Kusa
Ang lahat ng mga tao ay isinailalim sa pagpipino dahil sa mga salita ng Diyos. Kung hindi dahil sa Diyos na nagkatawang-tao ang sangkatauhan ay tiyak na hindi mabibiyayaan na magdanas sa gayong paraan. Maaari rin itong sabihin nang ganito—yaong mga nakatatanggap sa mga pagsubok ng mga salita ng Diyos ay mga taong pinagpala. Batay sa dating kakayahan ng mga tao, ang kanilang pag-uugali, at mga saloobin sa Diyos, hindi sila karapat-dapat na tumanggap ng ganitong pagpipino. Ito ay dahil pinatibay sila ng Diyos na tinatamasa nila ang Kanyang pagpapala. Dati nang sinasabi ng mga tao na hindi sila karapat-dapat na makita ang mukha ng Diyos o marinig ang Kanyang mga salita. Sa kasalukuyan, lubusang dahil sa pagpapatibay ng Diyos at sa Kanyang awa na tinatanggap ng mga tao ang pagpipino ng Kanyang mga salita. Ito ang pagpapala ng bawat isang tao na nabubuhay sa mga huling araw—personal ba ninyong naranasan ito? Kung saang aspeto dapat magdusa ang mga tao at magkaroon ng mga kabiguan ay itinatalaga ng Diyos, at hindi ito batay sa sariling mga kinakailangan ng mga tao. Ito ay talagang totoo. Ang bawat mananampalataya ay dapat magtaglay ng kakayahan na sumailalim sa mga pagsubok ng mga salita ng Diyos at magdusa sa loob ng Kanyang mga salita. Ito ba ay isang bagay na malinaw ninyong nakikita? Kaya ang pagdurusa na inyong pinagdadaanan ay kapalit ng kasalukuyang mga biyaya; kung hindi ka magdurusa para sa Diyos, hindi mo makakamit ang Kanyang papuri. Maaaring nagrereklamo ka noong nakaraan, ngunit hindi alintana kung gaano ka man nagrereklamo hindi naaalala ng Diyos ang mga iyon tungkol sa iyo. Sumapit ang araw na ito at walang dahilan na tumingin sa mga bagay ng kahapon.
Clip ng Pelikulang Paghihintay - Ang Katapusan ng mga Lumaban sa Ikalawang Pagdating ng Panginoon
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Clip ng Pelikulang Paghihintay (4)
13 Oktubre 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Isang Taong Nagkakamit ng Kaligtasan ay Yaong Nakahandang Isagawa ang Katotohanan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Isang Taong Nagkakamit ng Kaligtasan ay Yaong Nakahandang Isagawa ang Katotohanan
Noon pa man, ang pangangailangan ng pagkakaroon ng isang maayos na buhay iglesia ay nababanggit sa mga sermon. Kaya bakit ang buhay ng iglesia ay hindi pa umuunlad at kagaya pa rin ng dating bagay? Bakit walang isang ganap na bago at naiibang paraan ng pamumuhay? Magiging angkop ba para sa isang tao ng dekada nobenta na mabuhay kagaya ng isang emperador ng nakaraang panahon? Bagamat ang pagkain at inumin ay maaaring masasarap na pagkain na madalang tikman sa nakaraang mga kapanahunan, walang mga malalaking pagbabago sa mga kalagayan sa iglesia. Kagaya lang nito ng paglalagay ng lumang alak sa bagong lalagyan. Ano sa gayon ang halaga ng pagsasalita nang napakarami ng Diyos? Ang mga iglesia sa karamihan ng mga lugar ay ni hindi nagbago. Nakita Ko ito sa pamamagitan ng Aking mga mata at ito ay malinaw sa Aking puso; bagamat hindi Ko naranasan ang buhay ng iglesia sa Sarili Ko, lubos Kong nalalaman ang mga kalagayan ng mga pagtitipon ng iglesia. Hindi sila gaanong umunlad. Babalik ito sa gayong kasabihang—kagaya lang ito ng paglalagay ng lumang alak sa bagong lalagyan. Walang anuman ang nagbago, wala kahit katiting! Kapag mayroong isa na nagpapastol sa kanila sila ay nagniningas kagaya ng apoy, ngunit kapag walang sinuman ang naroroon upang alalayan sila, para silang isang bloke ng yelo. Hindi marami ang makapagsasalita ukol sa praktikal na mga