15 Agosto 2018
Latest Tagalog Christian Music Video | "Sa Pagkatakot Lang sa Diyos na Malalayuan ang Kasamaan"
I
Ang disposisyon ng Diyos ay kamahalan at poot.
'Di Siya tupa na kakatayin lang ng kahit sino.
Hindi Siya manika, pinaglaruan ng kahit sino.
Ni 'di S'ya hangin, inuutusan lang ng tao.
Kung naniniwala ka sa pag-iral ng Diyos,
dapat puso mo'y may takot sa Kanya.
Alam mo dapat ang diwa ng Diyos ay 'di naaagrabyado.
Ang paglabag ay marahil dulot ng salita,
kaisipan, kaalaman o masamang gawain.
Maaaring dulot ito ng isang malumanay na kilos
na katanggap-tanggap ng moralidad.
Pero pag ginalit mo ang Diyos,
nawala mo na ang pagkakataong maligtas,
at ang mga huling araw mo'y malapit nang dumating.
Ito'y talagang nakakatakot.
Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain (Ikalimang Bahagi)
Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao." Ang nilalaman ng video na ito:
Ang Kapalaran ng Tao ay Itinatakda sa Pamamagitan ng Kanyang Saloobin sa Diyos
Ang Umpisa ng Pagkatakot sa Diyos ay ang Pagturing sa Kanya Bilang Isang Diyos
Ang mga Tao na Hindi Kinikilala ng Diyos
Mga Salitang Pagpapayo
Ang Kapalaran ng Tao ay Itinatakda sa Pamamagitan ng Kanyang Saloobin sa Diyos
Ang Umpisa ng Pagkatakot sa Diyos ay ang Pagturing sa Kanya Bilang Isang Diyos
Ang mga Tao na Hindi Kinikilala ng Diyos
Mga Salitang Pagpapayo
🍀 🍀🍀 🍀 🍀🍀🍀🍀 🍀🍀 🍀 🍀🍀🍀🍀 🍀🍀 🍀 🍀🍀🍀🍀 🍀🍀 🍀 🍀
🍀 🍀🍀 🍀 🍀🍀🍀🍀 🍀🍀 🍀 🍀🍀🍀🍀 🍀🍀 🍀 🍀🍀🍀🍀 🍀🍀 🍀 🍀
13 Agosto 2018
Ang tinig ng Diyos | Pakahulugan ng Ikalabing-walong Pagbigkas
Naglalaman ng isang bahagi ng Kanyang disposisyon ang lahat ng salita ng Diyos; hindi lubusang maihahayag sa mga salita ang Kanyang disposiyon, kaya ipinakikita nito kung gaano ang kasaganaan na nasa Kanya. Kung ano ang maaaring makita at mahipo ng mga tao ay, tutal, limitado, gaya ng kakayahan ng mga tao. Bagaman malinaw ang mga salita ng Diyos, hindi kayang lubusang nauunawaan ng mga tao. Katulad ng mga salitang ito: “Sa isang siklab ng kidlat, naibubunyag ang bawat hayop sa tunay na anyo nito. Gayundin naman, dahil sa paglilinaw ng Aking liwanag, nabawi ng sangkatauhan ang kabanalang dati minsan nilang tinaglay. O, na sa wakas ang tiwaling mundo ng nakaraan ay nabuwal tungo sa maruming tubig at, habang lumulubog pailalim, naglaho sa putikan!” Naglalaman ng Kanyang pagiging Diyos ang lahat ng mga salita ng Diyos, at kahit na batid lahat ng mga tao ang mga salitang ito, hindi nila kailanman nalalaman ang mga kahulugan nito. Sa mga mata ng Diyos, lahat yaong mga lumalaban sa Kanya ang kaaway Niya, iyan ay, mga hayop ang mga nabibilang sa masasamang espiritu. Mamamasdan mula rito ang aktuwal na situwasyon ng iglesia. Nang hindi sumasailalim sa mga pangangaral o pagkastigo ng mga tao, nang hindi dumaraan sa tuwirang pagtitiwalag o isang bahagi ng mga pamamaraan ng tao o itinatawag-pansin ng mga tao, sinusuri ng lahat ng tao ang kanilang mga sarili sa ilalim ng pagpapalinaw ng mga salita ng Diyos, at napakalinaw na nakikita sa ilalim ng pangmalas ng isang “mikroskopyo” gaano kalala ang sakit na talagang nasa loob nila. Sa mga salita ng