07 Mayo 2018
❤️Tagalog na Cristianong Kanta | Disidido Akong Sundin ang Diyos ❤️
Tinangan nang matagal ang pananalig, nakita ngayon ang liwanag. Dumanas ng tagumpay, kabiguan, pag-uusig at kahirapan. Tinanggihan ng mundo; nilayuan ng mga mahal ko. Maraming gabing nanatiling gising at nanalangin? Ligaya at kalungkutan, damit na basa ng luha. Naglilibot araw-araw, walang lugar na pahingahan. Kalayaan, isa lang paimbabaw, karapatang pantao’y di umiiral? Matinding galit kay Satanas! Inaasam ang pagkuha ni Cristo ng kapangyarihan! Itong mundo, madilim at masama, mas ninanais ko ang liwanag ng buhay. Si Cristo ang katotohanan, daan, at buhay. Nagpasya ako na sundin Siya. Itong mundo, madilim at masama, mas ninanais ko ang liwanag ng buhay. Si Cristo ang katotohanan, daan, at buhay. Nagpasya ako na sundin Siya.
05 Mayo 2018
Tagalog Christian Movie | Ang Misteryo ng Kabanalan (Trailer)
Si Lin Bo’en ay isang elder noon sa isang bahay na iglesia sa China. Sa lahat ng kanyang mga taon bilang isang mananampalataya, ikinarangal niya ang magdusa para sa Panginoon, at pinahalagahan ang kaalaman at pagkakamit ng Panginoong Jesucristo nang higit sa anupaman sa mundo. Isang nakatadhanang araw, lumabas siya upang mangaral at may narinig na nakabibiglang balita: Ang Panginoong Jesus ay nagbalik na sa katawang-tao, at Siya ang Cristo ng mga huling araw—Makapangyarihang Diyos! Naguluhan si Lin Bo’en. Sa pagbabalik ng Panginoon, Siya ay dapat bumaba sa mga ulap, kaya bakit Siya magkakatawang-tao Mismo at lihim na gagawin ang Kanyang gawain? Anong mga hiwaga ang nakatago sa likod ng pagkakatawang-tao ng Diyos? Kung totoong nagbalik na ang Panginoon, bakit hindi pa tayo dinala? … Nagkaroon ng isang matinding debate sa pagitan ni Lin Bo’en at ng kanyang mga kasamahang manggagawa at mga mangangaral mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos … Mauunawaan ba nila sa wakas na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao?
Rekomendasyon:
Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan
Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
04 Mayo 2018
Ebangheliyong musika | Ang Diwa ni Cristo ay Nalalaman sa Gawa’t Pagpapahayag Niya
gawa't pagpapahayag Niya.
May isang pusong totoo, ginaganap Niya 'yong pinagkatiwala,
sinasamba ang Diyos sa langit
at hinahanap ang kalooban ng Ama.
Nalalaman 'to sa diwa't natural na pagbubunyag Niya.
Natural na pagpapahayag Niya'y hindi panggagaya,
Ang mga ito'y hindi natututunan, bagkus ito'y likas.
o mula sa mga taong pag-aaral ng tao.
Ang mga ito'y hindi natututunan, bagkus ito'y likas.
02 Mayo 2018
Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayanang Kumatawan sa Diyos
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang lahat ng mga kilos at mga gawa ni Satanas ay nakikita sa tao. Ngayon ang lahat ng mga kilos at mga gawa ng tao ay pagpapahayag ni Satanas at samakatuwid ay hindi maaaring kumatawan sa Diyos. Ang tao ang sagisag ni Satanas, at ang disposisyon ng tao ay hindi kayang kumatawan sa disposisyon ng Diyos. Ang ilang mga tao ay may mabuting karakter; ang Diyos ay maaaring gumawa ng ilang gawain sa pamamagitan ng naturang karakter ng mga tao at ang gawain na kanilang ginagawa ay ginabayan ng Banal na Espiritu. Ngunit ang kanilang disposisyon ay hindi kayang kumatawan sa Diyos. Ang gawain ng Diyos na ginagawa Niya sa kanila ay kumikilos lamang at lumalawak sa kung ano na ang umiiral sa loob. Maging sa mga propeta o ang mga taong ginamit ng Diyos mula sa mga nakaraang panahon, walang sinuman ang maaaring direktang kumatawan sa Kanya."
Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayanang Kumatawan sa Diyos
Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayanang Kumatawan sa Diyos
Rekomendasyon:
Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan
01 Mayo 2018
🌳 Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China [Trailer] 🌳
Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Nitong nakaraang mga taon nakita rin ang malawakang pagpapasimula ng pamahalaang CCP ng mga patakarang nakatutok sa "Pagpapailalim sa Impluwensya ng Lipunang Han" ng Kristiyanismo. Libu-libong krus ng iglesia ang winasak, maraming gusali ng iglesia ang giniba, at maraming Kristiyano sa mga bahay-sambahan ang inaresto at inusig. Dumanas ng malupit at madugong pang-uusig ang mga iglesiang Kristiyano sa China …
Ang dokumentaryong ito ay matapat at inilalarawan nang walang pinapanigan ang tunay na mga karanasan sa pang-uusig na dinanas ng mga Kristiyanong Chinese sa mga kamay ng pamahalaang CCP. Ang mga Kristiyanong inusig sa pelikula ay mga tao mula sa iba’t ibang sekta at denominasyon na naghanap sa katotohanan, at narinig ang tinig ng Diyos at sa gayo’y nagsibalik sa Makapangyarihang Diyos. Tumahak sila sa tamang landas ng buhay, subalit galit na galit na pinag-aaresto sila ng pamahalaang CCP. Ang ilan sa kanila ay ibinilanggo, ang ilan ay pinahirapan sa anumang paraan, ang ilan ay namuhay bilang pugante na nahiwalay sa kanilang asawa’t mga anak, at ang ilan ay nalumpo o napatay pa dahil sa pang-aabuso. Ang dokumentaryong ito na napakaganda ng pagkakuha ay nagtatangkang muling isadula ang tunay na nangyari noong panahong iyon, at naglalaan ng malalim na pagninilay-nilay tungkol sa garapal na panghihimasok sa mga pananalig sa relihiyon at karapatang-pantao ng mga Kristiyanong Chinese. Ipinapakita sa atin nito ang tunay na buhay ng mga Kristiyanong Chinese at mga Kristiyanong pamilya upang mas maunawaan natin, gayundin bilang pagninilay-nilay—na bihirang makita nitong nakaraang mga taon—tungkol sa mga karanasan at damdamin ng mga Kristiyanong Chinese na inusig dahil sa kanilang pananampalataya.
