Ang mga Patotoo ng mga Mananagumpay | 3. Ginugol ang Kabataan Nang Walang Pagsisisi
Xiaowen Lungsod ng Chongqing
“Ang ‘pag-ibig’ ay tumutukoy sa isang damdamin na dalisay at walang kapintasan, kung saan ginagamit mo ang iyong puso upang magmahal, makaramdam, at maging maalalahanin. Sa pag-ibig walang mga kundisyon, walang mga balakid, at walang agwat. Sa pag-ibig walang paghihinala, walang pandaraya, at walang katusuhan. Sa pag-ibig walang agwat at walang karumihan” (“Dalisay na Pag-ibig na Walang Dungis” sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Itong himno ng salita ng Diyos ay minsang tinulungan akong malampasan ang sakit ng matagal at hindi matapos-tapos na buhay sa kulungan na tumagal ng 7 taon at 4 na buwan. Kahit pa ipinagkait sa akin ng gobyerno ng CCP ang pinakamagagandang taon ng aking kabataan, nakuha ko ang pinakamahalaga at tunay na katotohanan mula sa Makapangyarihang Diyos at samakatuwid wala akong mga reklamo o pagsisisi.