Ang kapayapaan at kagalakan na Aking sinasalita sa kasalukuyan ay hindi kagaya ng mga pinaniniwalaan mo at nauunawaan. Iniisip mo dati na ang kapayapaan at kagalakan ay nangangahulugan ng pagiging masaya buong araw, sa kawalan ng sakit at kasawian sa iyong sambahayan, palaging nagagalak sa iyong puso, nang walang mga pakiramdam ng kalungkutan, at isang hindi mailarawan na kagalakan sa loob mo maging anuman ang lawak ng iyong sariling buhay. Iyon ay karagdagan sa umento sa sahod ng iyong asawa at ang iyong anak na lalaki na papasok lang sa pamantasan. Sa pag-iisip sa mga bagay na ito, nanalangin ka sa Diyos, nakita mo na ang biyaya ng Diyos ay napakadakila, ikaw ay napakasaya na umaabot ang iyong ngiti sa magkabilang tainga, at hindi mo mapigilan ang pagpapasalamat sa Diyos. Ang gayong kapayapaan at kagalakan ay hindi tunay na kagalakan at kapayapaan, ni hindi ito ang kapayapaan at kagalakan sa pagkakaroon ng presensiya ng Banal na Espiritu. Ito ang kapayapaan at kagalakan ng kasiyahan ng iyong laman. Dapat mong maunawaan kung ano na ang kapanahunan sa kasalukuyan; ngayon ay hindi ang Kapanahunan ng Biyaya, at hindi na ang panahon nang ang hinahanap mo ay punuin ang iyong tiyan ng tinapay. Maaaring umaapaw ang iyong galak sapagkat maayos ang lahat sa iyong sambahayan, ngunit ang iyong buhay ay naghihingalo--at kung gayon, hindi alintana kung gaano man katindi ang iyong kagalakan, ang Banal na Espiritu ay hindi sumasaiyo. Ang pagkakaroon ng presensiya ng Banal na Espiritu ay simple: gawin mo ang dapat mong gawin nang maayos, gampanan ang tungkulin at ginagawa ng tao nang mabuti, magawang sangkapan ang iyong sarili ng mga bagay na iyong kailangan at punan ang iyong mga pagkukulang. Kung ikaw ay palaging mayroong kabigatan sa iyong buhay, at masaya sapagkat nakakita ka ng isang katotohanan o naintindihan ang gawain ng Diyos sa kasalukuyan, ito ay totoong pagkakaroon ng presensiya ng Banal na Espiritu. Maaaring ikaw ay masakop ng kabalisahan kapag ikaw ay nakasasagupa ng isang bagay na hindi mo nalalaman kung paano mararanasan, o kapag hindi mo magawang makita ang isang katotohanan na ibinahagi--pinatutunayan nito na ang Banal na Espiritu ay kasama mo; ito ay karaniwang kalagayan sa karanasan sa buhay. Kailangan mong maintindihan ang pagkakaiba sa pagitan ng pagkakaroon ng presensiya ng Banal na Espiritu at ang hindi pagkakaroon ng presensiya ng Banal na Espiritu, at hindi dapat maging masyadong karaniwan ang iyong pananaw ukol dito.
27 Hulyo 2018
25 Hulyo 2018
Salita ng Diyos | Marami ang mga Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang mga Nahirang
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Aking tinatawag sa Aking bahay ang lahat ng Aking itinalaga upang maging tagapakinig ng Aking salita, at pagkatapos ay inilalagay ang lahat ng mga sumusunod at nananabik sa Aking salita sa harapan ng Aking trono. Yaong mga tumatalikod sa Aking salita, yaong mga hindi nakasunod at nagpasakop sa Akin, at yaong mga hayagang sumasalungat sa Akin, ay itatakwil lahat sa isang tabi upang hintayin ang kanilang huling kaparusahan. Ang lahat ng mga tao ay namumuhay sa kasamaan at sa ilalim ng kamay ng masama, kaya hindi marami sa mga taong sumusunod sa Akin ang talagang nagnanais ng katotohanan. Ibig sabihin, hindi sumasamba ang karamihan sa Akin nang may tapat na puso o nang may katotohanan, ngunit sinusubukang kunin ang Aking tiwala sa pamamagitan ng kasamaan, paghihimagsik, at mga hakbanging mapanlinlang. Sa kadahilanang ito kaya Ko sinasabi na, “Marami ang mga tinawag, datapuwa’t kakaunti ang mga nahirang.” Ang lahat ng mga tinawag ay naging labis ang kasamaan at namumuhay sa parehong panahon, ngunit ang mga taong hinirang ay iyon lamang pangkat na naniniwala at tinatanggap ang katotohanan at isinasagawa ang katotohanan. Ang mga taong ito ay isa lamang napakaliit na bahagi ng kabuuan, at mula sa mga taong ito Ako ay makatatanggap ng higit pang kaluwalhatian.”
