Sagot: Kailangang maging malinaw sa ‘ting lahat na ang “langit” ay laging tumutukoy sa Diyos. Ang “kaharian ng langit” ay malinaw na tumutukoy sa kaharian ng Diyos. Inihahayag din sa Pahayag, “ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao,” “Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo.” Ibig sabihin no’n, itatatag sa lupa ang kaharian ng Diyos.
06 Mayo 2019
Tanong 2: Hindi pa natin nasisiguro kung nasa lupa o nasa langit ang kaharian ng Diyos. Maraming beses nang nagsalita ang Panginoong Jesus ng “malapit na ang kaharian ng langit” at “Dumarating ang kaharian ng langit.” Kung “kaharian ng langit,” ibig sabihin nasa langit ‘yon. Pa’no ‘yon napunta sa lupa?
05 Mayo 2019
Tanong 1: Matagal nang ipinangako sa atin ng Panginoon: “Ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon” (Juan 14:2-3). Nakapaghanda na ang Panginoon ng lugar para sa atin sa langit. Pagbalik niya, agad niya tayong iaakyat sa kaharian ng langit. Kung bumalik na ang Panginoon, bakit nasa lupa pa rin ang lahat ng Kanyang mga santo? Bakit hindi pa rin tayo nadadala?
Sagot: Naghanda ng lugar ang Panginoon para sa mga sumasampalataya sa kanya. Totoo ‘yon. Pero nasa lupa ba ang lugar na ‘yon o nasa langit? Hindi tayo nakakasiguro tungkol diyan. Iniisip nating nasa langit ang kaharian ng langit, pero ayon ‘yon sa sarili nating pagkaintindi at imahinasyon.
04 Mayo 2019
Mga Pagbigkas ni Cristo- Mga Klasikong Salita tungkol sa Gawain ng Paghatol at Pagkastigo ng Diyos sa mga Huling Araw
1. Ang gawain ng mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang lahat ayon sa kanilang uri, upang tapusin ang plano sa pamamahala ng Diyos, sapagka’t ang oras ay malapit na at ang araw ng Diyos ay nakárátíng na. Dinadala ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian, iyon ay, lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang sa katapusan, tungo sa kapanahunan ng Diyos Mismo.
03 Mayo 2019
Mga Klasikong Salita tungkol sa Paghahayag ng Diyos sa Gawain ng Kapanahunan ng Biyaya
32. Pagkatapos nito, noong Kapanahunan ng Biyaya, dumating si Jesus upang tubusin ang buong natisod na sangkatauhan (at hindi lamang ang mga Israelita). Nagpakita Siya ng awa at mapagmahal-na-kabaitan sa tao. Ang Jesus na nakita ng tao sa Kapanahunan ng Biyaya ay puno ng mapagmahal-na-kabaitan at laging mapagmahal sa tao, sapagka’t naparito Siya upang iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan.
02 Mayo 2019
Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo-Mga Klasikong Salita tungkol sa Paghahayag ng Diyos sa Gawain ng Kapanahunan ng Kautusan
22. Noong Kapanahunan ng Kautusan, naglatag si Jehova ng maraming mga utos kay Moises upang ipasa sa mga Israelitang sumunod sa kanya palabas ng Egipto. Ang mga utos na ito ay ibinigay ni Jehovah sa mga Israelita, at walang kaugnayan sa mga Egipcio; ang mga ito ay nilayon upang higpitan ang mga Israelita. Ginamit ng Diyos ang mga utos upang hingan sila.
01 Mayo 2019
Mga Pagbigkas ni Cristo-I Mga Klasikong Salita tungkol sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos sa Pagliligtas sa Sangkatauhan
1. Ang kabuuan ng Aking plano sa pamamahala, isang plano na sumasaklaw ng anim na libong taon, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: ang Kapanahunan ng Kautusan sa pasimula; ang Kapanahunan ng Biyaya (na tinatawag ding Kapanahunan ng Pagtubos); at ang Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw.