Diyos, pinag-uri-uri ang bawat uri ng espiritu at ibinubunyag ang orihinal na anyo ng bawat espiritu. Nagiging higit at higit na napalinawan at naliwanagan ang mga espiritu ng anghel, kaya ang sinabi ng Diyos, na silang “nabawi ng sangkatauhan ang kabanalang dati minsan nilang tinaglay have regained the sanctity they once possessed,” ay nakabatay sa mga pinakahuling resulta na natamo ng Diyos. Siyempre pa ngayon hindi pa ito lubusang matatamo—isang patikim lang ito. Nakikita ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan nito at ipinapakita nito na babagsak sa mga salita ng Diyos ang isang malaking bahagi ng tao at tatalunin sa pamamaraan ng unti-unting pagiging banal ng lahat ng tao. Ang “naglaho sa putikan” na binanggit dito ay hindi nagkakasalungat sa pagwasak ng Diyos sa mundo ng apoy, at ang “kidlat” ay tumutukoy sa poot ng Diyos. Kapag inilalabas ng Diyos ang Kanyang malaking poot, mararanasan ng buong mundo ang lahat ng uri ng sakuna bunga nito, tulad ng pagputok ng isang bulkan. Nakatayo sa ibabaw ng himpapawid, makikita na sa daigdig papalapit na ang lahat ng uri ng kapahamakan sa buong sangkatauhan, araw-araw. Pinagmamasdan mula sa itaas, parang isang sari-saring mga tanawin ang daigdig bago ang isang lindol. Rumaragasa sa lahat ng dako ang nag-aapoy na tubig, umaagos ang kumukulong putik sa lahat ng paligid, lumilipat ang mga bundok, at kumikislap sa lahat ng dako ang malamig na liwanag. Napapasadlak sa apoy ang buong mundo. Ito ang tanawin na inilalabas ng Diyos ang Kanyang poot, at ito ang panahon ng Kanyang paghatol. Hindi makakatakas ang lahat ng mga nasa laman. Kaya hindi kakailanganin ang mga digmaan sa pagitan ng mga bayan at mga alitan sa pagitan ng mga tao para wasakin ang buong mundo, pero “may kamalayang matatamasa” nito ang duyan ng pagkastigo ng Diyos. Walang sinumang makakatakas dito at daraan silang paisa-isa rito. Pagkatapos niyon muling manginginang sa banal na kaningningan ang buong sansinukob at magsisimula muli ng isang bagong buhay ang buong sangkatauhan. At magiging nasa kapahingahan ang Diyos sa ibabaw ng sansinukob at pagpapalain ang buong sangkatauhan bawat araw. Hindi magiging di-nakakayanang mapanglaw ang langit, pero mapapanumbalik ang sigla na hindi ito nagkaroon simula noong paglikha ng mundo, at ang “ikaanim na araw” ay kung kailan magsisimula ng isang bagong buhay ang Diyos. Ang Diyos at tao ay lahat papasok sa kapahingahan at hindi na magiging mabaho o marumi ang sansinukob, pero matatamo nito ang pagpapanibago. Kaya nga sinabi ng Diyos: “Hindi na payapa at tahimik ang mundo, hindi na mapanglaw at malungkot ang langit.” Hindi kailanman nagkaroon ng di-pagkamatuwid o mga damdamin ng tao sa kaharian ng langit, o anuman sa mga masasamang disposisyon ng sangkatauhan dahil wala ang panggugulo ni Satanas. Kayang maunawaan lahat ng mga tao ang mga salita ng Diyos, at isang buhay na puno ng kaligayahan ang buhay sa langit. May karunungan at ang dignidad ng Diyos ang lahat yaong nasa langit. Dahil sa mga pagkakaiba sa pagitan ng langit at daigdig, hindi tinatawag ang mga