Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung nais ninyong maglingkod sa kalooban ng Diyos, dapat muna ninyong maunawaan kung anong uri ng mga tao ang minamahal ng Diyos, kung anong uri ng mga tao ang kinamumuhian ng Diyos, kung anong uri ng mga tao ang ginagawang perpekto ng Diyos, at kung anong uri ng mga tao ang karapat-dapat maglingkod sa Diyos. Ito man lang ang dapat na mayroon kayo. Dagdag pa rito, dapat ninyong malaman ang mga hangarin ng gawa ng Diyos, at ang gawa ng Diyos na gagawin dito at ngayon. Matapos unawain ito, at sa pamamagitan ng paggabay ng mga mga mga salita ng Diyos, kailangan muna ninyong pumasok, at unang tumanggap ng komisyon ng Diyos. Kapag aktwal kayong dumanas batay sa mga salita ng Diyos, at kapag tunay ninyong alam ang gawa ng Diyos, kayo ay magiging karapat-dapat sa paglilingkod sa Diyos. At kapag kayo ay naglilingkod sa Kanya, iminumulat ng Diyos ang inyong mga mata, at nagpapahintulot sa inyo na magkaroon ng isang mas higit na pang-unawa ng Kanyang gawa at mas malinaw itong makikita. Kapag pumasok ka sa katotohanan, ang iyong mga karanasan ay mas magiging malalim at tunay, at ang lahat sa inyo nagkaroon ng ganoong karanasan ay maaaring maglakad kabilang ang mga iglesia at maglaan sa inyong mga kapatid, ang bawat isa ay pinagmumulan ng lakas ng iba upang punan ang inyong sariling kakulangan, at nagkakaroon ng isang mas mayamang kaalaman sa inyong mga espiritu. Matapos makamit ang epektong ito, saka lamang kayo maaaring maglingkod sa kalooban ng Diyos at gawing perpekto ng Diyos sa kurso ng inyong serbisyo."
09 Agosto 2018
Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus | "Paano Maglingkod Ayon sa Kalooban ng Diyos"
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung nais ninyong maglingkod sa kalooban ng Diyos, dapat muna ninyong maunawaan kung anong uri ng mga tao ang minamahal ng Diyos, kung anong uri ng mga tao ang kinamumuhian ng Diyos, kung anong uri ng mga tao ang ginagawang perpekto ng Diyos, at kung anong uri ng mga tao ang karapat-dapat maglingkod sa Diyos. Ito man lang ang dapat na mayroon kayo. Dagdag pa rito, dapat ninyong malaman ang mga hangarin ng gawa ng Diyos, at ang gawa ng Diyos na gagawin dito at ngayon. Matapos unawain ito, at sa pamamagitan ng paggabay ng mga mga mga salita ng Diyos, kailangan muna ninyong pumasok, at unang tumanggap ng komisyon ng Diyos. Kapag aktwal kayong dumanas batay sa mga salita ng Diyos, at kapag tunay ninyong alam ang gawa ng Diyos, kayo ay magiging karapat-dapat sa paglilingkod sa Diyos. At kapag kayo ay naglilingkod sa Kanya, iminumulat ng Diyos ang inyong mga mata, at nagpapahintulot sa inyo na magkaroon ng isang mas higit na pang-unawa ng Kanyang gawa at mas malinaw itong makikita. Kapag pumasok ka sa katotohanan, ang iyong mga karanasan ay mas magiging malalim at tunay, at ang lahat sa inyo nagkaroon ng ganoong karanasan ay maaaring maglakad kabilang ang mga iglesia at maglaan sa inyong mga kapatid, ang bawat isa ay pinagmumulan ng lakas ng iba upang punan ang inyong sariling kakulangan, at nagkakaroon ng isang mas mayamang kaalaman sa inyong mga espiritu. Matapos makamit ang epektong ito, saka lamang kayo maaaring maglingkod sa kalooban ng Diyos at gawing perpekto ng Diyos sa kurso ng inyong serbisyo."
