Sagot: Maraming mananampalataya ang nag-aakalang na hangga’t pinapanatili nila ang pangalan ng Panginoon, binabasa ang Biblia, nagdadasal at laging nagsasama-sama, nakakapagsakripisyo ng lahat ng bagay para sa Panginoon at nagsusumikap para sa Panginoon, sila ay mga tunay nang naniniwala. Akala nila na hangga’t sila’y naniniwala sa Panginoon sa ganitong paraan, maiaangat sila sa kaharian ng langit kapag Siya’y bumalik ulit. Ang paniniwala ba sa Diyos ay ganoon kadali tulad ng iniisip ng mga tao? Kung ganito maniwala ang mga tao sa Diyos, makakamit ba talaga nila ang pagtanggap ng Diyos? Iyong mga Fariseo na tinuligsa at kinondena ng Panginoong Jesus, hindi ba’t sa ganoong paraan din sila naniwala sa Diyos? Lagi silang nananalangin at nagsusumikap at naglakbay pa hanggang sa dulo ng mundo para ikalat ang ebanghelyo. Kung gayon bakit nabigong makamit ng kanilang pananalig ang pagtanggap ng Panginoon at sa halip ay natamo ang Kanyang pagkondena at mga sumpa?
03 Enero 2020
Naniwala tayo sa Panginoon sa loob ng maraming taon, at pinanatili natin ang Kanyang pangalan. Lagi tayong nagbabasa ng Biblia, nananalangin at kinukumpisal ang ating mga kasalanan sa Panginoon; tayo’y mapagpakumbaba, matiyaga, mapagmahal sa iba. Lagi tayong nagkakawang-gawa, nagbibigay, at nagsasakripisyo ng lahat ng iba pang bagay para magsilbi sa Panginoon at ikinakalat ang ebanghelyo para sumaksi sa Kanya. Hindi ba natin isinasagawa ang mga salita ng Panginoon at sinusunod ang Kanyang paraan? Paano mo nasabi na hindi tayo kailanman nagkaroon ng katotohanan sa pananalig sa Panginoon o isang hindi naniniwala? Sa Biblia, sinabi ni Pablo na, “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, Natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran …” (2Timoteo 4:7-8). Samakatuwid, sa tingin ko makakamit ng ating pananalig sa Panginoon ang Kanyang papuri. Kapag dumating ang Panginoon, tiyak na dadalhin Niya tayo sa kaharian ng langit.
Sagot: Maraming mananampalataya ang nag-aakalang na hangga’t pinapanatili nila ang pangalan ng Panginoon, binabasa ang Biblia, nagdadasal at laging nagsasama-sama, nakakapagsakripisyo ng lahat ng bagay para sa Panginoon at nagsusumikap para sa Panginoon, sila ay mga tunay nang naniniwala. Akala nila na hangga’t sila’y naniniwala sa Panginoon sa ganitong paraan, maiaangat sila sa kaharian ng langit kapag Siya’y bumalik ulit. Ang paniniwala ba sa Diyos ay ganoon kadali tulad ng iniisip ng mga tao? Kung ganito maniwala ang mga tao sa Diyos, makakamit ba talaga nila ang pagtanggap ng Diyos? Iyong mga Fariseo na tinuligsa at kinondena ng Panginoong Jesus, hindi ba’t sa ganoong paraan din sila naniwala sa Diyos? Lagi silang nananalangin at nagsusumikap at naglakbay pa hanggang sa dulo ng mundo para ikalat ang ebanghelyo. Kung gayon bakit nabigong makamit ng kanilang pananalig ang pagtanggap ng Panginoon at sa halip ay natamo ang Kanyang pagkondena at mga sumpa?
30 Disyembre 2019
Bakit Ibinigay ng Panginoong Jesus kay Pedro ang mga Susi ng Kaharian ng Langit
Bakit Ibinigay ng Panginoong Jesus kay Pedro ang mga Susi ng Kaharian ng Langit
Yang Qing
Baffled From Reading the Bible
Nang maaga akong magising, ako ay nanalangin, at pagkatapos ay binuksan ang Biblia sa Mateo 16:19, kung saan sinasabi ng Panginoong Jesus kay Pedro: “Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.” Sa pagbabasa sa talatang ito ng kasulatan, ako ay nalito, iniisip: “Hindi gumawa si Pedro ng anumang dakilang gawain ni ang kanyang mga isinulat ay talagang tanyag. Higit sa lahat, nang ang Panginoong Jesus ay dinakip at nilitis, tatlong beses Siyang ikinaila ni Pedro. Bakit hindi ibinigay ng Panginoong Jesus ang mga susi ng kaharian ng langit sa iba pang mga disipulo, bagkus kay Pedro lamang?” Nagsaliksik ako nang husto sa Banal na Kasulatan, ngunit walang nakalutas sa aking pagkalito. Hindi maiiwasang pumasok ako sa trabaho.