bagay, at totoong napakadalang na kunin ninuman ang timon. Bagamat ang mga sermon ay matatayog, bihirang may sinumang nagkaroon ng anumang pagpasok. Kakaunting mga tao ang nagpapahalaga sa salita ng Diyos. Napapaluha sila kapag tinatanggap nila ang salita ng Diyos at nagiging masaya kapag isinasantabi nila ito; sila ay nanlulumo at nalulumbay kapag sila ay lumayo mula rito. Sa tapatang pananalita, hindi ninyo talaga pinahahalagahan ang salita ng Diyos, at hindi ninyo kailanman nakita ang mga salita mula sa Kanyang sariling bibig sa kasalukuyan bilang isang kayamanan. Kayo ay nababalisa lamang kapag binabasa ang Kanyang salita, at nadarama na masyadong nakapapagod kapag kinakabisa ito, at pagdating sa pagsasagawa sa Kanyang salita, kagaya lang ito ng pagharap sa isang walang katapusang imposibleng gampanin—kayo ay walang determinasyon. Kayo ay palaging pinalalakas kapag binabasa ang salita ng Diyos, ngunit makakalimutin kapag isinasagawa ito. Ang totoo, ang mga salitang ito ay hindi kailangang salitain nang buong ingat at ulitin nang buong tiyaga; nakikinig lamang ang mga tao ngunit hindi isinasagawa ang mga ito, kaya ito ay naging balakid para sa gawain ng Diyos. Hindi Ko maaaring banggitin ito, hindi Ako maaring magsalita ukol rito. Hindi Ako kinumbinsi na gawin ito; hindi sa natutuwa Akong ibunyag ang kahinaan ng iba. Iniisip ba ninyo na ang inyong pagsasagawa ay sasapat at iniisip ninyo na kapag ang mga pagbubunyag ay nasa tugatog na, na kayo ay pumasok na rin sa gayong tugatog? Hindi ninyo kailanman siniyasat kung saan ang inyong mga karanasan ay itinatag sa dakong huli. Sa sandaling ito, ang inyong mga pagtitipon ay ganap na hindi matatawag na isang akmang buhay sa iglesia, ni ito ay isang angkop na espirituwal na buhay kailanman. Ito ay pagtitipon ng isang pangkat ng mga tao na natutuwa sa pakikipagkuwentuhan at pag-aawitan. Sa tuwirang pananalita, walang gaanong katotohanan rito. Sa pagsasabi nito nang bahagyang mas malinaw, kung hindi ka nagsasagawa, nasaan ang katotohanan? Hindi ba pagyayabang na sabihin na mayroon kang katotohanan? Yaong mga palaging nagsasagawa ng gawain ay arogante at mapagmataas, habang yaong mga palaging sumusunod ay nananahimik at pinananatiling nakatungo ang kanilang mga ulo, nang walang anumang pagkakataon para sa pagsasagawa. Ang mga tao na gumagawa ng gawain ay walang ginagawa kundi magsalita, nagpapatuloy sa kanilang matatayog na mga pananalita, at ang mga tagasunod ay nakikinig lamang. Walang pagbabago na maaaring tukuyin; ang mga ito ay mga pamamaraan lamang ng nakaraan! Sa kasalukuyan, ang iyong pagpapasailalim at hindi pangangahas na manghimasok o manahimik nang kusa ay dahil sa pagdating ng mga administratibong kautusan ng Diyos; hindi ito pagbabago na iyong pinagdaanan sa pamamagitan ng iyong mga karanasan. Ang katotohanan na maraming mga bagay ang hindi mo gagawin sa ngayon na nagawa mo na sana kahapon ay dahil sa ang gawain ng Diyos ay totoong kapansin-pansin na nilupig nito ang mga tao. Maitanong Ko lamang sa sinuman, gaaano karami sa iyong naisakatuparan na sa kasalukuyan ang natamo sa pamamagitan ng pawis ng iyong sariling pagsisikap? Gaano karami rito ang tuwirang sinabi sa iyo ng Diyos? Paaano ka sasagot? Ikaw ba ay matutulala at hindi makapagsasalita? Ikaw ba ay mang-iinsulto? Bakit nagagawa ng iba na magsalita tungkol sa marami nilang mga karanasan upang pagkalooban kayo ng panustos, habang basta mo na lamang tinatamasa ang mga pagkain na niluto ng iba? Hindi ka ba nakadarama ng kahihiyan? Hindi ka ba nahihiya?