Ang tinig ng Diyos | Pakahulugan sa Ikalabing-isang Pagbigkas
Sa mismong mata lang ng tao, lumilitaw na tila walang pagbabago sa mga pagbigkas ng Diyos sa panahong ito, na dahil hindi kayang maunawaan ng mga tao ang mga tuntunin kung saan nagsasalita ang Diyos, at hindi nauunawaan ang nilalaman ng Kanyang mga salita. Pagkabasa ng mga salita ng Diyos, hindi naniniwala ang mga tao na may anumang bagong mga hiwaga sa mga salitang ito; kaya, hindi nila kayang mamuhay ng mga buhay na di-pangkaraniwang sariwa, at sa halip namumuhay ng mga buhay na walang pag-unlad at walang buhay. Pero sa mga pagbigkas ng Diyos, nakikita natin na may mas malalim na antas ng kahulugan, isa na kapwa di-maarok at di-maabot ng tao. Ngayon, para maging sapat na mapalad ang tao upang mabasa ang gayong mga salita ng Diyos ay ang pinaka-dakila sa lahat ng mga pagpapala. Kung walang magbabasa ng mga salitang ito, mananatiling mapagmataas kailanman ang tao, matuwid-sa-sarili, di-kilala ang sarili niya, at di-batid kung gaano karami na ang mga kamaliang mayroon siya. Pagkabasa ng malalim, di-maarok na mga salita ng Diyos, lihim na humahanga ang mga tao sa mga ito, at mayroong totoong pananalig sa kanilang mga puso, walang bahid ng kabulaanan; nagiging tunay na kalakal ang kanilang mga puso, hindi mga pekeng paninda. Ito talaga ang nangyayari sa mga puso ng mga tao. Lahat ay mayroong kanilang sariling salaysay sa kanilang puso. Parang sinasabi nila sa kanilang sarili: Mas malamang sinabi ito ng Diyos Mismo—kung hindi ang Diyos, sino pa ang makabibigkas ng gayong mga salita? Bakit hindi ko masabi ang mga ito? Bakit hindi ko kayang makagawa ng gayong gawain? Waring ang nagkatawang-taong Diyos na totoong sinasabi ng Diyos ay tunay, at ang Diyos Mismo! Hindi na ako magdududa. Kung hindi, malamang na kapag dumating ang kamay ng Diyos, magiging huli na ang lahat para sa pagsisisi! … Ito ang iniisip ng karamihan ng mga tao sa kanilang mga puso. Makatarungan sabihin na, mula kung kailan nagumpisang magsalita ang Diyos hanggang ngayon, magtatalikwas ang lahat ng tao nang walang suporta ng salita ng Diyos. Bakit sinasabi na gawa ng Diyos Mismo ang lahat ng gawaing ito, at hindi ng tao? Kung hindi gumamit ang Diyos ng mga salita upang suportahan ang buhay ng iglesia, mawawala lahat na parang bula. Hindi ba ito ang kapangyarihan ng Diyos? Ito ba’y talagang kahusayang magsalita ng tao? Ito ba’y mga pambihirang talento ng tao? Siguradong hindi! Kung walang pagsusuri, walang makakaalam kung ano’ng uri ng dugo ang nananalaytay sa kanilang mga ugat, hindi nila mababatid gaano karaming puso mayroon sila, o gaano karaming utak, at mag-iisip ang lahat na kilala nila ang Diyos. Hindi ba nila alam na may pagsalungat pa ring nakapaloob sa kanilang kaalaman? Hindi nga kataka-taka na sinasabi ng Diyos, “Ang bawat tao sa sangkatauhan ay dapat tanggapin ang pagmamasid ng Aking Espiritu, dapat siyasating mabuti ang kanilang bawat salita at gawa, at, higit pa rito, ay dapat tumingin sa Aking nakakamanghang gawa.” Makikita mula rito na hindi walang layon at walang basehan ang mga salita. Hindi kailanman pinakitunguhan ng Diyos ang sinuman nang di-makatarungan; maging si Job, na may buong pananampalatay niya, ay hindi pinakawalan—siya rin ay sinuri, at iniwang walang mapagtaguan mula sa kanyang kahihiyan. At iyan ay hindi na kailangang banggitin ang mga tao ngayon. Kaya, kaagad nagtatanong ang Diyos: “Ano ang inyong pakiramdam sa oras ng pagdating ng kaharian sa lupa?” Hindi gaanong mahalaga ang tanong ng Diyos, pero nangatitilihan ang mga tao: Ano ang nararamdaman namin? Hindi pa rin namin alam kung kailan darating ang kaharian, kaya paano kami makapagusap tungkol sa mga damdamin? Higit pa, wala kaming pahiwatig. Kung may mararamdaman akong anuman, magiging “nagilalas,” at wala nang iba pa. Sa katunayan, hindi layon ng mga salita ng Diyos ang tanong na ito. Higit sa lahat, “Nang umagos ang Aking mga anak at tao sa Aking trono, pormal Kong