mamamayan ng langit na “mga tao,” pero tinatawag silang “mga espiritu” ng Diyos. Mayroong mga pangunahing pagkakaiba ang dalawang salitang ito, at ngayon ang mga tinutukoy na “mga tao” ay lahat napasama ni Satanas, habang ang “mga espiritu” ay hindi. Sa katapusan, babaguhin ng Diyos ang lahat ng mga tao sa daigdig para magkaroon ng mga katangian ng mga espiritu sa langit at hindi na pasasailalim sa panggugulo ni Satanas. Ito ang tunay na kahulugan ng mga salitang “ang Aking kabanalan ay umabot sa buong sansinukob My holiness has gone abroad throughout the universe.” “Ang mundo sa una nitong kalagayan ay kabilang sa langit, at nakaugnay ang langit sa lupa. Ang tao ang nag-uugnay sa langit at lupa, at salamat sa kanyang kabanalan, salamat sa kanyang pagpapanibago, hindi na lingid sa lupa ang langit, at hindi na nananatiling tahimik ang lupa sa langit.” Ito ang sinasabi sa pagtukoy sa mga taong mayroong mga espiritu ng anghel, at sa pagkakataong iyon muling makakayang magkakasamang mamumuhay nang mapayapa ang mga anghel at mapanunumbalik ang kanilang orihinal na katayuan, at hindi na mahahati sa pagitan ng dalawang kaharian ng langit at daigdig dahil sa katawang-tao. Makakayang makipagtalastasan ng mga anghel sa daigdig sa mga anghel sa langit, malalaman ng mga tao sa daigdig ang mga hiwaga ng langit, at malalaman ng mga anghel sa langit ang mga lihim ng mundo ng tao. Magkakaisa ang langit at daigdig na walang agwat sa pagitan ng mga ito. Ito ang kagandahan ng pagsasakatuparan ng kaharian. Ito ang nais ng Diyos na gawing ganap, at ito rin ang isang bagay na inaasam ng lahat ng mga tao at mga espiritu. Pero walang alam dito ang mga nasa relihiyosong mundo. Naghihintay lang sila kay Jesus na Tagapagligtas sa isang puting ulap upang kunin ang kanilang mga kaluluwa, iniiwan ang “basura” sa lahat ng dako sa daigdig (mga bangkay ang tinutukoy na basura). Hindi ba ito isang pagkaunawa ng lahat ng mga tao? Kaya nga sinabi ng Diyos: “Ang mundong relihiyoso—paano ito hindi wawasakin ng Aking awtoridad sa lupa?” Dahil sa pagiging ganap ng bayan ng Diyos sa daigdig babaligtarin ang relihiyosong mundo. Ito ang tunay na kahulugan ng “awtoridad” na sinabi ng Diyos. Sinabi ng Diyos: “Sa Aking panahon, mayroon bang nagbibigay ng kahihiyan sa pangalan Ko? Nakatuon sa Akin ang magalang na pagtingin ng buong sangkatauhan, at lihim silang tumatawag sa Akin sa kanilang mga puso.” Ito ang Kanyang sinabi tungkol sa kahihinatnan ng pagwasak sa relihiyosong mundo, na magpapasakop lahat sa harap ng trono ng Diyos dahil sa Kanyang mga salita at hindi na maghihintay para bumaba ang puting ulap o panoorin ang kalangitan, pero malulupig sa harap ng trono ng Diyos. Kaya, “lihim silang tumatawag sa Akin sa kanilang mga puso”—ito ang kalalabasan ng relihiyosong mundo, na malulupig lahat ng Diyos, at ito lang ang tinatawag na pagka-makapangyarihan ng Diyos—pinababagsak ang mga relihiyosong mga tao, ang pinaka-mapanghimagsik sa sangkatauhan, upang hindi na sila kailanman manghawak sa kanilang sariling mga pagkaunawa, pero makikilala nila ang Diyos.