12 Oktubre 2017
Tanging Yaong Susunod sa Kalooban ng Diyos ang Maaaring Makapasok sa Kaharian ng Langit
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Clip ng Pelikulang Paghihintay (3)
Anong uri ng tao ang dadalhin sa kaharian ng langit? Sinabi ng Panginoong Jesus, "Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit" (Mateo 7:21). Ngunit naniniwala ang ilang mga tao na ang kahulugan lamang ng pagsunod sa kalooban ng makalangit na Ama ay pagiging tapat sa pangalan ng Panginoon, masigasig na pagsisilbi sa Kanya, at pagtitiis sa pagdurusa ng pagpasan sa krus, at kung gagawin natin ang mga bagay na ito, kailangan lamang nating mag-abang at maghintay para sa ikalawang pagbabalik ng Panginoon nang tulad nito upang madadala sa kaharian ng langit. Alinsunod ba ang mga ideyang ito sa mga panuntunan ng Panginoon? Ipapaalam ng clip na ito sa iyo.
11 Oktubre 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Panaghoy ng Makapangyarihan sa Lahat
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Panaghoy ng Makapangyarihan sa Lahat
Mayroong napakalaking lihim sa iyong puso. Hindi mo alam na naroroon ito dahil ikaw ay namumuhay sa isang mundong walang nagniningning na liwanag. Ang iyong puso at ang iyong espiritu ay kinuha na ng masamang nilalang. Ang iyong mga mata ay nilukuban na ng kadiliman; hindi mo makita ang araw sa kalangitan, at pati na rin ang kumikislap na bituin sa gabi. Ang iyong mga tainga ay nababarahan na ng mga mapanlinlang na mga salita at hindi mo naririnig ang madagundong na tinig ni Jehova, pati na rin ang tunog ng dumadaloy na tubig mula sa trono. Nawalan ka ng lahat ng bagay na dapat ay pag-aari mo at lahat ng bagay na ipinagkaloob sa iyo ng Makapangyarihan sa lahat. Ikaw ay pumasok sa isang walang katapusang dagat ng kapaitan, na walang lakas ng isang pagsagip, walang pag-asa ng kaligtasan, naiwan lamang upang magpunyagi at maging abala. ... Mula sa sandaling iyon, ikaw ay tiyak na mapapahamak sa kapighatian sa pamamagitan ng masama, napalayo mula sa mga pagpapala ng Makapangyarihan sa lahat, hindi maabot ng mga panustos ng Makapangyarihan sa lahat, at ikaw ay pumasok sa isang daan na wala nang balikan. Hindi na magawang pukawin ng milyong mga tawag ang iyong puso at espiritu. Natutulog ka nang mahimbing sa mga kamay ng masama, na tinukso ka papunta sa walang hangganang kaharian, na walang direksyon, na walang mga palatandaan ng daanan. Kung kaya, nawala ang iyong orihinal na kadalisayan, kawalang kasalanan, at nagsimulang magtago mula sa pag-aalaga ng Makapangyarihan sa lahat. Ang masama ang naglalayo sa iyong puso sa lahat ng bagay at nagiging iyong buhay. Hindi ka na takot dito, hindi na ito iniiwasan, hindi na rin ito pinagdududahan. Sa halip, itinuturing mo na rin ito bilang isang Diyos sa iyong puso. Sinisimulan mo na itong idambana, sambahin ito, hindi ka mahiwalay na para bang anino nito, at kapwa nangako sa isa’t isa sa buhay at kamatayan. Wala kang kaalam-alam kung saan ka nagmula, bakit ka umiiral, o bakit ka namamatay. Ang tingin mo sa Makapangyarihan sa lahat ay isang estranghero; hindi mo alam ang Kanyang pinagmulan, pati na rin ang lahat ng Kanyang ginawa para sa iyo. Ang lahat ng galing sa Kanya ay naging kamuhi-muhi para sa iyo. Hindi mo man lamang minamahal ang mga ito ni hindi man alam ang kanilang mga halaga. Ikaw ay naglalakad kasama ang masama, mula