🌳 Rekomendasyon:🌳
Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal
29 Abril 2018
Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Dalisay na Pag-ibig na Walang Dungis
Dalisay na Pag-ibig na Walang Dungis
Ang pag-ibig ay isang dalisay na damdamin,
dalisay na walang dungis.
Gamitin ang iyong puso,
sa pag-ibig at makaramdam at mangalaga.
Ang pag-ibig ay 'di nagtatakda ng mga kondisyon
o mga hadlang o agwat.
Gamitin ang 'yong puso,
sa pag-ibig at makaramdam at mangalaga.
Kung ikaw ay nagmamahal, 'di ka manlilinlang,
magrereklamo at tatalikod,
naghihintay ng kapalit.
Kung ikaw ay umiibig magpapakasakit ka,
tinatanggap ang hirap at makaisa ng Diyos sa pagkaayon.
27 Abril 2018
Ang Patotoo ng isang Cristiano | Natatanto na Tinatahak Ko ang Landas ng mga Fariseo
Natatanto na Tinatahak Ko ang Landas ng mga Fariseo
Wuxin Lungsod ng Taiyuan, Lalawigan ng Shanxi
Ang isang bagay na palagi nating tinatalakay noon sa mga nakaraang pagbabahaginan ay ang mga landas na nilakaran nina Pedro at Pablo. Sinasabing si Pedro ay nagtuon ng pansin sa pagkilala sa kanyang sarili at sa Diyos, at isang taong kinasihan ng Diyos, samantalang si Pablo ay nagtuon lamang ng pansin sa kanyang gawain, reputasyon at katayuan, at isang taong kinasuklaman ng Diyos. Palagi akong natatakot na tahakin ang landas ni Pablo, na dahilan kung bakit karaniwan ay madalas kong binabasa ang mga salita ng Diyos tungkol sa mga karanasan ni Pedro para makita kung paano niya nakilala ang Diyos. Pagkatapos pansamantalang mamuhay nang ganito, nadama kong naging mas masunurin ako kaysa dati, ang hangarin ko para sa reputasyon at katayuan ay naging malamlam, at bahagya ko pang nakilala ang sarili ko. Sa panahong ito, naniwala ako na kahit hindi ako lubusang nasa landas ni Pedro, masasabi na naabot ko ang gilid nito, at kahit paano ibig sabihin nito hindi ako papunta sa landas ni Pablo. Gayunman, mapapahiya ako ng mga pagbubunyag ng salita ng Diyos.
25 Abril 2018
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kanta ng Papuri | Ang Nagkatawang-taong Diyos Inaakay ang Tao sa Isang Bagong Kapanahunan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kanta ng Papuri | Ang Nagkatawang-taong Diyos Inaakay ang Tao sa Isang Bagong Kapanahunan
Winak'san ng nagkatawang-taong D'yos ang panahon
nang "ang likod lang ni Jehova ang nagpakita sa tao,"
at tinatapos ang kapanahunan ng paniniwala
sa malabong D'yos.
Gawain ng huling nagkatawang-taong D'yos
dalhin lahat ng sangkatauhan,
dalhin ang tao sa mas totoo,
mas praktikal, at mas mabuting panahon.
24 Abril 2018
Massimo Introvigne | Part 1 : How Chinese Regime Persecutes Christians—Lies and Violence
💎💎Recommendation:💎💎
How does the Church of Almighty God develop?
As is well known, the Chinese Communist Party (CCP) seized power through lies and violence, and it relies on lies and violence to maintain its power. The CCP’s rule is nothing but lies, violence, and murder. The CCP propagates atheism, regarding religion as the spiritual opium of the people. Christians preach the gospel and witness for God to carry out God’s will, but the CCP condemns such righteous deeds as abandoning and breaking up their families, and arrests and imprisons Christians on various false charges. In mainland China, Christians from various house churches, particularly from CAG, suffer brutal oppression and persecution for the sake of their religious belief, some of whom were left disabled or died. Many Christians have gone into exile and were rendered homeless with their families scattered. Countless Christian families have been thus broken! In this episode, we have invited Professor Massimo Introvigne, an Italian scholar of new religious movements, founder and managing director of Center for Studies on New Religions, to talk about why the CCP oppresses and persecutes The Church of Almighty God, whether the CCP’s accusations against The Church of Almighty God are true, and who is the main culprit behind the breakdown of Christian families, and so on. The truth will be uncovered, and the CCP’s cruel and evil essence against God that wins fame through deceiving the public and fights against justice will be exposed. Please stay tuned!
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)