Noong dumating Ako mula sa Sion, hinihintay Ako ng lahat ng mga bagay, at noong bumalik Ako sa Sion, binati Ako ng lahat ng mga tao. Sa pagdating at paglisan Ko, hindi kailanman nahadlangan ng mga may galit sa Akin ang Aking mga hakbang, kaya umusad nang maayos ang Aking gawain. Ngayon, kapag dumarating Ako sa kalagitnaan ng lahat ng mga nilalang, binabati Ako ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng katahimikan, napakalalim ang takot nila na Ako’y muling lilisan at aalisin ang kanilang suporta. Sinusunod ng lahat ng mga bagay ang Aking patnubay, at minamatyagan ng lahat ang direksyong ipinahihiwatig ng Aking kamay. Maraming mga nilalang ang ginawang perpekto ng mga salita na nagmumula sa Aking bibig at maraming anak ng kasuwailan ang nakastigo. Kaya, nakatitig ang lahat ng mga tao sa Aking mga salita, at maingat na nakikinig sa mga pagbigkas mula sa Aking bibig, at matindi ang takot na mapalampas nila ang magandang pagkakataon na ito. Sa kadahilanang ito kung bakit nagpatuloy Ako sa pagsasalita, upang matupad ang Aking gawain nang mas mabilis, at upang mas maaga ang paglitaw ng mga nakalulugod na kondisyon sa mundo at malunasan ang mga eksena ng pagkatiwangwang sa mundo. Kapag tumingin Ako sa kalangitan at kapag haharapin Ko muli ang sangkatauhan; agad na mapupuno ang mga lupain ng buhay, hindi na kakapit ang alikabok sa hangin, at hindi na mababalot ng putik ang lupa. Agad magliliwanag ang Aking mga mata, kaya titingala sa Akin ang mga tao mula sa lahat ng mga lupain at manganganlong sila sa Akin. Sa mga tao sa mundo ngayon—kabilang na ang lahat ng mga nasa Aking sambahayan—sino ang tunay na nanganganlong sa Akin? Sino ang nagbibigay ng kanilang puso bilang kapalit ng halaga na Aking binayaran? Sino na ang nanahan sa Aking sambahayan? Sino na ang tunay na naghandog ng kanilang mga sarili sa Aking harapan? Kapag gumawa Ako ng mga pangangailangan sa tao, kaagad niyang isinasara ang kanyang “maliit na kamalig.” Kapag nagbibigay Ako sa tao, agad niyang binubuksan ang kanyang bibig upang lihim na makuha ang Aking mga kayamanan, at madalas siyang nanginginig sa kanyang puso, sa lalim ng takot niyang gagantihan Ko siya. Kaya ang bibig ng tao ay kalahating bukas at kalahating sarado, at wala siyang kakayahang tunay na tamasahin ang mga kasaganaan na ipinagkakaloob Ko. Hindi Ko pinarurusahan agad ang tao, ngunit palagi niya Akong kinokontrol at hinihiling na ipagkaloob Ko ang awa sa kanya; ipinagkakaloob Ko lamang muli ang awa sa tao kapag nagsusumamo siya sa Akin, at ipinahahayag Ko sa kanya ang pinakamalupit na salita ng Aking bibig, para agad siyang makakaramdam ng hiya, at, dahil wala siyang kakayahang tanggapin nang direkta ang Aking “awa,” sa halip ay hinahayaan niya na lang na ipasa ito sa kanya ng iba. Kapag lubusan niyang naunawaan ang lahat ng Aking mga salita, nagiging akma ang tayog ng tao sa mga kagustuhan Ko, at ang mga pagsusumamo niya ay nagiging mabunga at hindi na walang kabuluhan o walang saysay; pinagpapala Ko ang mga taos-puso at hindi mapagkunwaring pagsusumamo ng sangkatauhan.
Nadarama ng karamihan sa mga nananalig sa Panginoon na basta’t sinusunod natin ang mga salita ng Panginoon, nagpapakumbaba tayo at nagtitiyaga, at sinusunod natin ang halimbawa ni Pablo sa pagsasakripisyo, paggugol at pagsisikap para sa Panginoon, mabibigyang-kasiyahan natin ang kalooban ng Diyos. At dadalhin tayo sakaharian sa langit pagbalik ng Panginoon. Gayunman, napag-isip-isip na ba natin kung talagang makakamit ng paghahanap na ito ang papuri at pagtanggap ng Panginoon sa kaharian sa langit? Kung hindi, paano natin dapat pagsikapang matamo ang papuri ng Panginoon at madala sa kaharian sa langit?