noong parehong araw na nagsimula kang tumanggap ng mga panustos mula sa Makapangyarihan sa lahat. Ikaw at ang masama ay tumahak sa loob ng libu-libong taon ng bagyo at unos. Kasama ito, sumasalungat ka sa Diyos, na pinagmulan ng iyong buhay. Hindi ka nagsisisi, lalo na ang malaman mong ikaw ay patungo sa punto ng pagkapahamak. Nakakalimutan mo na ang masama ay natukso ka, pinahirapan ka; nakakalimutan mo na ang iyong pinagmulan. Ganoon lang, ang masama ay namiminsala sa iyo unti-unti, hanggang sa ngayon. Ang iyong puso at ang iyong espiritu ay hindi na sensitibo at nabubulok na. Hindi ka na nagrereklamo tungkol sa pagdurusa ng mundo, hindi na naniniwala na ang mundo ay hindi makatarungan. Hindi mo na rin pinahahalagahan ang tungkol sa pag-iral ng Makapangyarihan sa lahat. Ito ay dahil itinuturing mo ang masama bilang iyong tunay na ama, at hindi ka na maaaring mapahiwalay mula sa kanya. Ito ang lihim sa iyong puso.
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Clip ng Pelikulang Paghihintay (2)
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Clip ng Pelikulang Paghihintay (2)
Nahaharap sa ikalawang pagdating ng Panginoon, masyado ka bang matatakot sa mga bulaang Cristo na isasara mo ang pinto upang protektahan ang iyong sarili at maghintay para sa pagbubunyag ng Panginoon, o kikilos ka tulad ng matalinong birhen, at dinggin ang tinig ng Diyos at batiin ang pagbabalik ng Panginoon? Sasabihin sa iyo ng maikling video na ito kung paano salubungin ang ikalawang pagbabalik ng Panginoon.
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Kristo
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Kristo
Marami na Akong natapos na gawain kasama ng mga tao, at ang mga salitang Aking ipinahayag sa mga oras na ito ay marami na rin. Ang mga salitang ito ay para sa kaligtasan ng tao, at ipinahayag nang sa gayon ang tao at Ako ay maaaring maging kaayon sa Akin. Ngunit kaunti lamang ang nakamit Kong tao sa lupa na kaayon sa Akin, at kaya Aking sinasabi na hindi pinahahalagahan ng tao ang Aking mga salita, dahil ang tao ay hindi kaayon sa Akin. Sa paraang ito, ang gawaing Aking ginagawa ay hindi lamang upang Ako ay sambahin ng tao; mas mahalaga, ito ay upang maging kaayon sa Akin ang tao. Ang mga taong nagawang tiwali, ay nananahan lahat sa bitag ni Satanas, nabubuhay sila sa laman, nabubuhay sa pansariling hangarin, at wala ni isa man sa kanila ang kaayon sa Akin. Mayroong ilan na nagsasabing sila ay kaayon sa Akin, ngunit sila lahat ay sumasamba sa mga malabong diyus-diyosan. Bagaman kinikilala nila ang Aking pangalan bilang banal, sila ay tumatahak sa landas na taliwas sa Akin, ang kanilang mga salita ay puno ng kayabangan at pagmamalaki, dahil, sa pinag-ugatan, silang lahat ay laban sa Akin, at lahat ay hindi kaayon sa Akin. Naghahanap sila araw-araw ng Aking mga bakas sa Biblia, at walang layong naghahanap ng kahit na anong mga “angkop” na sipi na binabasa nila nang walang katapusan, at kanilang binibigkas bilang “mga kasulatan.” Hindi nila alam kung paano maging kaayon sa Akin, hindi nila alam ang ibig sabihin ng pakikipag-alit sa Akin, at basta lamang nagbabasa ng mga “kasulatan” nang walang taros. Pinipilit nila sa Biblia ang malabong Diyos na hindi nila kailanman nakita, at walang kakayahang makita, at saka lamang nila tinitingnan kapag sila ay may libreng oras. Sila ay naniniwala