sinisimulan ang paghatol sa harap ng malaking puting trono,” binubuod ng nag-iisang pangungusap na ito ang mga pagsulong ng buong espirituwal na kaharian. Walang nakaaalam kung ano ang gustong gawin ng Diyos sa espirituwal na kaharian sa panahon ngayon, at matapos lang binibigkas ng Diyos ang mga salitang ito nagkakaroon ng isang katiting na pagpukaw sa mga tao. Dahil may iba’t ibang hakbang sa gawain ng Diyos, nagkakaiba-iba rin ang gawain ng Diyos sa buong sansinukob. Sa panahong ito, pangunahing inililigtas ng Diyos ang mga anak at ang bayan ng Diyos, na ang ibig sabihin ay, pinagpapastulan ng mga anghel, nagsisimulang tanggapin ng mga anak at ng bayan ng Diyos ang pagiging pinakikitunguhan at binasag, opisyal nilang sinisimulang pawiin ang kanilang mga kaisipan at pagkaintindi, at nagpapaalam sa mga pamamaraan ng mundo; sa ibang salita, ang “paghatol sa harap ng malaking puting trono” na binanggit ng Diyos ay opisyal na nagsisimula. Dahil paghatol ito ng Diyos, dapat bumigkas ng Kanyang tinig ang Diyos—at kahit na nagkakaiba-iba ang nilalaman, palaging pareho ang layon. Ngayon, batay sa tono kung saan nagsasalita ang Diyos, tila nakatuon ang Kanyang mga salita sa isang partikular na grupo ng mga tao. Sa katunayan, higit sa lahat, nakapatungkol ang mga salitang ito sa kalikasan ng buong sanglibutan. Direkta nitong ginugutay ang gulugod ng tao, hindi nagpipigil ang mga itona makasakit ng damdamin ng tao, at ibinubunyag ng mga ito ang kabuuan ng kanyang pinakadiwa, walang itinitira, hindi hinahayaang makalusot ang anuman. Simula ngayon, opisyal na ibinubunyag ng Diyos ang totoong mukha ng tao, at kaya “pinakakawalan ang tinig ng Aking Espiritu sa buong sansinukob.” Ang epektong sukdulang natatamo ay “Sa pamamagitan ng Aking mga salita, lilinisin Ko ang lahat ng mga tao at mga bagay kasamang lahat ng nasa langit at sa lupa, upang ang lupain ay hindi na marumi at may kahalayan, ngunit isang banal na kaharian.” Ihinaharap ng mga salitang ito ang hinaharap ng kaharian, na buong-buong kaharian ni Cristo, tulad ng sinabi ng Diyos, “Mabuting bunga ang lahat, masisigasig na magbubukid ang lahat.” Siyempre, magaganap ito sa buong sansinukob, at hindi lang limitado sa Tsina.
08 Agosto 2018
Tagalog Christian Gospel Video | "Ang Iglesia ng Three-Self Ang Aking Payong" (Tagalog Dubbed)
Isang araw, nadakip ng Komunistang pamahalaan ng China ang maraming Kristiyano ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos mula sa isang partikular na lokasyon sa kalaliman ng gabi. Ang bagay na ito ay nagdulot ng kaguluhan sa lokal na lugar. Nagpasimula ito ng mga talakayan sa pagitan ng mga miyembro ng Iglesia ng Three-Self. Ilang tao ang naniwala na ang Kidlat sa Silanganan ay nagdusa sa malupit na pagsupil at pag-uusig ng Komunistang pamahalaan ng China. Napakamapanganib na maniwala sa Kidlat ng Silanganan, at pinakaligtas na maniwala sa Iglesia ng Three-Self. Hindi sila magdurusa ng paghihirap at magagawa nilang pumasok sa kaharian ng langit. Naniwala ang ibang mga tao na ang Kidlat ng Silanganan ang siyang tunay na daan, ngunit masyadong mabagsik ang kinakaharap nitong pag-uusig at aresto. Kung maniniwala sila, inisip nila na mas mabuting maniwala nang palihim. Sa sandaling matutumba ang Komunistang pamahalaan ng China, malaya na silang maniniwala sa Makapangyarihang Diyos. Inimbestigahan ng ilang tao ang Kidlat ng Silanganan ngunit naniwala sila na ikinakalat ng Kidlat ng Silanganan ang ebanghelyo at sumasaksi sa Panginoon nang walang pagsasaalang-alang sa buhay o kamatayan at na sila ay pinupuri ng Diyos. Inisip nila na ang mga taong nagtatago sa loob ng Iglesia ng Three-Self ay mga taong duwag na inaanod sa buhay nang walang layunin at na hindi sila karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit. … Pagkatapos ng mainit na talakayang ito, nalaman ba ng lahat kung anong uri ng mga tao ang pinupuri ng Panginoon at kung ang mga natatakot ba ay makakapasok sa kaharian ng langit?
