Sa ngayon, hangarin ninyo na maging mga tao ng Diyos, at dapat simulan ang buong pagpasok sa tamang landas. Ang maging mga tao ng Diyos ay nangangahulugan ng pagpasok sa Kapanahunan ng Kaharian. Sa kasalukuyan, opisyal na ninyong sinisimulan ang pagpasok sa pagsasanay ng kaharian, at ang inyong hinaharap na mga buhay ay titigil sa pagiging makupad at pabaya kagaya nang dati; ang gayong mga buhay ay walang kakayahan sa pagtatamo ng mga pamantayang kinakailangan ng Diyos. Kung hindi ka nakakadama ng anumang pagmamadali, kung gayon ay ipinapakita nito na wala kang pagnanais na paunlarin ang iyong sarili, na ang iyong paghahangad ay magulo at nalilito, at ikaw ay walang kakayahan na tuparin ang kalooban ng Diyos. Ang pagpasok sa pagsasanay ng kaharian ay nangangahulugan ng pagsisimula ng buhay ng sambayanan ng Diyos—nakahanda ka bang tanggapin ang gayong pagsasanay? Nakahanda ka bang madama ang isang pakiramdam ng pagmamadali? Nakahanda ka bang mabuhay sa ilalim ng pagdidisiplina ng Diyos? Nakahanda ka bang mabuhay sa ilalim ng pagkastigo ng Diyos? Kapag ang mga salita ng Diyos ay dumating sa iyo at ikaw ay sinubok, paano ka kikilos? At ano ang iyong gagawin kapag nahaharap sa lahat ng paraan ng mga katunayan? Sa nakaraan, ang iyong pokus ay hindi sa buhay; sa kasalukuyan, dapat kang pumasok sa realidad ng buhay, at hangarin ang mga pagbabago sa iyong disposisyon sa buhay. Ito ang dapat matamo ng mga tao ng kaharian. Lahat ng mga iyon na sambayanan ng Diyos ay dapat magtaglay ng buhay, dapat nilang tanggapin ang pagsasanay ng kaharian, at hangarin ang mga pagbabago sa kanilang disposisyon sa buhay. Ito ang mga kinakailangan ng Diyos sa mga tao ng kaharian.