12 Agosto 2018
Tagalog Christian Movie 2018 | "Awit ng Tagumpay" God’s Judgment in the Last Days (Tagalog Dubbed)
Ang gawaing paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay umalingawngaw sa bawat sekta at grupo. Kasunod ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian, ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay tinatanggap at ipinapalaganap ng parami nang paraming mga tao, ang mga tunay na mananampalataya sa Diyos na uhaw para sa Kanyang pagpapakita ay bumabalik nang paisa-isa sa harap ng trono ng Diyos. Samantala, ang pamahalaan ng Tsina at ang mga relihiyosong pastor at elder ay walang humpay na sinusupil at inuusig ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos mula simula hanggang matapos. Ang babae na pangunahing tauhan ng pelikula, si Zheng Xinjie, ay isang miyembro ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na nagpapalaganap ng ebanghelyo. Naharap niya ang magulong pang-aapi at mga pag-atake mula sa Komunistang Pamahalaan ng Tsina at mga relihiyosong lider. Kasama ang kanyang mga kapatid, umaasa sa Diyos, paano niya pagtatagumpayan itong madilim na mga puwersa ni satanas upang makanta ang isang awit ng tagumpay? ...
Himno ng Karanasan ng Kristiyano | "Ang Langit Dito'y Bughaw na Bughaw" (Tagalog Subtitles)
Ay … Narito ang 'sang langit,
Oh .... Isang langit na talagang ibang-iba!
Isang marikit na halimuyak ang pumupuspos sa buong lupain,
at hangi'y malinis.
Nagkatawang-tao ang Makapangyarihang Diyos
at nabubuhay kapiling natin,
Nagpapahayag ng katotohanan
at sinisimulan ang paghatol ng mga huling araw.
Inilantad ng mga salita ng Diyos
ang katotohanan ng ating kasamaan,
nalinis tayo at naperpekto
ng bawat uri ng pagsubok at pagdadalisay.
Magpaalam na tayo sa masama nating buhay
at baguhin ang dating itsura para sa bagong mukha.
10 Agosto 2018
Ang tinig ng Diyos | Pakahulugan sa Ikalabing-pitong Pagbigkas
Ang totoo, lahat ng mga salita na galing sa bibig ng Diyos ay mga bagay na hindi alam ng mga tao; lahat ng mga ito ang wika na hindi napakinggan ng mga tao, kaya puwedeng ipalagay nang ganito: hiwaga ang mga salita ng Diyos sa sarili ng mga ito. Nagkakamaling naniniwala ang karamihan ng mga tao na ang mga bagay lang na hindi kayang matamo nang pangmalas, ang mga usapin ng langit na hinahayaan ng Diyos na malaman ng tao tungkol sa kasalukuyan, o ang katotohanan tungkol sa ginagawa ng Diyos sa espirituwal na mundo ay mga hiwaga. Ipinapakita nito na hindi itinuturing ng mga tao ang lahat ng mga salita ng Diyos nang pantay, ni pinahahalagahan ang mga ito, pero nakatuon sila sa pinaniniwalaan nilang mga “hiwaga.” Pinatutunayan nito na hindi alam ng mga tao kung ano ang mga salita ng Diyos o kung ano ang mga hiwaga—binabasa lang nila ang mga salita ng Diyos mula sa loob ng kanilang sariling mga pagkaunawa. Na wala kahit isang tao na tunay na nagmamahal sa salita ng Diyos ang realidad—ang ugat kung bakit nasasabi na “ang mga tao ay mga eksperto sa pandaraya sa Akin” ay naririto mismo. Tiyak na hindi dahil sinasabi ng Diyos na walang anumang halaga ang mga tao, o na talagang magugulo sila. Ito ang aktuwal na kalagayan ng sangkatauhan. Ang mga tao mismo ay hindi malinaw kung gaano kalaking puwang ang talagang nasasakop ng Diyos sa kanilang mga puso—tanging ang Diyos lang Mismo ang lubusang nakakaalam. Kaya