Nang maging tao ang PanginoongJesus sa Kapanahunan ng Biyaya, mukha siyang tao sa tingin, pero ginawa Niya ang gawain ng maipako sa krus at tubusin ang buong sangkatauhan. Sa mga huling araw, ipinahayag na ngMakapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanan para dalisayin at iligtas ang sangkatauhan at nagawa ang paghatol simula sa tahanan ng Diyos. ipinapakita nito ma amg Panginoong Jesus at ang Makapangyarihang Diyos ay parehong si Cristo sa katawang-tao, at ang Diyos Mismo. Kaya bakit inilalarawan ng CCP ang Panginoong Jesus at ang Makapangyarihang Diyos na karaniwang tao at tinatanggihan ang kabanalan ni Cristo? Hindi ba nakakatawa at nahihibang ang CCP?
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang Diyos ng mga huling araw ay pangunahing gumagamit ng salita upang gawing perpekto ang tao. Hindi Siya gumagamit ng mga tanda at mga kababalaghan upang apihin ang tao, o kumbinsihin ang tao; hindi nito maaaring gawing payak ang kapangyarihan ng Diyos. Kung nagpakita lamang ang Diyos ng mga tanda at mga kababalaghan, samakatwid magiging imposible na gawing payak ang realidad ng Diyos, at sa gayon imposibleng gawing perpekto ang tao. Hindi ginagawang perpekto ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng mga tanda at mga kababalaghan, subalit gumagamit ng salita upang diligin at pastulan ang tao, at pagkatapos nito ay makakamit ang ganap na pagkamasunurin ng tao at ang kaalaman ng tao sa Diyos. Ito ang layon ng gawaing ginagawa Niya at ang mga salitang winiwika Niya. Hindi ginagamit ng Diyos ang paraan ng pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan upang gawing perpekto ang tao—gumagamit Siya ng mga salita, at gumagamit nang maraming iba-ibang mga paraan ng gawain upang gawing perpekto ang tao. Maging ito man ay ang kapinuhan, pakikitungo, pagpupungos, o pagbibigay ng mga salita, ang Diyos ay nagwiwika mula sa maraming iba-ibang perspektibo upang gawing perpekto ang tao, at upang bigyan ang tao ng mas malaking kaalaman sa gawain, karunungan at pagka-kamangha-mangha ng Diyos. Kapag ang tao ay naging kumpleto na sa panahon na tinatapos ng Diyos ang kapanahunan sa mga huling araw, magiging kwalipikado siya na tumingin sa mga tanda at mga kababalaghan.”
Ang karaniwang kaalaman na ang Kristiyanismo, Katolisismo, at Eastern Orthodox Church ay pawang mga relihiyon na nananalig sa Panginoong Jesucristo. Nabuo ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Cristo ng mga huling araw. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang iglesia ni Cristo sa Kapanahunan ng Kaharian, at bahagi rin ng Kristiyanismo. Kaya bakit ikinakaila ng Chinese Communist Party na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay isang iglesiang Kristiyano? Ano ba talaga ang Kristiyanismo?
Sabi ng PanginoongJesus, “Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal” (Marcos 16:15). Ang pagkakalat ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos ay isang mabuti at matuwid na gawa ng mga Kristiyano. Ngunit malupit na inaaresto at pinahihirapan ng Chinese Communist Party ang mga Kristiyano, na humantong sa pagkasira ng maraming pamilya, ang ilan ay wala nang tahanang maaaring balikan, at maraming naaresto at nakulong. Ang ilan ay pinahirapan pa hanggang sa mamatay, pero patuloy na binaligtad ng CCP ang katotohanan, na sinasabi na nasira ang kanilang pamilya dahil sa kanilang pananalig sa Diyos. sino ang tunay na salarin sa pagkasira ng napakaraming pamilyang mga Kristiyano?
Mula nang hibang na pahirapan ng CCP ang mga Kristiyano at kailangan pa nilang makita kung pupuksain ito ng Diyos, maraming hindi naniwala na ang pagkalaban sa Diyos ay hahantong sa paghihiganti o parusa, at lalong hindi sila naniniwala na mayroong Diyos o na Siya ang namamahala. May batayan ba sa katotohanan ang pananaw na ito? Naaayon ba ito sa mga tunay na pangyayari sa gawain ng Diyos?
Pagkatapos ng nangyari sa Zhaoyuan noong Mayo 28 sa Shandong na nakagulat kapwa sa China at sa iba pang mga bansa, nang litisin ng CCP ang kaso, malinaw na ipinagtapat ng mga sangkot na hindi sila mga miyembro ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Gayunman, ipinilit pa rin ng CCP na tukuyin silang mga tao na kabilang sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ano ang motibo nila? Anong klaseng pakana ang nasa likod ng kasong ito?
Mula nang magkaroon ng kapangyarihan, walang-tigil nang sinugpo at pinagmalupitan ng Chinese Communist Party ang mga paniniwala sa relihiyon, at hayagan pang binansagan ang Kristiyanismo at Katolisismo na mga kulto at tinawag na babasahing pangkulto ang Biblia. Sa pagdaan ng mga taon, nagpapatotoo na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyossa pagbalik ng PanginoongJesus, at hinatulan din ito ng CCP na isang kulto. Ang CCP ay isang ateistang partido. Isa itong napakasamang rehimen na kaaway ng Diyos, kaya paano ito nagkaroon ng karapatang magsabi na ang anumang partikular na relihiyon ang tunay na daan, o isang kulto? Paano maiintindihan ng isang tao kung ano talaga ang kulto?
Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Gumagawang Tahimik ang Diyos sa Katawang-tao Upang Iligtas ang Sangkatauhan
I
Ang D'yos naging katawang-tao,
nanatiling nakatago sa tao
upang gawin ang bagong gawain,
iligtas tayo sa kasamaan.
'Di Siya nagbibigay ng paliwanag.
Sa mga planong nagawa N'ya,
ginagawa Kanyang gawain paisa-isang hakbang.
Mga salita N'ya'y nadaragdagan araw-araw,
umaaliw, nagpapaalala, sumasaway, at nagbababala.
Mula sa mahinahon at mabait sa mabangis at makahari,
mga salita N'ya'y ikinikintal kahabaga't takot.
Lahat ng sinasabi N'ya'y inihahayag malalalim nating lihim.
Mga salita Niya'y tagos sa'tin at napapahiya tayo.
Mayroong walang katapusang tustos
ng Kanyangbuhay na tubig.
At salamat sa Kanya,
namumuhay tayong kasama ang D'yos nang harapan.
Ang D'yos naging katawang-tao,
nanatiling nakatago sa tao
upang gawin ang bagong gawain,
iligtas tayo sa kasamaan.
'Di Siya nagbibigay ng paliwanag.
Sa mga planong nagawa N'ya,
ginagawa Kanyang gawain paisa-isang hakbang.