Si Song Ruiming ay pastor ng isang iglesia sa South Korea. Bilang isang tapat na alagad ng Panginoon sa loob ng maraming taon, masigla siyang sumasampalataya at naglilingkod sa Panginoon habang naghihintay na maitaas sa kaharian sa langit pagbalik ng Panginoon. Nitong nakaraang mga taon, litung-lito siya at nawawalan ng lakas kapag nakikita na wala sa iglesia ang gawain ng Banal na Espiritu at nagiging lubhang malungkot. Noon niya narinig ang tungkol sa isang sektang tinatawag na Kidlat ng Silanganan na lumalabas sa China na nagpapatotoo sa pagbalik ng Panginoong Jesus—Makapangyarihang Diyos, na gumagawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan. Kaya nga nagpunta si Song Ruiming at ang mangangaral na si Cui Cheng’en sa China para pag-aralan ang Kidlat ng Silanganan, kung saan binasa nila sa wakas ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at nalaman nila na lahat ng salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, ang tinig ng Diyos! Malamang na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus! Gayunman, nang pinag-aaralan na nila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, ibinenta sila ng mga elder ng relihiyon na nagsuplong sa kanila sa mga pulis. Inaresto ang dalawa at ipinatapon ng mga pulis ng Chinese Communist. Sa South Korea naman, nasaktan at nalito si Song Ruiming. Patuloy siyang nag-isip ng mga paraan para makontak ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Isang araw, bigla niyang natuklasan ang Korean website ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa Internet, batid na lumaganap na ang Kidlat ng Silanganan sa South Korea at nagtatag ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos! Masayang-masaya at tuwang-tuwa, hinikayat ni Song Ruiming na pag-aralan ng mga kapatid sa kanyang iglesia ang tunay na daan sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Matibay ang paniniwala nila na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Masaya nilang tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at natagpuan nila ang landas patungo sa kaharian ng langit. Sa huli ay may pagkakataon na rin siyang tuparin ang kanyang pinapangarap na kaharian sa langit.
18 Abril 2018
17 Abril 2018
Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Umiiral ba ang Trinidad? (Unang Bahagi)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang konseptong ito ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu ay masyadong katawa-tawa! Pinagpira-piraso nito ang Diyos at pinagbaha-bahagi sa tatlong persona, bawat isa ay may kalagayan at Espiritu; paano kung gayon na Siya ay isang Diyos at isang Espiritu pa rin? Sabihin ninyo sa Akin, ang langit at lupa, at ang lahat ng mga bagay na nakapaloob dito ay nilikha ba ng Ama, ng Anak, o ng Banal na Espiritu? Sinasabi ng ilan na nilikha Nila ito nang magkakasama. Kung gayon sino ang tumubos sa sangkatauhan? Ito ba ang Banal na Espiritu, ang Anak, o ang Ama? Sinasabi ng ilan na ang Anak ang tumubos sa sangkatauhan. Kung gayon ay sino ang Anak sa kaanyuan? Hindi ba Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos? Tinatawag ng nagkatawang-tao ang Diyos sa langit sa pangalang Ama mula sa pananaw ng isang taong nilikha. Hindi mo ba alam na si Jesus ay ipinanganak mula sa paglilihi ng Banal na Espiritu? Sa loob Niya ay ang Banal na Espiritu; anuman ang iyong sabihin, Siya ay kaisa ng Diyos sa langit, sapagkat Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos. Ang ideyang ito tungkol sa Anak ay tunay na hindi totoo. Ito ay ang isang Espiritu na ipinatutupad ang lahat ng gawain; tanging ang Diyos Mismo, iyon ay, ang Espiritu ng Diyos ang nagpapatupad ng Kanyang gawain.”
Rekomendasyon:
Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
15 Abril 2018
Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Movie Clip (6) | Ang Pagsunod ba sa mga Pastor at Elder ay Tulad ng Pagsunod sa Diyos?
Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Movie Clip (6) | Ang Pagsunod ba sa mga Pastor at Elder ay Tulad ng Pagsunod sa Diyos?
Naniniwala ang ilang mga mananampalataya na pinili at hinirang ng Panginoon ang mga pastor at elder ng relihiyosong mundo, at lahat sila’y mga taong naninilbihan sa Panginoon. Kaya naniniwala sila na ang pagsunod lamang sa mga pastor at elder ay pagsunod sa Panginoon, at ang pagsalungat o paghatol sa mga pastor at elder ay pagsalungat sa Panginoon. Naniniwala pati sila na, sa mga iglesia, tanging mga pastor at elder lamang ang nakakaunawa sa Biblia at kayang ipaliwanag ang Biblia, at basta't naaayon sa Biblia at batay sa Biblia ang ipinapangaral o ginagawa ng mga pastor at elder, dapat silang talimahin at sundin ng mga tao kung gayon. Naaayon ba sa katotohanan ang ganitong uri ng pagsunod sa mga pastor at elder? Kinakatawan ba ng pag-unawa sa kaalaman sa Biblia ang pag-unawa sa katotohanan at kaalaman sa Diyos? Anong pamamaraan ba talaga ang dapat nating gamitin sa mga pastor at elder na tumatalima sa kalooban ng Diyos?