30 Abril 2019
Filipino Variety Show "Ang Aking Ama, ang Pastor" A Debate on the Bible Between Father and Daughter
Filipino Variety Show"Ang Aking Ama, ang Pastor" A Debate on the Bible Between Father and Daughter
Si Chi Shou, isang relihiyosong pastor na apatnapu't taon nang nananampalataya sa Panginoon, ay palaging nanghawak sa pananaw na "lahat ng salita at gawain ng Panginoon ay nasa Biblia," at "ang paniniwala sa Panginoon ay hindi maaaring lumihis mula sa Biblia, at ang paniniwala sa Biblia ay nangangahulugang paniniwala sa Panginoon." Noong tinanggap ng kanyang anak na babae ang gawain ng Diyos ng mga huling araw, gumawa sila ng kanyang asawa ng plano para pigilan siya. Sa araw na ito, babalik ang kanyang anak para magpatotoo sa kanila sa ebanghelyo ng pagbabalik ng Panginoon, at nagkaroon ng mainit, matalino, ngunit seryosong pagtatalo ang pamilya …
29 Abril 2019
Tagalog Christian Songs | "Ang mga Taong Natamo ng Diyos ay Nagtataglay ng Realidad"
Tagalog Christian Songs-Ang mga Taong Natamo ng Diyos ay Nagtataglay ng Realidad
I
Ang Diyos ay praktikal na Diyos.
Lahat ng Kanyang gawain, Kanyang bawat salita,
mga katotohanang Kanyang ipinahayag ay praktikal.
Lahat ng iba pa'y hungkag at hindi tama.
Gagabay sa tao Banal na Espiritu
tungo sa mga salita ng Diyos.
Para makapasok sa realidad, kailangan ng taong
hanapin, alamin, at maranasan ito.
Sila na taglay at alam ang realidad
ay ang mga natamo ng Diyos.
Alam nila ang Kanyang mga gawain
sa pamamagitan ng pagdanas sa realidad.
Mas nakikipagtulungan ka sa Diyos
at lalo mong dinidisiplina ang iyong laman,
lalong gagawa ang Diyos at magliliwanag sa iyo,
at iyong matatamo ang realidad
at malalaman ang mga gawain ng Diyos.
II
Siya na mas nakakaalam ng realidad ay kayang makita
kung kaninong mga salita ang totoo,
at mas kaunti ang mga akala.
Mas maraming karanasan,
mas lalong malalaman ng tao ang mga gawain ng Diyos
at iwawaksi ang kanilang mga kasamaan.
Mas marami silang taglay na realidad,
mas makikilala nila ang Diyos,
kamumuhian ang laman at mamahalin ang katotohanan,
mas malapit sa mga pamantayan ng Diyos.
Sila na taglay at alam ang realidad
ay ang mga natamo ng Diyos.
Alam nila ang Kanyang mga gawain
sa pamamagitan ng pagdanas sa realidad.
Mas nakikipagtulungan ka sa Diyos
at lalo mong dinidisiplina ang iyong laman,
lalong gagawa ang Diyos at magliliwanag sa iyo,
at iyong matatamo ang realidad
at malalaman ang mga gawain ng Diyos.
III
Mamuhay sa liwanag ng Diyos ngayon,
lilinaw ang iyong landas ng pagsasagawa.
Mapapalaya mo ang iyong sarili sa dating gawain
at lumang relihiyosong pag-iisip.
Ngayon ang pansin ay sa realidad.
Kapag mas taglay ito ng tao,
mas malinaw ang kanilang kaalaman sa katotohanan
at pag-unawa sa kalooban ng Diyos.
Sila na taglay at alam ang realidad
ay ang mga natamo ng Diyos.
Alam nila ang Kanyang mga gawain
sa pamamagitan ng pagdanas sa realidad.
Mas nakikipagtulungan ka sa Diyos
at lalo mong dinidisiplina ang iyong laman,
lalong gagawa ang Diyos at magliliwanag sa iyo,
at iyong matatamo ang realidad
at malalaman ang mga gawain ng Diyos.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
28 Abril 2019
Tagalog Worship Songs "Lahat ng Hiwaga ay Nailantad Na" | God Has Come Back and Revealed All Mysteries
Tagalog Worship Songs "Lahat ng Hiwaga ay Nailantad Na" | God Has Come Back and Revealed All Mysteries
Makapangyarihang Diyos ng pagkamatuwid—
ang Makapangyarihan!
Sa Iyo'y, walang natatago.
Bawat hiwaga, sa kawalang-hanggan,
na 'di naibunyag ng sinumang tao,
sa 'Yo'y hayag at malinaw.
27 Abril 2019
Tagalog Christian Songs-Nagpapasiya ang Diyos sa Kalalabasan ng Tao Ayon sa Kanilang Diwa
I
Kung makaligtas ang isang tao sa huli,
iyo'y dahil nagawa niya ang mga ipinagagawa ng Diyos.
Ngunit kung 'di siya makakaligtas sa huli,
ito'y dahil sumusuway sila't di mapapalugod nais ng Diyos.
Di puwedeng ipasa ang masasamang gawa
ni ang katuwiran ng isang bata
sa kanyang mga magulang.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)