06 Agosto 2018
Tagalog Christian Praise Song | "Ang Pag-ibig ng Diyos ang Nagbubuklod Sa Atin" | God With Us
na karagatan at kabundukan,
iisa tayong lahat, walang anumang hadlang sa atin,
iba't iba man tayo ng kulay at iba't iba ang ating wika.
Dahil sa tawag sa atin
ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos,
naitaas tayo sa harapan ng trono ng Diyos.
I
Kahit pinaghiwalay ng di-mabilang
na karagatan at kabundukan,
iisa tayong lahat, walang anumang hadlang sa atin,
iba't iba man tayo ng kulay at iba't iba't ang ating wika.
Dahil sa tawag sa atin
ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos,
naitaas tayo sa harapan ng trono ng Diyos.
May isang matanda, kulay puti na ang buhok,
at isang batang, malakas at masigla.
Magkahawak-kamay, at magkaakbay,
magkasama nating sinusuong ang hangin at ulan,
pinalalakas ang loob ng isa't isa sa gitna ng kahirapan.
Sa iisang isipan, matutupad natin ang ating tungkulin.
Konektado ang ating mga puso,
naging magkasangga tayo sa buhay,
Ang pag-ibig ng Diyos ang nagbubuklod sa atin.
Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang kabuuang gawain sa loob ng 6,000 taon ay unti-unting nagbago kasabay ng panahon. Ang mga pagbabago sa gawaing ito ay naganap ayon sa kalagayan ng buong mundo. Ang gawaing pamamahala ng Diyos ay nagbago lang nang unti-unti ayon sa pagsulong ng sangkatauhan sa kabuuan; hindi pa ito binalak sa simula ng paglikha......Ang lahat ng Kanyang gawain ay ang pinaka-aktwal na gawain. Isinasagawa Niya ang Kanyang gawain ayon sa pagsulong ng panahon, at isinasagawa Niya ang karamihan sa Kanyang pinaka-aktwal na gawain ayon sa mga pagbabago ng mga bagay. Para sa Kanya, ang pagsasagawa ng gawain ay tulad ng pangangasiwa ng gamot sa isang sakit; Siya’y nagmamasid habang ginagawa ang Kanyang gawain; Siya ay gumagawa ayon sa mga nasubaybayan Niya. Sa bawat yugto ng Kanyang gawain, Siya ay may kakayahang magpahayag ng Kanyang sapat na karunungan at magpahayag ng Kanyang sapat na kasanayan; ibinubunyag Niya ang Kanyang sapat na karunungan at sapat na awtoridad ayon sa gawain ng bukod-tanging kapanahunan na iyon at hinahayaan ang alinman sa mga tao na Kanyang ibinalik sa mga kapanahunang iyon na makita ang Kanyang buong disposisyon. Tinutustusan Niya ang mga pangangailangan ng mga tao at isinasagawa ang gawain na kailangan Niyang gawin ayon sa mga kailangang isagawa sa bawat kapanahunan; tinutustusan Niya ang mga pangangailangan ng mga tao ayon sa antas kung saan sila ay ginawang tiwali ni Satanas."