Pag-bigkas ng Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Pagpapatuloy ng Unang Bahagi)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nakikita ng Diyos ang halimbawang ito sa pamamahala ng sangkatauhan, sa pagliligtas sa mga tao, bilang higit na mahalaga kaysa anupaman. Ginagawa Niya ang mga bagay na ito hindi lamang sa Kanyang isip, o hindi lamang sa Kanyang mga salita, at sadyang hindi Niya isinasagawa ito nang basta-basta—ginagawa Niya ang lahat ng mga bagay na ito ayon sa isang plano, ayon sa isang layunin, ayon sa mga panuntunan, at ayon sa Kanyang kalooban. Maliwanag na ang gawaing ito na mailigtas ang mga tao ay nagtataglay ng malaking kahalagahan kapwa sa Diyos at sa tao. Kahit na gaano kahirap ang gawain, gaano man kalaki ang mga hadlang, gaano man kahihina ang mga tao, o gaano man kalalim ang suwail ng tao, wala sa mga ito ang mahirap para sa Diyos. Pinananatiling abala ng Diyos ang Sarili Niya, ginugugol ang Kanyang maingat na pagsisikap at pinamamahalaan ang gawain na Siya Mismo ay gustong ipatupad. Isinasaayos din Niya ang lahat, at pinamamahalaan ang lahat ng mga tao at ang gawain na nais Niyang makumpleto—wala sa mga ito ang ginawa noong una. Ito ang unang pagkakataon na ginamit ng Diyos ang mga pamamaraang ito at nagbayad ng isang malaking halaga para sa proyektong ito sa pamamahala at pagliligtas sa sangkatauhan. Habang ipinatutupad ng Diyos ang gawaing ito, unti-unti Niyang ipinahahayag sa mga tao nang walang pag-aatubili ang Kanyang mahirap na gawain, kung ano ang mayroon at kung ano Siya, ang Kanyang karunungan at pagiging makapangyarihan, at ang bawat aspeto ng Kanyang disposisyon. Walang pasubali Niyang ibinubunyag ang lahat ng ito sa sangkatauhan nang paunti-unti, ibinubunyag at ipinapahayag ang mga bagay na ito sa paraang hindi Niya kailanman ginawa noong una."
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nakikita ng Diyos ang halimbawang ito sa pamamahala ng sangkatauhan, sa pagliligtas sa mga tao, bilang higit na mahalaga kaysa anupaman. Ginagawa Niya ang mga bagay na ito hindi lamang sa Kanyang isip, o hindi lamang sa Kanyang mga salita, at sadyang hindi Niya isinasagawa ito nang basta-basta—ginagawa Niya ang lahat ng mga bagay na ito ayon sa isang plano, ayon sa isang layunin, ayon sa mga panuntunan, at ayon sa Kanyang kalooban. Maliwanag na ang gawaing ito na mailigtas ang mga tao ay nagtataglay ng malaking kahalagahan kapwa sa Diyos at sa tao. Kahit na gaano kahirap ang gawain, gaano man kalaki ang mga hadlang, gaano man kahihina ang mga tao, o gaano man kalalim ang suwail ng tao, wala sa mga ito ang mahirap para sa Diyos. Pinananatiling abala ng Diyos ang Sarili Niya, ginugugol ang Kanyang maingat na pagsisikap at pinamamahalaan ang gawain na Siya Mismo ay gustong ipatupad. Isinasaayos din Niya ang lahat, at pinamamahalaan ang lahat ng mga tao at ang gawain na nais Niyang makumpleto—wala sa mga ito ang ginawa noong una. Ito ang unang pagkakataon na ginamit ng Diyos ang mga pamamaraang ito at nagbayad ng isang malaking halaga para sa proyektong ito sa pamamahala at pagliligtas sa sangkatauhan. Habang ipinatutupad ng Diyos ang gawaing ito, unti-unti Niyang ipinahahayag sa mga tao nang walang pag-aatubili ang Kanyang mahirap na gawain, kung ano ang mayroon at kung ano Siya, ang Kanyang karunungan at pagiging makapangyarihan, at ang bawat aspeto ng Kanyang disposisyon. Walang pasubali Niyang ibinubunyag ang lahat ng ito sa sangkatauhan nang paunti-unti, ibinubunyag at ipinapahayag ang mga bagay na ito sa paraang hindi Niya kailanman ginawa noong una."