25 Disyembre 2019
Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos (Sipi)
Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos (Sipi)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang pamamahala ng Diyos ay upang makamtan ang isang pangkat ng mga tao na sumasamba sa Diyos at nagpapasakop sa Kanya. Ang sangkatauhang ito ay ginawang tiwali na ni Satanas, nguni’t hindi na nakikita si Satanas bilang kanyang ama; nakikilala niya ang pangit na mukha ni Satanas, at tinatanggihan ito, at lumalapit sa harap ng Diyos upang tanggapin ang Kanyang paghatol at pagkastigo. Alam niya kung ano ang pangit, at kung gaano ito kasalungat ng kung ano ang banal, at kinikilala niya ang kadakilaan ng Diyos at ang kasamaan ni Satanas. Ang sangkatauhang tulad nito ay hindi na maglilingkod kay Satanas, o sasamba kay Satanas, o idadambana si Satanas. Iyon ay dahil sila ay isang pangkat ng mga tao na tunay nang nakamit ng Diyos. Ito ang kahalagahan ng pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan."
20 Disyembre 2019
The Church of Almighty God | "Nalantad Ang Katotohanan" "Ang Katotohanan Inilantad sa Likod ng May 28 Zhaoyuan Case" | Eastern Lightning (Tagalog Dubbed)
The Church of Almighty God | "Nalantad Ang Katotohanan" "Ang Katotohanan Inilantad sa Likod ng May 28 Zhaoyuan Case" | Eastern Lightning (Tagalog Dubbed)
Noong 2014, walang-pakundangang inimbento ng CCP ang kilalang-kilalang Pangyayari noong 5/28 sa Zhaoyuan sa Shandong Province para may mapagbatayan ang opinyon ng publiko na lubos na sugpuin ang mga bahay-iglesia, at ikinalat ang kasinungalingan sa buong mundo para tuligsain at siraan ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Dahil dito, nalinlang ng propaganda ng CCP ang ilang taong walang kaalam-alam sa katotohanan. Sa programang ito, mabubunyag ang ilang malalaking pagdududa tungkol sa kasong ito para isa-isang himayin ang mga kasinungalingan ng CCP at linawin ang mga pangyayari sa inyo, at lubos na ilantad ang katotohanan sa likod ng Pangyayari sa Shandong Zhaoyuan sa harap ng mundo.
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
17 Disyembre 2019
Paraan Upang Dinggin ng Diyos ang Ating Panalangin sa Araw-araw
Paraan Upang Dinggin ng Diyos ang Ating Panalangin sa Araw-araw
Gawa ni Guoshi
Mga kapatid:
Sumainyo ang kapayapaan ng Panginoon! Ngayong araw, ang ating paksa sa pagbabahagi ay “ang tatlong problemang dapat nating lutasin sa panalangin.” Gabayan nawa ng Panginoon ang ating pagbabahagi. Alam nating magkakapatid na ang panalangin ang daan para sa pagtatatag ng isang normal na relasyon sa Diyos. Umaasa tayong lahat na diringgin at tatanggapin ang mga panalangin natin, pero maraming mga kapatid ngayon ang nababagabag sa katotohanang hindi dinirinig o tinatanggap ang kanilang mga panalangin. Kaya, pa’no tayo magdadasal nang naaayon sa kalooban ng Diyos, at ano’ng mga problema ang dapat nating lutasin sa mga panalangin natin para pakinggan ‘yon ng Panginoon?
15 Disyembre 2019
Gabay sa Pananampalataya | Ano ang tunay na panalangin?
Gabay sa Pananampalataya | Ano ang tunay na panalangin?
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ano ang ibig sabihin ng manalangin nang tunay? Nangangahulugan ito ng pagsasabi ng mga salita sa loob ng iyong puso sa Diyos, at pakikipagniig sa Diyos na mayroong pagkaunawa sa Kanyang kalooban at batay sa Kanyang mga salita; nangangahulugan ito ng pakiramdam na talagang malapit sa Diyos, nadaramang Siya ay nasa harap mo, at na mayroon kang isang bagay na gustong sabihin sa Kanya; at nangangahulugan ito ng pagiging talagang masigla sa loob ng iyong puso, at damdamin na ang Diyos ay sadyang kaibig-ibig. Madarama mo na ikaw ay sadyang pinukaw, at pagkatapos marinig ang iyong mga salita ang iyong mga kapatid ay malulugod, madadama nila na ang mga salita na iyong sinabi ay ang mga salita sa loob ng kanilang mga puso, mga salitang gusto nilang sabihin, at kinakatawan ng iyong sinasabi kung ano ang gusto nilang sabihin. Ito ang ibig sabihin ng nananalangin nang tunay. Pagkatapos mong manalangin nang tunay, ang iyong puso ay mapapayapa, at malulugod; ang lakas para ibigin ang Diyos ay tataas, at madadama mo na walang anumang bagay sa kabuuan ng iyong buhay ang higit na karapat-dapat o mahalaga kaysa sa pag-ibig sa Diyos—at mapatutunayan nitong lahat na ang iyong mga panalangin ay naging mabisa.