05 Agosto 2018
Pakahulugan sa Ikasampung Pagbigkas | Ang tinig ng Diyos
Sa panahon ng pagtatayo ng iglesia, halos hindi nabanggit ng Diyos ang pagtatayo ng kaharian. Kahit na nang banggitin Niya, ginawa Niya sa pananalita ng panahon ng pagtatayo ng iglesia. Nang dumating ang Kapanahunan ng Kaharian, tinanggal ng Diyos ang ilang pamamaraan at mga kapakanan sa panahon ng pagtatayo ng iglesia sa isang kampay at hindi na kailanman nagsabi kahit isang salita tungkol dito. Ito mismo ang pangunahing kahulugan ng “Diyos Mismo” na laging bago at hindi luma kailanman. Gaano man kagaling maaaring nagawa ang mga bagay-bagay sa nakalipas, kung tungkol sa pagiging bahagi ang mga ito ng isang nakalipas na panahon, pinagsasama ng Diyos ang gayong mga bagay-bagay bilang dumarating sa panahon bago ang Cristo, samantalang kinikilala ang kasalukuyang panahon bilang “pagkatapos ng Cristo.”[a] Hinggil dito, maituturing na ang pagtatayo ng iglesia bilang kinakailangang nauna sa pagtatayo ng kaharian. Naglatag ito ng pundasyon para gamitin ng Diyos ang Kanyang pinakamataas na kapangyarihan sa kaharian. Ngayon, anino na lang ang gawain ng pagtatayo ng iglesia sa harap ng pagtatayo ng kaharian, na ito ang pangunahing pinagtutuunan ng gawain ng Diyos sa lupa. Inihanda ng Diyos ang lahat ng detalye ng Kanyang gawain bago natapos ang gawain ng pagtatayo ng iglesia, and at nang dumating ang tamang panahon, inilagak Niya mismo sa Kanyang gawain. Sa gayon, nagsalita ang Diyos nang ganito, “Ang Kapanahunan ng Kaharian ay, kung iisipin, naiiba mula sa nakaraan. Hindi ito kaugnay sa kung ano ang ginagawa ng tao. Sa halip, personal Kong isinasakatuparan ang Aking gawain pagkababa sa lupa—gawaing kahit ang mga tao ay hindi maaaring maisip ni matupad.” Tunay nga, dapat isakatuparan ng Diyos nang personal ang gawaing ito—walang tao ang kaya ang gayong gawain, talagang hindi nila kaya ito. Maliban sa Diyos, sino ang makapagsasakatuparan ng gayong kadakilang gawain sa tao? Sino pa ang kayang pahirapan ang buong sangkatauhan ng halos kamatayan? Maaari bang maisaayos ng mga tao ang gayong gawain? Bakit Niya sinasabi ito, “personal Kong isinasakatuparan ang Aking gawain pagkababa sa lupa”? Maari bang talagang naglaho ang Espiritu ng Diyos mula sa buong kalawakan? Tinutukoy ng “personal Kong isinasakatuparan ang Aking gawain pagkababa sa lupa,” kapwa ang katunayang ang Espiritu ng Diyos ay nagkatawang-tao para gawin ang gawain. at sa katunayang malinaw na gumagawa ang Espiritu ng Diyos sa pamamagitan ng sangkatauhan. Sa personal na pagsasakatuparan ng Kanyang gawain, hinahayaan ng Diyos ang maraming tao na makita ang Diyos Mismo sa mismong mga mata nila, upang hindi na nila kailangang maingat ng maghanap sa kanilang mga espiritu. Bukod diyan, hinahayaan nito ang lahat ng tao na makita ang pagkilos ng Espiritu sa kanilang sariling mga mata at ipinapakita sa kanila na may mahalagang pagkakaiba ang laman ng tao at ng Diyos. Sabay-sabay, sa buong kalawakan at sansinukob, gumagawa pa rin ang Espiritu ng Diyos. Lahat yaong mga taong naliwanagan, nakatanggap ng pangalan ng Diyos, ay nakikita paanong gumagawa ang Espiritu ng Diyos at, sa gayon, nagiging mas higit pang nakikilala ang pagkakatawang-tao ng Diyos. Sa gayon, kapag lang gumagawa nang tuwiran ang pagka-Diyos ng Diyos, na nakagagawa ang Espiritu ng Diyos na walang kahit katiting na paggambala, makikilala ng tao ang praktikal na Diyos Mismo. Ito ang pinakadiwa ng pagtatayo ng kaharian.