Christian Video | The Best Decision of My Entire Life—Accepting Almighty God's Work of the Last Days
Since Almighty God began His work of the last days in China, more and more people have come to spread and bear witness to His words. Almighty God’s end-time work long ago expanded outside of China’s borders, and His words have been translated into many different languages and published online. More and more of those who truly believe in God and long to seek the truth are investigating Almighty God’s work, and many want to gain an understanding of The Church of Almighty Godand God’s work in the last days. In response to audience requests, in this episode two American Christians, Mr. and Mrs. Schmidt from The Church of Almighty God, share their stories of coming to believe in Almighty God as well as what they have experienced and reaped within the Church.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sa isang banda, tinatanggal ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa noong mga huling araw ang lugar na pinanghahawakan ng malabong Diyos sa pagkaintindi ng tao, kaya naman wala na ang imahe ng walang katiyakang Diyos sa puso ng tao. Gamit ang Kanyang aktwal na salita at aktwal na gawa, kumilos Siya sa buong lupain, at ang gawaing Kanyang isinakatuparan kasama ng tao ay natatanging totoo at normal, nang sa gayon ang tao ay ganap na maunawaan ang katotohanan ng Diyos, at mawala nang tuluyan ang malabong Diyos sa puso ng tao. Sa kabilang banda, ginagamit ng Diyos ang mga salita na winika ng Kanyang katawang-tao upang gawing kumpleto ang tao, at upang maisakatuparan ang mga bagay-bagay. Ito ang gawain ng Diyos na Kanyang isasakatuparan sa mga huling araw.”
I Sangkatauhan, na namumuhay sa lahat ng bagay, ay tiniwali at nalinlang ni Satanas, ngunit di pa rin n'ya makakayang wala ang tubig na ginawa ng Diyos, at ang hangin at lahat ng mga bagay na likha ng Diyos. Ang sangkatauhan ay nabubuhay pa at nagpapalaganap sa puwang na ito na nilikha ng Diyos.
Magmula noong maliit siya, naniwala si Novo sa Panginoong Jesus, tulad ng kanyang ina. Kahit na madalas siyang nagbabasa ng Biblia, nagdarasal, at dumadalo sa mga sermon, madalas niyang hindi mapigilang sundan ang mga masasamang kalakaran ng mundo, hanapin ang mga kasayahan ng laman, at magsinungaling at mandaya … Maraming beses siyang nagpasyang iwaksi ang buhay na paulit-ulit sa pagkakasala at pangungumpisal, pangungumpisal at pagkakasala. Subalit, palagi siyang nabibigo. Paglaon, noong nagtatrabaho si Novo sa Taiwan, narinig niya ang ebanghelyo ng kaharian, at sa pamamagitan ng pagbabasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos naisip niya na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, at na ang Kanyang gawain ng paghatol at pagpapadalisay sa mga huling araw ay ganap na makakayang lutasin ang problema ng makasalanang kalikasan ng sangkatauhan. Kaya tinanggap niya ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw nang may pusong puno ng galak. Pagkalipas ng dalawang taon, bumalik si Novo sa Pilipinas at sinimulang tuparin ang kanyang tungkulin sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Natagpuan niya ang kanyang layunin at direksyon sa buhay, at magmula noon nakauwi na sa wakas ang kanyang pagala-galang puso.
Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga’t nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos! Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.
Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw, Ikaw ay Manunubos na nagbalik. Ikaw ay nangungusap sa lahat ng tao, gamit ang katotohanan upang hatulan at dalisayin sila. Ang Iyong mga salita ay puno ng awtoridad at kapangyarihan, nagdadalisay sa tiwaling disposisyon ng tao Ang Iyong mga salita ay naghahayag ng pagkamakapangyarihan, at mas higit ang pagkamatuwid ng Diyos. Ang salita ng Diyos ay humahatol sa dating mundo, humahatol sa lahat ng bayan at lahat ng mga tao. ang mga salita ng Diyos ay nakakamit lahat, at tuluyan na Niyang nalupig si Satanas. Purihin ang Diyos, purihin ang Diyos. O Makapangyarihang Diyos, Ikaw ay lubos na maluwalhati! Ang Iyong mga gawa ay nakakapanggilalas! Lahat ng bayan at lahat ng mga tao ay tumatalon sa tuwa.