Ang pagsisiyasat kung iyong isinasagawa ang pagkamatuwid sa lahat ng iyong ginagawa, at kung minamasdan ng Diyos lahat ng pagkilos mo, ay mga prinsipyo sa pag-uugali ng mga naniniwala sa Diyos. Tatawagin kayong matuwid dahil napalulugod ninyo ang Diyos, at dahil tinatanggap ninyo ang Kanyang pag-aalaga at proteksyon.
12 Mayo 2019
Pag-bigkas ng Diyos-Ang Masama ay Dapat Maparusahan
Ang pagsisiyasat kung iyong isinasagawa ang pagkamatuwid sa lahat ng iyong ginagawa, at kung minamasdan ng Diyos lahat ng pagkilos mo, ay mga prinsipyo sa pag-uugali ng mga naniniwala sa Diyos. Tatawagin kayong matuwid dahil napalulugod ninyo ang Diyos, at dahil tinatanggap ninyo ang Kanyang pag-aalaga at proteksyon.
11 Mayo 2019
Mga Pagbigkas ni Cristo-Yaong Mga Hindi Katugma ni Cristo ay Tiyak na Mga Kalaban ng Diyos
Ang lahat ng tao ay nais na makita ang tunay na mukha ni Jesus at nagnanais na makasama Siya. Naniniwala ako na wala sa mga kapatid na lalaki o kapatid na babae ang magsasabi na hindi niya gustong makita o makasama si Jesus. Bago ninyo nakita si Jesus, iyon ay, bago niyo pa nakita ang nagkatawang-taong Diyos, magkakaroon kayo ng maraming mga saloobin, halimbawa, tungkol sa hitsura ni Jesus, ang Kanyang paraan ng pagsasalita, ang Kanyang paraan ng pamumuhay, at iba pa.
10 Mayo 2019
Tagalog Gospel Songs-Nawa'y Mabatid Natin ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos
I
Namumuhay sa lupaing ito ng karumihan,
tayo'y malabis na inuusig ng malaking pulang dragon.
At nakabuo tayo ng pagkapoot para dito.
Hinahadlangan nito ang pag-ibig natin sa Diyos
at hinihikayat ang ating kasakiman
para sa 'ting mga pagkakataon sa hinaharap.
09 Mayo 2019
Tagalog Prayer Songs-Ang Panalangin ng Bayan ng Diyos
I
Nagbalik ang bayan ng Diyos sa harap ng Kanyang trono,
inaalay natin ang ating mga dalangin sa Diyos.
Nawa'y pagpalain ng Diyos
ang mga nananabik sa Kanyang pagpapakita,
na marinig nila ang Kanyang tinig sa lalong madaling panahon.
Nawa'y bigyang liwanag ng Diyos ang mga nagbabantay
at naghihintay na makita ang pagdating ng Manunubos.
08 Mayo 2019
Tagalog Christian Songs-Patotoo ng Buhay
I
Balang araw maaari akong mahuli
dahil sa pagpapatotoo sa Diyos,
alam ko sa puso ko na ang pagdurusang ito'y
alang-alang sa katuwiran.
Kung mamatay ako sa isang kisapmata,
ipagmamalaki ko pa rin na kaya kong sundan
si Cristo at patotohanan Siya sa buhay na ito.
07 Mayo 2019
Tanong 3: Sabi sa Biblia, “Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailan man” (1 Tesalonica 4:17). Paano natin ipaliliwanag ‘yon?
Sagot: Asamin natin ang pagbalik ng Panginoon batay sa mga propesiyang Siya Mismo ang nagsabi. ‘Yon ang pinaka-karaniwang paraan ng paghihintay sa pagbalik ng Panginoon. Sino ba ang talagang nagsabi niyan? Mga salita ba ‘yan ng Panginoon o mga salita ng mga tao? “Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin,” sino’ng nagsabi no’n?
06 Mayo 2019
Tanong 2: Hindi pa natin nasisiguro kung nasa lupa o nasa langit ang kaharian ng Diyos. Maraming beses nang nagsalita ang Panginoong Jesus ng “malapit na ang kaharian ng langit” at “Dumarating ang kaharian ng langit.” Kung “kaharian ng langit,” ibig sabihin nasa langit ‘yon. Pa’no ‘yon napunta sa lupa?
Sagot: Kailangang maging malinaw sa ‘ting lahat na ang “langit” ay laging tumutukoy sa Diyos. Ang “kaharian ng langit” ay malinaw na tumutukoy sa kaharian ng Diyos. Inihahayag din sa Pahayag, “ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao,” “Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo.” Ibig sabihin no’n, itatatag sa lupa ang kaharian ng Diyos.
05 Mayo 2019
Tanong 1: Matagal nang ipinangako sa atin ng Panginoon: “Ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon” (Juan 14:2-3). Nakapaghanda na ang Panginoon ng lugar para sa atin sa langit. Pagbalik niya, agad niya tayong iaakyat sa kaharian ng langit. Kung bumalik na ang Panginoon, bakit nasa lupa pa rin ang lahat ng Kanyang mga santo? Bakit hindi pa rin tayo nadadala?
Sagot: Naghanda ng lugar ang Panginoon para sa mga sumasampalataya sa kanya. Totoo ‘yon. Pero nasa lupa ba ang lugar na ‘yon o nasa langit? Hindi tayo nakakasiguro tungkol diyan. Iniisip nating nasa langit ang kaharian ng langit, pero ayon ‘yon sa sarili nating pagkaintindi at imahinasyon.
04 Mayo 2019
Mga Pagbigkas ni Cristo- Mga Klasikong Salita tungkol sa Gawain ng Paghatol at Pagkastigo ng Diyos sa mga Huling Araw
1. Ang gawain ng mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang lahat ayon sa kanilang uri, upang tapusin ang plano sa pamamahala ng Diyos, sapagka’t ang oras ay malapit na at ang araw ng Diyos ay nakárátíng na. Dinadala ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian, iyon ay, lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang sa katapusan, tungo sa kapanahunan ng Diyos Mismo.
03 Mayo 2019
Mga Klasikong Salita tungkol sa Paghahayag ng Diyos sa Gawain ng Kapanahunan ng Biyaya
32. Pagkatapos nito, noong Kapanahunan ng Biyaya, dumating si Jesus upang tubusin ang buong natisod na sangkatauhan (at hindi lamang ang mga Israelita). Nagpakita Siya ng awa at mapagmahal-na-kabaitan sa tao. Ang Jesus na nakita ng tao sa Kapanahunan ng Biyaya ay puno ng mapagmahal-na-kabaitan at laging mapagmahal sa tao, sapagka’t naparito Siya upang iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)