12 Disyembre 2019
Ang Pagdurusa ang Nagbigay ng Inspirasyon sa Aking Pagmamahal para sa Diyos
Ang Pagdurusa ang Nagbigay ng Inspirasyon sa Aking Pagmamahal para sa Diyos
Meng Yong Lalawigan ng Shanxi
Ako’y likas na matapat na tao, na dahilan kung bakit lagi akong inaapi ng ibang tao. Bilang resulta, naranasan ko ang walang siglang mundo ng tao at nadama kong walang saysay ang aking buhay at walang kahulugan. Matapos akong magsimulang maniwala sa Makapangyarihang Diyos, sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos at pamumuhay ng buhay ng iglesia, naging masaya ako sa katapatan at kagalakan sa aking puso na hindi ko naramdaman noon. Nakikita ang mga kapatid ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na nagmamahalan sa isa’t isa tulad ng isang pamilya, naunawaan ko na Diyos lang ang matuwid, at na sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos lamang mayroong liwanag. Sa pamamagitan ng ilang taon ng personal na pagdanas ng gawain ng Makapangyarihang Diyos, tunay kong napahalagahan na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay talagang makakapagpabago at makakapagligtas sa mga tao. Ang Makapangyarihang Diyos ay pag-ibig, at Siya ay kaligtasan. Upang mas maraming tao ang masiyahan sa pag-ibig ng Diyos at tanggapin ang kaligtasan ng Diyos, nagsikap ang aking mga kapatid at ako na gawin ang aming makakaya upang ipalaganap ang ebanghelyo, ngunit hindi namin inasahan kailanman na mahuhuli at uusigin ng Partido Komunista.
07 Disyembre 2019
Tagalog Praise Songs | Gumagawang Tahimik ang Diyos sa Katawang-tao Upang Iligtas ang Sangkatauhan
Tagalog Praise Songs | Gumagawang Tahimik ang Diyos sa Katawang-tao Upang Iligtas ang Sangkatauhan
I
Ang D'yos naging katawang-tao,
nanatiling nakatago sa tao
upang gawin ang bagong gawain,
iligtas tayo sa kasamaan.
'Di Siya nagbibigay ng paliwanag.
Sa mga planong nagawa N'ya,
ginagawa Kanyang gawain paisa-isang hakbang.
Mga salita N'ya'y nadaragdagan araw-araw,
umaaliw, nagpapaalala, sumasaway, at nagbababala.
Mula sa mahinahon at mabait sa mabangis at makahari,
mga salita N'ya'y ikinikintal kahabaga't takot.
Lahat ng sinasabi N'ya'y inihahayag malalalim nating lihim.
Mga salita Niya'y tagos sa'tin at napapahiya tayo.
Mayroong walang katapusang tustos
ng Kanyang buhay na tubig.
04 Disyembre 2019
Salita ng Buhay | "Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo"
Salita ng Buhay | "Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo"
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Walang sinuman maliban sa Kanya ang maaaring makaalam sa lahat ng ating iniisip, o maunawaan ang ating kalikasan at diwa, o hatulan ang pagiging mapaghimagsik at katiwalian ng sangkatauhan, o kausapin tayo at gumawa sa ating kalagitnaan sa ngalan ng Diyos ng langit. Walang sinuman maliban sa Kanya ang maaaring magkamit ng awtoridad, karunungan at karangalan ng Diyos; ang disposisyon ng Diyos at kung anong mayroon at kung ano ang Diyos ay bumubukal, sa kabuuan, mula sa Kanya.
01 Disyembre 2019
Clip ng Pelikulang Ang Misteryo ng Kabanalan (3/6) | "Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao ng Diyos"
Clip ng Pelikulang Ang Misteryo ng Kabanalan (3/6) | "Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao ng Diyos"
Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Diyos ay nagkatawang-tao at naging ang Panginoong Jesus na pumarito upang tubusin ang sangkatauhan, at sinabi ng mga Judiong Fariseo na ang Panginoong Jesus ay isang tao lamang. Sa mga huling araw, ang Diyos ay nagkatawang-tao at naging Makapangyarihang Diyos na naparito para gawin ang Kanyang gawain ng paghatol, at ang mga pastor at mga elder ng daigdig ng relihiyon ay nagsasabi rin na ang Makapangyarihang Diyos ay isang tao lamang, kaya ano ang problema rito? Mula sa labas, ang Diyos na nagkatawang-tao ay mukhang isang karaniwang, normal na tao. Ngunit sa Kanyang kalooban ay doon nakatahan ang Espiritu ng Diyos; kaya Niyang ipahayag ang katotohanan, ipahayag ang tinig ng Diyos at gawin ang gawain ng Diyos, kung gayon ang Diyos ba na nagkatawang-tao ay isang tao, o Diyos?
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)