══════════════ ♡♡♡ ════════════
Magrekomenda nang higit pa:
Paano Dapat Unawain ang Kristiyanismo?
Tagalog Christian Music Video | "Ang Panloob na Kahulugan ng Gawain ng Paglupig"
Ang panloob na kahulugan ng paglupig ng tao
ay ang bumalik sa Maylalang.
Ito'y para sa tao na talikuran si Satanas
at lubos na pagbalik sa Diyos.
Ito ang kumpletong kaligtasan ng tao.
Paglupig ay ang huling labanan.
Ito ang huling yugto ng matagumpay na plano ng Diyos.
Kung wala ito, walang taong maliligtas,
walang tagumpay na nakukuha laban kay Satanas,
walang taong pumapasok sa isang mabuting hantungan.
Sangkatauhan ay naghihirap sa impluwensiya ni Satanas.
Kaya ang pagkatalo ni Satanas ay dapat mauna
para madala ang kaligtasan ng tao.
Lahat ng mga gawain ng Diyos ay para sa kapakanan ng tao.
23 Hulyo 2018
Christian Full Movie 2018 | "Kalagin Ang Mga Kadena At Tumakbo!" (Tagalog dubbed)
Isang araw, nagkataon lang na nanood siya ng ilang video ng mga himno sa website ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Lubha siyang naantig sa kanilang nakakapukaw na mga titik at magagandang himig, na nagbigay-inspirasyon sa kanya na siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Matapos makipagtalo nang ilang beses tungkol sa katotohanan, naunawaan na niya ang kuwento sa likod ng Biblia sa pamamagitan ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Malinaw na niyang naunawaan ang mga tunay na pangyayari: Kinokontra at tinutuligsa ng mga Fariseo ng mga relihiyon ang pagpapakita at gawain ng Diyos na nagkukunwaring pinupuri ang Biblia. Kalaunan, hindi niya pinansin ang pagkontrol at pagpigil ng mga relihiyong Fariseo at sumunod siya sa mga yapak ng Diyos …
22 Hulyo 2018
ANG BUMALIK NA MGA SALITA NG PANGINOONG JESUS | Pagsasagawa (3)
Dapat kayong magkaroon ng kakayahan na mabuhay nang mag-isa, nagagawang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos sa inyong mga sarili, upang maranasan ang mga salita ng Diyos nang sarilinan, at upang mamuhay ng isang normal na buhay espirituwal nang walang pangunguna ng iba; dapat ninyong magawang umasa sa mga salita ng Diyos sa kasalukuyan upang mabuhay, makapasok sa tunay na karanasan, at tunay na pagkakita. Sa gayon pa lamang kayo makapaninindigan. Sa kasalukuyan, marami sa mga tao ang hindi ganap na nauunawaan ang hinaharap na mga kapighatian at mga pagsubok. Sa hinaharap, ang ilang mga tao ay makakaranas ng mga kapighatian, at ang ilan ay makakaranas ng kaparusahan. Ang kaparusahang ito ay magiging lalong matindi; ito ay magiging ang pagdating ng mga katotohanan. Sa kasalukuyan, ang lahat ng iyong nararanasan, ginagawa, at ipinahahayag ay inilalatag ang saligan para sa mga pagsubok sa hinaharap, at kahit papaano, dapat mong magawa na mabuhay nang mag-isa. Ngayon, ang sitwasyon tungkol sa marami sa iglesia sa pangkalahatan ay ang mga sumusunod: Kung may mga manggagawa na gagawa ng gawain ng iglesia,[a] sila ay masaya, at kung sila ay hindi, sila ay hindi masaya; at hindi nila pinagtutuunan ng pansin ang gawain sa iglesia, ni hindi sa kanilang sariling pagkain at pag-inom, at wala ni kakatiting na pasan—sila ay kagaya ng ardilya na sumisigaw sa lamig.