14 Abril 2018
Christians of The Church of Almighty God Will Be Brutally Persecuted by the CCP Once Repatriated
Christians of The Church of Almighty God Will Be Brutally Persecuted by the CCP Once Repatriated
On January 4, 2018, according to the U.S. State Department, pursuant to the 1998 International Religious Freedom Act, China is re-designated as a “Country of Particular Concern.” This is the nineteenth consecutive year that China is included in the “Country of Particular Concern” list. At the same time, when the freedom of religious belief in China draws great attention of the U.S. government, the asylum applications of many Christians of The Church of Almighty God who had been persecuted by the CCP, and who had fled abroad to South Korea and European countries, are denied again and again. These governments even issued orders for their deportation and had their Alien Registration Cards withdrawn. Once repatriated to China, these Christians are bound to face the CCP’s arrest, torture and imprisonment, even the danger of death. Their situations are critical!
Expression of the Returned Lord Jesus
13 Abril 2018
Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Movie Clip (5) | Tunay bang Hinirang ng Panginoon ang mga Pastor at Elder ng Relihiyosong Mundo?
Personal na nagbibigay ng patotoo ang Diyos sa lahat ng Kanyang hinihirang at ginagamit. Sa pinakamababa man lang, lahat sila ay tumatanggap ng kumpirmasyon ng gawain ng Banal na Espiritu, ipinapakita ang mga bunga ng gawain ng Banal na Espiritu, at natutulungan ang mga napiling tao ng Diyos na tumanggap ng pagkakaloob ng buhay at tunay na pagpapastol. Dahil makatuwiran at banal ang Diyos, ang lahat ng Kanyang hinihirang at ginagamit ay kailangang sumunod sa Kanyang kalooban. Ang mga pastor at elder mula sa relihiyosong mundo ay nagkukulang lahat sa salita ng Diyos bilang patotoo, at wala ring kumpirmasyon ng gawain ng Banal na Espiritu. Kaya paanong personal na hihirangin at gagamitin ng Diyos ang mga pastor at elder na nasa relihiyosong mundo?
Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Movie Clip (5) | Tunay bang Hinirang ng Panginoon ang mga Pastor at Elder ng Relihiyosong Mundo?
12 Abril 2018
Mga Movie Clip (4) | Ang Pananampalataya ba sa Biblia ay Katumbas ng Pananampalataya sa Panginoon? | Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Mga Movie Clip (4) | Ang Pananampalataya ba sa Biblia ay Katumbas ng Pananampalataya sa Panginoon?
Naniniwala ang karamihan sa mga pastor at elder ng relihiyosong mundo na kinakatawan ng Biblia ang Panginoon, at ang paniniwala sa Panginoon ay paniniwala sa Biblia, at ang paniniwala sa Biblia ay paniniwala sa Panginoon. Naniniwala sila na kung aalis ang isa mula sa Biblia, hindi siya matatawag na mananampalayata kung gayon, at maaaring maligtas at makapasok ang isang tao sa kaharian ng langit hangga’t kumakapit siya sa Biblia. Kaya ba talagang katawanin ng Biblia ang Panginoon? Ano ba talaga ang relasyon sa pagitan ng Biblia at ng Panginoon? Sabi ng Panginoong Jesus, “Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay” (Juan 5:39-40). Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Matapos ang lahat, alin ang mas dakila: Ang Diyos o ang Biblia? Bakit kailangan ang gawain ng Diyos ay kaayon sa Biblia? Maaari kayana ang Diyos ay walang karapatan na higitan ang Biblia? Hindi ba maaaaringlisanin ng Diyos ang Biblia at gumawa ng iba pang gawain? Bakit si Jesus at ang Kanyang mga alagad ay hindi sumusunod sa Araw ng Pamamahinga? … Dapat mong malaman kung alin ang nauna, ang Diyos o ang Biblia! Dahil Panginoong ng Araw ng Pamamahinga, Siya ba’y maaaring ding maging Diyos ng Biblia?” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
11 Abril 2018
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos | Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos | Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan
Bilang mga miyembro ng sangkatauhan at tapat na mga Kristiyano, pananagutan at obligasyon nating lahat na ialay ang ating mga isipan at katawan para sa katuparan ng kautusan ng Diyos, dahil ang ating buong pagkatao ay nagmula sa Diyos, at ito ay umiiral salamat sa kapangyarihan ng Diyos. Kung ang ating mga isip at katawan ay hindi para sa kautusan ng Diyos at hindi para sa matuwid na dahilan ng sangkatauhan, sa gayon ang ating mga kaluluwa’y hindi magiging karapat-dapat sa mga taong naging martir para sa kautusan ng Diyos, mas hindi karapat-dapat sa Diyos, na naglaan sa atin ng lahat ng bagay.
