Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Paano Mo Dapat Lakaran Ang Huling Bahagi ng Landas
Kayo ngayon ay nasa huling bahagi ng landas, at ito ay isang kritikal na bahagi nito. Marahil ay nabata mo ang di-kakaunting pagdurusa, gumawa ng napakaraming gawain, nilakbay ang maraming daan, at nakinig sa maraming mga sermon, at hindi naging madali na magawa ito hanggang sa ngayon. Kung hindi mo matiis ang pagdurusa na nasa harap mo at kung magpapatuloy ka kagaya nang ginawa mo noong nakaraan, kung gayon hindi ka maaaring gawing perpekto. Ito ay hindi para takutin ka—ito ay isang katunayan. Pagkatapos sumailalim ni Pedro sa di-kakaunting gawain ng Diyos, nagkamit siya ng ilang kabatiran at ng napakaraming pagkilatis. NaunawaanJesus. din niya ang di-kakaunting panuntunan ng paglilingkod, at kinalaunan ay nagawa niyang ganap na magtalaga sa kung ano ang ipinagkatiwala sa kanya ni Ang malaking pagpipino na kanyang tinanggap ay karamihan dahil sa mga bagay na kanyang ginawa, naramdaman niya na marami siyang pagkakautang sa Diyos at hindi niya kailanman magagawa na makabawi sa Kanya, at kinilala niya na ang sangkatauhan ay masyadong tiwali, kaya nagkaroon siya ng nababagabag na konsiyensya. Si Jesus ay maraming bagay na ang nasabi sa kanya at sa panahong iyon mayroon lamang siyang kaunting pagkaunawa. May mga pagkakataon na nakabuo pa rin siya ng paglaban at pagiging mapanghimagsik. Pagkatapos mapako si Jesus sa krus, nagkaroon din siya sa wakas ng kaunting pagkamulat at nadama na siya talaga ang dapat sisihin. Sa bandang huli umabot ito sa isang punto kung saan siya ay nagulumihanan kapag nagkaroon siya ng ideya na hindi tama. Alam na alam niya ang kanyang sariling katayuan, at alam na alam din niya ang kabanalan ng Panginoon. Bilang resulta, isang puso ng pag-ibig para sa Panginoon ang yumabong sa kanya nang higit pa, at lalong nagtuon pa siya ng pansin sa kanyang buhay. Dahil dito ay nagdanas siya ng malalaking paghihirap, at bagamat may mga pagkakataon na parang mayroon siyang malalang karamdaman at mistula pang nasa pintuan na ng kamatayan, pagkatapos pinuhin sa ganitong paraan nang maraming beses, nagkaroon siya ng mas maraming pagkaunawa sa kanyang sarili, at sa ganitong paraan lamang niya napaunlad ang tunay na pag-ibig para sa Panginoon. Maaaring sabihin na ang kanyang buong buhay ay ginugol sa pagpipino at higit sa rito, ay ginugol sa pagkastigo. Ang kanyang karanasan ay naiiba mula sa karanasan ng sinumang tao, at nilampasan ng kanyang pag-ibig ang sa sinuman na hindi naging perpekto. Ang dahilan kung bakit siya pinili bilang isang huwaran ay dahil sa naranasan niya ang pinakamatinding paghihirap sa kabuuang buhay niya at ang kanyang mga karanasan ay ang pinakamatagumpay. Kung nagagawa ninyo talagang lakaran ang huling bahagi ng landas kagaya lang ni Pedro, kung gayon walang sinumang nilalang ang makaaagaw sa inyong mga pagpapala.