[b] Sa tapat na pagsasalita, sa maraming mga tao ang gawain na Aking ginawa ay gawain lamang ng paglupig, sapagkat marami ang pangunahin nang hindi karapat-dapat na gawing perpekto. Isang maliit na bahagi lamang ng mga tao ang maaaring gawing perpekto. Kung, sa pagkarinig sa mga salitang ito, naniniwala ka na ang gawain na ginagawa ng Diyos ay para lamang lupigin ang mga tao, at kaya susunod ka na lamang nang walang interes, papaano magiging katanggap-tanggap ang gayong ugali? Kung ikaw ay tunay na nagtataglay ng konsiyensya, kung gayon kailangan mong magkaroon ng isang pasan, at isang pagkadama ng pananagutan. Dapat mong sabihin: Hindi ko alintana kung ako man ay lulupigin o gagawing perpekto, ngunit dapat kong taglayin nang maayos ang hakbang na ito ng patotoo. Bilang isang nilikha ng Diyos, ang isa ay maaring ganap na lupigin ng Diyos, at sa huli, nagagawa nilang mapalugod ang Diyos, tinutumbasan ang pag-ibig ng Diyos ng pag-ibig sa kanilang puso at sa ganap na paglalaan ng kanilang mga sarili sa Diyos. Ito ang pananagutan ng tao, ito ang tungkulin na dapat gampanan ng tao, at ang pasan na dapat batahin ng tao, at dapat matapos ng tao ang komisyon na ito. Sa gayon lamang sila tunay na naniniwala sa Diyos. Sa kasalukuyan, ang ginagawa mo ba sa iglesia ay ang katuparan ng iyong pananagutan? Ito ay nakasalalay sa kung ikaw ay nabibigatan, at sa sarili mong kaalaman. Sa pagdanas sa gawaing ito, kung ang tao ay nilupig at mayroong tunay na kaalaman, kung gayon may kakayahan ka sa pagsunod maging anuman ang iyong sariling mga inaasahan o kapalaran. Sa ganitong paraan, ang dakilang gawain ng Diyos ay magkakatotoo sa kabuuan nito, sapagkat ang mga taong ito ay may kakayahang hindi hihigit dito, at hindi magagawang matupad ang anumang mas mataas na mga pangangailangan. Gayunman sa hinaharap, ang ilang mga tao ay gagawing perpekto. Ang kanilang kakayahan ay mapapabuti, sa kanilang espiritu sila ay magkakaroon ng isang mas malalim na pagkaunawa, ang kanilang mga buhay ay lalago…. Ngunit ang ilan ay ganap na walang kakayahan na makamit ito, at kaya hindi maliligtas. Mayroong isang dahilan kung bakit sinasabi Kong hindi sila maliligtas. Sa hinaharap, ang ilan ay lulupigin, ang ilan ay aalisin, ang ilan ay gagawing perpekto, at ang ilan ay kakasangkapanin—at kaya ang ilan ay makakaranas ng mga kapighatian, ang ilan ay makakaranas ng kaparusahan (kapwa ng mga natural na kalamidad at mga kasawiang gawa ng tao), ang ilan ay maaalis, at ang ilan ay makaliligtas. Sa ganito, ang bawat isa ay pagbubukud-bukurin ayon sa uri, na ang bawat grupo ay kakatawan sa isang uri ng tao. Hindi lahat ng tao ay aalisin, ni ang lahat ng tao ay gagawing perpekto. Ito ay dahil ang kakayahan ng mga taong Tsino ay napakababa, at mayroon lamang maliit na bilang sa kanila ang nagtataglay ng uri ng kamalayang pansarili na mayroon si Pablo. Sa mga taong ito, kaunti ang mayroong pagpapasya na ibigin ang Diyos katulad ni Pedro, o kagaya ng uri ng pananampalataya ni Job. Halos wala sa sinuman sa kanila ang mayroong katulad na antas ng paggalang para kay Jehovah, o kaparehong antas ng katapatan sa paglilingkod kay Jehovah kagaya ng kay David. Kahabag-habag kayo!
Tagalog Christian Music Video 2018 | "Ganap na Inilalagay ng Diyos ang Kanyang Pag-asa sa Tao"
Mula sa simula hanggang ngayon,
tanging tao lamang ang maaaring makipag-usap sa Diyos.
Iyon ay, tanging tao ang maaaring makipag-usap sa Diyos,
sa lahat ng nabubuhay na bagay at kung ano ang nilikha Niya.
Tao ay may mga tainga upang makarinig,
at mga mata upang makakita;
may mga kaisipan, at wika,
pati na ang kanyang malayang kalooban.
Ang tao ay may lahat ng mga kakayahan na kinakailangan
upang marinig ang Diyos na nagsasalita
at nauunawaan ang kalooban ng Diyos,
at tanggapin ang komisyon ng Diyos,
at tanggapin ang komisyon na mula sa Diyos,
at sa gayon ay inilalagay ng Diyos
ang lahat ng pag-asa Niya sa tao.