10 Abril 2018
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Movie Clip (3) | Umiiral ba Ang Salita ng Diyos Bukod sa Biblia?
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Movie Clip (3) | Umiiral ba Ang Salita ng Diyos Bukod sa Biblia?
Naniniwala ang ilang relihiyosong tao na ang lahat ng mga salita at gawain ng Diyos ay nasa Biblia, at walang mga salita at gawain ng Diyos maliban sa yaong mga nasa Biblia. Naaayon ba ang pananaw na ito sa katotohanan? Sinasabi ng Biblia, “At mayroon ding iba’t ibang mga bagay na ginawa si Jesus, na kung susulating isa-isa, ay inaakala ko na kahit sa sanglibutan ay hindi magkakasiya ang mga aklat na susulatin” (Juan 21:25). Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang kung ano ang Diyos at kung ano ang mayroon Siya ay magpakailanmang di-nauubos at walang-hangganan. … Huwag muling lilimitahan ang Diyos sa mga aklat, mga salita, o Kanyang nakaraang mga pagbigkas. Mayroon lamang iisang salita para sa katangian ng gawain ng Diyos—bago. Ayaw Niyang tahakin ang lumang mga landas o ulitin ang Kanyang gawain, at higit pa ayaw Niyang sambahin Siya ng mga tao sa pamamagitan ng paglilimita sa Kanya sa loob ng isang tiyak na sakop. Ito ang disposisyon ng Diyos” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Rekomendasyon:Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Movie Clip (2) | Kapag Nagbalik ang Panginoon, Paano Siya Magpapakita sa Sangkatauhan?
Dumating na ang mga huling araw, at marami sa mga mananampalataya ang naghahangad sa pagbabalik ng Panginoon at dalhin sila sa kaharian ng langit. Ngunit alam ba ninyo kung papaano magpapakita ang Panginoon sa atin kapag Siya ay bumalik? Magiging ganoon ba gaya ng iniisip natin, na magpapakita Siya nang bukas, direktang bumababa sakay ng ulap? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Nais mo bang makita si Jesus? Nais mo bang mabuhay kasama si Jesus? Nais mo bang marinig ang mga salitang sinambit ni Jesus? ... Sa anong paraan babalik si Jesus? Naniniwala kayo na si Jesus ay babalik na nasa ibabaw ng puting ulap, ngunit ito ang tanong Ko sa inyo: Ano ang tinutukoy ng puting ulap na ito? Sa napakaraming alagad ni Jesus na naghihintay sa Kanyang pagbalik, kanino Siya bababa?" "Kapag nakita ng sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sa ibabaw ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng pagkamatuwid. ... Ibabadya nito ang pagtatapos ng plano sa pamamahala ng Diyos, at mangyayari kapag ginantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarusahan ang masasama. Sapagkat nagwakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga palatandaan ang tao, kapag pagpapahayag lamang ng katotohanan ang naroon" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
08 Abril 2018
Mga Movie Clip (1) | Paano Natin Masasalubong ang Pagbabalik ng Panginoon?
Lumitaw na ang apat na kulay dugong buwan. Nangangahulugan ito na sasapit na sa atin ang mga malalaking sakuna, tulad ng napropesiya sa libro ni Joel, "At sa mga lingkod na lalake at babae naman ay ibubuhos ko sa mga araw na yaon ang aking Espiritu. At ako'y magpapakita ng mga kababalaghan sa langit at sa lupa, dugo, at apoy, at mga haliging usok" (Joel 2:29-31). Bago sumapit sa atin ang mga malalaking sakuna, tutustusan ng Espiritu ng Diyos ang Kanyang mga tagasilbi at utusang babae, at kukumpletuhin Niya ang isang grupo ng mga mananagumpay. Kung hindi tayo madadala bago ang mga malalaking sakuna, marahil ay mamamatay tayo sa mga sakunang ito. Ngayon, nagpapatotoo ang Kidlat ng Silanganan na nagbalik na ang Panginoong Jesus, inihayag ang katotohanan, at kinumpleto ang isang grupo ng mga mananagumpay. Hindi ba nito tinutupad ang mga propesiya ng Biblia? Hindi ba't pagpapahayag ng gawain ng Panginoon ang Kidlat ng Silanganan?
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)