04 Agosto 2018
Best Christian Full Movie HD | Mapanganib Ang Landas Papunta sa Kaharian Ng Langit (Tagalog dubbed)
Si Zhong Xin ay pastor sa isang bahay-iglesia sa Chinese mainland. Matagal na siyang nananalig sa Panginoon at palaging naaaresto at pinahihirapan ng CCP. Napakatindi ng galit niya sa CCP, at matagal na niyang naliwanan na napakasama ng rehimen ng CCP na kumakalaban sa Diyos. Nitong nakaraang mga taon, nakita niya ang matinding pagtuligsa, pag-aresto at pagpapahirap ng gobyernong CCP at ng mga relihiyoso sa iglesia ng Kidlat ng Silanganan. Gayunman, ang nakita niyang di-kapani-paniwala ay na hindi lang hindi natalo ang Kidlat ng Silanganan, kundi mas lalo pa itong lumago, kaya muling nag-isip-isip si Zhong Xin: Ang Kidlat ng Silanganan ba ang pagpapakita at gawain ng Panginoon? Natuklasan din niya na lahat ng salitang ginamit ng CCP at mga relihiyoso para tuligsain ang Kidlat ng Silanganan ay mga tsismis at kasinungalingan kaya, para malaman ang katotohanan, siniyasat nila ng kanyang mga kapatid ang Kidlat ng Silanganan. Sa pakikinig sa mga paliwanag ng mga nagpapatotoo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, napagtibay ng karamihan na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan, na ang mga salitang ito ang tinig ng Diyos at na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Ngunit sa harap ng malupit na panunupil at pagpapahirap ng gobyernong CCP sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, gayundin sa mabangis na pagsuway at pagtuligsa ng mga pastor at elder ng mga relihiyon, nagtaka ang ilan: Ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ang tunay na daan, kaya bakit ito mabangis na sinusuway at tinutuligsa ng mga makapangyarihan sa pulitika at mga relihiyon? Sa pagbasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at pakikinig sa mga paliwanag ng mga nagpapatotoo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nauunawaan ng mga kapatid ang tunay na dahilan ng pagsuway ng sangkatauhan sa Diyos, malinaw nilang nakikita kung bakit lubhang mapanganib ang daan patungo sa langit, at naunawaan nila ang tunay na dahilan ng pagkamuhi sa katotohanan at pagkontra sa Diyos ng napakasamang rehimen ng CCP at mga pinuno ng relihiyon. Matatag na iwinaksi ng mga taong katulad ni Zhong Xin ang mga pagbabawal at paghihigpit ng impluwensya ni Satanas, tinanggap na nila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at talagang nagbalik na sila sa harap ng luklukan ng Diyos.
02 Agosto 2018
Christian Songs | Ang Awtoridad at Kapangyarihan na Ipinapakita ng Diyos Nang Nagkatawang-tao
I
D’yos ay dumating sa lupa upang katunaya’y tuparin,
katunayan ng “pagkakatawang-tao ng Salita.”
Ang mga salita ng D’yos nagmumula sa katawang-tao
(di tulad Sa Lumang Tipan,
tuwirang nagsalita ang D’yos mula langit).
Lahat sila’y matutupad sa Milenyong Kaharian
upang maging katunayang nakikita ng tao,
para katupara’y tiyak na makita ng lahat.
Ito ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ng D’yos.
Naganap ang gawain ng Espiritu
sa pamamagitan ng katawang-tao at salita.
Ito ang kahulugan ng “Salitang nagkatawang-tao,
ang pagpapakita ng Salita sa katawang-tao.”
D’yos ay dumating sa lupa upang katunaya’y tuparin,
katunayan ng “pagkakatawang-tao ng Salita.”
Ang mga salita ng D’yos nagmumula sa katawang-tao
(di tulad Sa Lumang Tipan,
tuwirang nagsalita ang D’yos mula langit).
Lahat sila’y matutupad sa Milenyong Kaharian
upang maging katunayang nakikita ng tao,
para katupara’y tiyak na makita ng lahat.
Ito ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ng D’yos.
Naganap ang gawain ng Espiritu
sa pamamagitan ng katawang-tao at salita.
Ito ang kahulugan ng “Salitang nagkatawang-tao,
ang pagpapakita ng Salita sa katawang-tao.”