sa Aking pag-iral ngunit sa loob lamang ng nasasaklaw ng Biblia. Para sa kanila, Ako ay katulad ng Biblia; kung wala ang Biblia wala rin Ako, at kung Ako’y wala, wala ring Biblia. Hindi nila binibigyang pansin ang aking pag-iral o mga pagkilos, sa halip ay naglalaan ng sobra at natatanging pansin sa bawat isang salita ng Kasulatan, at marami pa nga sa kanila ay naniniwala na hindi Ko dapat gawin ang anumang bagay na nais Kong gawin maliban na lamang kung ito ay ipinagpaunang sinabi ng Kasulatan. Naglalakip sila ng labis na pagpapahalaga sa Kasulatan. Maaaring sabihin na nakikita nila ang mga salita at pahayag bilang lubhang mahalaga, hanggang sa ginagamit nila ang mga talata mula sa Biblia upang sukatin ang bawat salitang Aking sinasabi, at upang sumpain Ako. Ang kanilang hinahanap ay hindi ang paraan ng pagiging kaayon sa Akin, o ang paraan ng pagiging kaayon sa katotohanan, ngunit ang paraan ng pagiging kaayon sa mga salita ng Biblia, at naniniwala sila na ang anumang hindi sumusunod sa Biblia ay, nang walang itinatangi, hindi Ko gawa. Hindi ba ang mga gayong mga tao ay ang masunuring inapo ng mga Pariseo? Ginamit ng mga Hudyong Pariseo ang mga batas ni Moises upang batikusin si Jesus. Hindi nila hinanap na maging kaayon kay Jesus noong panahong iyon, subalit masikap nilang sinunod ang mga batas nang buong sikap, hanggang sa ipinako nila sa krus ang inosenteng si Jesus, pinagbintangan Siyang hindi sumusunod sa batas ng Lumang Tipan at hindi ang pagiging Mesias. Ano ang kanilang kakanyahan? Hindi ba’t dahil hindi nila hinanap ang paraan ng pagiging kaayon sa katotohanan? Nahumaling sila sa bawat salita ng Kasulatan, habang hindi inuunawa ang Aking kalooban at ang mga hakbang at paraan ng Aking gawain. Hindi sila ang mga taong naghangad ng katotohanan, ngunit mga taong maigting na sumusunod sa mga salita ng Kasulatan; hindi sila ang mga taong naniniwala sa Diyos, ngunit mga taong naniniwala sa Biblia. Sa kalikasan, sila ang tagapagbantay ng Biblia. Upang mapangalagaan ang kapakanan ng Biblia, at pagtibayin ang dignidad ng Biblia, at panatilihin ang reputasyon ng Biblia, ipinako nila ang mahabaging si Jesus sa krus. Ito ay ginawa lamang nila para sa kapakanan ng pagtatanggol sa Biblia, at para sa kapakanan ng pagpapanatili sa katayuan ng bawat salita ng Biblia sa puso ng mga tao. Kaya mas pinili nilang talikuran ang kanilang kinabukasan at ang alay para sa kasalanan upang isumpa si Jesus, na hindi tumalima sa doktrina ng Kasulatan, hanggang sa kamatayan. Hindi ba sila tila mga tagasunod sa bawat isang salita ng Kasulatan?
09 Oktubre 2017
Paghihintay - Paano Tayo Dapat Mag-abang at Maghintay para sa Ikalawang Pagdating ng Panginoon?
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Clip ng Pelikulang Paghihintay (1)
Sa muling pagdating ng Panginoon, bababa kaya Siya na nasa mga alapaap, o darating kaya Siya nang palihim na tulad ng isang magnanakaw? Paano mo haharapin ang pangalawang pagdating ng Panginoon? Masyado ka bang natatakot na iligaw ng isang huwad na Cristo na tatanggi ka nang hanapin Siya, o gagawin mo ang bahagi ng matalinong birhen at maingat na dinggin ang tinig ng Diyos? Paano ba tayo dapat "mag-abang at maghintay" upang magagawa nating salubungin ang Panginoon sa Kanyang pagbabalik? Panoorin ang maikling video na ito!
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)