20 Hulyo 2018
Best Tagalog Christian Movie | "Masasakit na Alaala" The Repentance of a Christian (Tagalog Dubbed)
∈∋∈∋∈∋∈∋∈∋∈∋∈∋∈∋∈∋∈∋∈∋∈∋∈∋∈∋∈∋∈∋∈∋∈∋∈∋∈∋∈∋∈∋∈∋∈∋∈∋∈∋∈∋
Tuwing iisipin niya kung sino siya noong araw, dinuduro ng mga alaala ang puso niya na para bagang mga tinik …
19 Hulyo 2018
Best Christian Movie | "Masasakit na Alaala" The Repentance of a Christian (Trailer)
ღ .•*¨*•.¸¸ ღ.•*¨*•.¸¸ღ.•*¨*•.¸¸ღ.•*¨*•.¸¸ღ.•*¨*•.¸¸ ღ.•*¨*•.¸¸ღ.•*¨*•.¸¸ღ.•*¨*•.¸¸ღ.*¨*•.¸¸ღ.
ღ .•*¨*•.¸¸ ღ.•*¨*•.¸¸ღ.•*¨*•.¸¸ღ.•*¨*•.¸¸ღ.•*¨*•.¸¸ ღ.•*¨*•.¸¸ღ.•*¨*•.¸¸ღ.*¨*•.¸¸ღ*¨*•.¸¸ღ.
Si Fan Guoyi ay isang elder ng isang bahay-iglesia sa China. Sa mahigit dalawampung taon ng paglilingkod, lagi niyang ginagaya si Pablo, at nagsumikap at nagpakahirap para sa Panginoon nang may malaking kasigasigan. Bukod dito, matibay ang paniniwala niya na sa patuloy na pagsampalataya sa ganitong paraan, isinasakatuparan niya ang kalooban ng Ama sa langit, at na kapag nagbalik ang Panginoon, siguradong mara-rapture siya sa kaharian ng langit. Gayunman, nang sumapit sa kanya ang pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, kumapit siya sa kanyang mga pagkaunawa. Paulit-ulit niyang tinanggihan, kinontra, at tinuligsa ang gawain ng Diyos sa mga huling araw…. Kalaunan, matapos makipagtalo nang ilang beses sa mga pastor ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nagising din sa katotohanan si Fan Guoyi, at tunay na naunawaan ang kahulugan ng isakatuparan ang kalooban ng Ama sa langit, gayundin kung paano patuloy na sumampalataya sa paraan na magtatamo siya ng kaligtasan at makakapasok sa kaharian ng langit ….
Tuwing iisipin niya kung sino siya noong araw, dinuduro ng mga alaala ang puso niya na para bagang mga tinik …
18 Hulyo 2018
Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Diyos Lamang ang Nagmamahal sa Tao Nang Higit"
Ang Diyos ay nagiging katawang tao sa mga huling araw
upang iligtas ang tao dahil mahal Niya ang tao.
Hinimok ng Kanyang pag-ibig,
ginagawa Niya ang gawain ngayon.
Ito'y nasa ilalim ng pundasyon ng pag-ibig.å
Ang Diyos ay nagkatawang-tao at nagdurusa sa kahihiyan
upang iligtas ang mga nabahiran at durog.
Tinitiis Niya ang gayong sakit.
Sapagkat muli at muli,
ipinakikita N'ya ang Kanyang 'di masukat na pagmamahal.
'Di nais ng Diyos na ang sinumang kaluluwa'y mawala.
Walang pakialam ang tao kung ano ang kanyang hinaharap.
'Di alam ng tao kung paano mahalin ang kanyang buhay.
Ngunit ang Diyos, oo. Siya lamang ang nagmamahal sa tao.
17 Hulyo 2018
Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Ang Gawain Din ng Pagliligtas ng Tao
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sa pangwakas na kapanahunang ito, dadakilain ang Aking pangalan sa mga bansang Gentil, dahilan upang makita ng mga Gentil ang Aking mga gawa, na maaari nila Akong tawaging ang Makapangyarihan sa lahat dahil sa Aking mga gawa, at magawa ito upang ang Aking mga salita ay maaaring malapit nang matupad. Gagawin Kong malaman ng lahat ng tao na hindi lamang Ako ang Diyos ng mga Israelita, kundi ang Diyos rin ng lahat ng mga bansa ng mga Gentil, kahit na iyong Aking isinumpa. Hahayaan Ko na makita ng lahat ng tao na Ako ang Diyos ng buong sangnilikha. Ito ang Aking pinakadakilang gawa, ang layunin ng Aking plano ng paggawa para sa mga huling araw, at ang tanging gawain na dapat matupad sa mga huling araw.”
★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★
Malaman ang higit pa:
Paano Dapat Unawain ang Kristiyanismo?
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)