01 Agosto 2018
Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo"
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao ay nangangahulugang lahat ng gawain at mga salita ng Espiritu ng Diyos ay isinagawa sa pamamagitan ng Kanyang normal na pagkatao, at sa pamamagitan ng Kanyang pagka-katawang-tao. Sa ibang salita, ang Espiritu ng Diyos ay parehong pinamamahalaan ang Kanyang gawaing pantao at ipinapatupad ang gawain ng pagka-Diyos sa katawang-tao, at sa pagkakatawang-tao ng Diyos iyong makikita ang parehong gawain ng Diyos sa pagkatao at ang ganap na gawain sa pagka-Diyos; ito ay ang tunay na kabuluhan ng pagpapakita ng praktikal na Diyos sa katawang-tao. Kung nakikita mo ito nang malinaw, maaari mong pagdugtungin ang lahat ng iba’t-ibang bahagi ng Diyos, at titigil upang mailagay sa mataas na pagpapahalaga sa Kanyang gawain sa pagka-Diyos, at maging sobrang mapagmaliit sa Kanyang gawain sa pagkatao, at hindi ka tutungo sa mga sukdulan, o kahit na ano mang likuan. Sa pangkalahatan, ang kahulugan ng praktikal na Diyos ay ang gawain ng Kanyang pagkatao at ng Kanyang pagka-Diyos, ayon sa pamamahala ng Espiritu, ay ipinahahayag sa pamamagitan ng Kanyang katawang-tao, kaya’t maaaring makita ng mga tao na Siya ay buhay na buhay at makatotohanan, at tunay at aktwal.
Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Pagsasagawa (6)
Sa kasalukuyan, maraming mga tao ang ni hindi taglay ang pagkamaykatwiran o ang pansariling kamalayan ni Pablo, na, bagamat siya ay pinabagsak ng Panginoong Jesus, tinaglay na ang paninindigan na gumawa at magdusa para sa Kanya. Binigyan siya ng karamdaman ni Jesus, at kalaunan, patuloy na tiniis ni Pablo ang karamdamang ito sa sandaling nagsimula siyang gumawa. Bakit niya sinabi na mayroon siyang tinik sa laman? Ang tinik, sa totoo lang, ay karamdaman, at para kay Pablo, ito ay isang nakamamatay na kahinaan. Gaano man siya kahusay gumawa o gaano man katindi ang kanyang paninindigang magtiis, palagi niyang tinaglay ang karamdamang ito. Si Pablo ay mayroong mas matatag na kakayahan kaysa sa inyong mga tao sa kasalukuyan; hindi lamang na siya ay mayroong mahusay na kakayahan, ngunit tinaglay din niya ang kamalayang pansarili at tinaglay niya ang higit na pagkamaykatwiran kaysa sa inyo. Sa kasalukuyan, huwag nang isipin kailanman ang pagtatamo sa pagkamaykatwiran ni Pedro—maraming mga tao ang ni hindi magagawang matamo ang pagkamaykatwiran ni Pablo. Matapos na si Pablo ay pabagsakin ni Jesus, siya ay tumigil sa pag-uusig sa mga disipulo, at nagsimulang mangaral at magdusa para kay Jesus. At ano ang gumabay sa kanyang pagdurusa? Pinaniniwalaan ni Pablo na, yamang nakita niya ang dakilang liwanag, kailangan niyang magpatotoo sa Panginoong Jesus, dapat hindi na usigin pa ang mga disipulo ng Panginoong Jesus, at hindi na dapat salungatin pa ang gawain ng Diyos. Pagkatapos niyang makita ang dakilang liwanag, sinimulan niyang magdusa para sa Diyos, at ialay ang sarili niya sa Diyos, at kanyang itinakda ang kanyang paninindigan. Pagkatapos na ang “dakilang liwanag” ay lumiwanag sa kanya, nagsimula siyang gumawa para sa Diyos, at nagawa niyang itakda ang kanyang paninindigan, na nagpapatunay na taglay niya ang pagkamaykatwiran. Sa relihiyon, si Pablo ay isang mataas-na-ranggong tao. Siya ay totoong maalam at likas na matalino, mababa ang tingin niya sa karamihan ng mga tao, at taglay ang isang higit na mas malakas na pagkatao kaysa sa karamihan. Ngunit pagkatapos na ang “dakilang liwanag” ay lumiwanag sa kanya, sinabi niya na dapat siyang gumawa para sa Panginoong Jesus—at ito ang kanyang pagkamaykatwiran. Nang inusig niya ang mga disipulo, si Jesus ay nagpakita sa kanya at sinabing: “Pablo, bakit mo ako inuusig?” Kaagad natumba si Pablo at sinabing: “Sino Ka?” Isang tinig mula sa langit ang nagsabing: “Ako ang Panginoong Jesus, na iyong inuusig.” Sa isang iglap, nagising si Pablo, kanyang naunawaan, at sa gayon lamang niya nalaman na si Jesus ay si Cristo, na Siya ay Diyos. Dapat akong sumunod, ibinigay sa akin ng Diyos ang biyayang ito, at inusig ko Siya sa halip, gayunman hindi Niya ako pinabagsak, ni hindi Niya ako sinumpa—dapat akong magdusa para sa Kanya. Kinilala ni Pablo na inusig niya ang Panginoong Jesuscristo at sa kasalukuyan ay pinapatay ang Kanyang mga disipulo, na hindi siya sinumpa ng Diyos, ngunit pinagliwanag ang ilaw sa kanya; ito ang gumabay sa kanya, at kanyang sinabi: “Bagamat hindi ako tumingin sa Kanyang mukha, narinig ko ang Kanyang tinig at nakita ang Kanyang dakilang liwanag. Ngayon ko pa lamang tunay na nakikita na iniibig talaga ako ng Diyos, at na ang Panginoong Jesus ay talagang ang Diyos na mayroong habag sa tao at pinatatawad Niya ang mga pagkakasala ng tao magpakailanman. Tunay kong nakikita na ako ay isang makasalanan.” Bagamat, pagkatapos, ginamit ng Diyos ang mga kaloob ni Pablo upang gumawa, kalimutan ito sumandali. Ang kanyang paninindigan sa panahong iyon, ang kanyang normal na pantaong pagkamaykatwiran, at ang kanyang pansariling kamalayan—wala kayong kakayahan na matamo ang mga bagay na ito. Sa kasalukuyan, hindi ba kayo nakakatanggap ng gaanong liwanag? Hindi ba nakikita ng maraming mga tao na ang disposisyon ng Diyos ay isa na kamahalan, poot, paghatol, at pagkastigo? Madalas mayroong mga sumpa, mga pagsubok, at pagpipino ang sumasapit sa mga tao—at ano ang kanilang natutunan? Nakapagkamit ba kayo ng anuman mula sa inyong displina at pakikitungo? Ang malabis na mga pananalita, paghampas, at paghatol ay sumapit sa inyo sa maraming mga pagkakataon, ngunit hindi ninyo pinag-ukulan ng pansin ang mga ito. Ni hindi ninyo taglay ang kaunting pagkamaykatwiran na taglay ni Pablo—hindi ba kayo masyadong paurong? Napakarami ang hindi nakita nang malinaw ni Pablo. Nalaman lamang niya na ang liwanag ay nagliwanag sa kanya, at hindi namalayang siya ay pinabagsak. Sa kanyang personal na paniniwala, pagkatapos na ang ilaw ay magliwanag sa kanya, dapat niyang gugulin ang sarili niya para sa Diyos, magdusa para sa Diyos, gawin ang lahat upang ihanda ang daan para sa Panginoong Jesucristo, at magtamo ng mas maraming makasalanan upang iligtas ng Panginoon. Ito ang kanyang paninindigan, at ang tanging layunin ng kanyang gawain—ngunit kapag siya ay gumawa, hindi pa rin siya iniwan ng karamdaman, hanggang sa kanyang kamatayan. Si Pablo ay gumawa nang mahigit sa dalawampung taon. Siya ay nagdusa nang husto, at nagdanas ng maraming mga pag-uusig at mga kapighatian, bagamat, mangyari pa, ang kanyang mga pagsubok ay higit na kaunti kaysa doon kay Pedro. Gaano pa ito kahabag-habag kung hindi pa ninyo taglay ang pagkamaykatwiran ni Pablo? Sa ganito, paano makapagsisimula ang Diyos sa mas higit na gawain sa inyo?
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)