ngayon mismo parang mga sumususong mga sanggol ang mga tao—ganap silang walang kamalay-malay kung bakit umiinom sila ng gatas at para saan sila nananatiling buhay. Tanging kanilang ina ang nakauunawa ng kanilang pangangailangan, hindi hahayaang mamatay sila sa gutom, at hindi hahayaang mamatay sa labis na pagkain. Alam ng Diyos ang pinakamabuti na mga kinakailangan ng mga tao, kaya kung minsan nakapaloob sa Kanyang mga salita ang Kanyang pag-ibig, kung minsan ibinubunyag ang Kanyang paghatol sa mga ito, kung minsan nakakasakit ng mga kaloob-loobang puso ng mga tao, at kung minsan napakataimtim at marubdob ng Kanyang mga salita. Hinahayaan nito ang mga tao na maramdaman ang Kanyang kabaitan at Kanyang pagiging madaling malapitan, at na hindi Siya ang “maringal na anyo” na inaakala, isang hindi puwedeng salingin, ni hindi Siya ang “Anak ng Langit” sa mga isip ng mga tao, isang hindi tuwirang matitingnan sa mukha, at hindi Siya ang partikular na “berdugo” na inaakala ng mga tao na pumapatay ng walang kasalanan. Ang buong disposisyon ng Diyos ay nabubunyag sa Kanyang gawain, ang disposisyon ng Diyos sa katawang tao ngayon ay kinakatawan pa rin sa pamamagitan ng Kanyang gawain, kaya ang ministeryong isinasakatuparan ng Diyos ay ang ministeryo ng mga salita, hindi kung ano ang ginagawa Niya o paano Siya nagpapakita sa panlabas. Sa dakong huli makakamtan ng lahat ng tao ang pagpapalakas mula sa salita ng Diyos at ginagawang ganap dahil sa mga ito. Sa kanuilang mga karanasan, dahil sa paggabay ng mga salita ng Diyos, makakamtan nila ang isang landas para sa pagsasagawa, at sa pamamagitan ng mga salitang galing sa bibig ng Diyos malalaman ng mga tao ang Kanyang buong disposisyon. Matutupad ang buong gawain ng Diyos dahil sa salita ng Diyos, magiging buhay ang mga tao, at matatalo ang lahat ng kaaway. Ito ang pangunahing gawain, at walang sinumang maaring magwalang-bahala dito. Makabubuting tingnan natin nang maigi ang Kanyang mga salita: “Umaalingawngaw ang Aking tinig tulad ng kulog na tumatanglaw sa apat na kwandrante at sa buong mundo, at sa kalagitnaan ng kulog at kidlat, pinababagsak ang sangkatauhan. Walang taong kailanman ang nanatiling matatag sa gitna ng kulog at kidlat: Karamihan ng mga tao ay nasisindak na halos mawalan ng isip sa pagdating ng Aking liwanag, hindi nila malaman kung ano ang gagawin.” Basta lang lumalabas ang mga salita kapag ibinubukas ng Diyos ng Kanyang bibig. Isinasakatuparan ng Diyos ang lahat sa pamamagutan ng mga salita, at binabago ang lahat ng Kanyang mga salita, pinaninibago ang lahat ng mga tao sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Ano ang tinutukoy na “kulog at kidlat”? At ano ang tinutukoy ng “liwanag”? Walang kahit isang bagay ang makakatakas mula sa salita ng Diyos. Ginagamit Niya ang Kanyang mga salita upang ilantad ang mga kaisipan ng mga tao at upang ilarawan ang kanilang kapangitan; gumagamit Siya ng mga salita upang pakitunguhan ang lumang kalikasan ng mga tao at upang gawing ganap ang Kanyang buong bayan. Hindi ba ito ang kahalagahan ng mga salita ng Diyos? Sa buong sansinukob, kung wala ang suporta at pagpapalakas ng mga salita ng Diyos, malamang nawasak na ang buong sanglibutan sa punto ng di-pagiral noon pa. Ito ang isang prinsipiyo kung ano ang ginagawa ng Diyos, at ito ang paraan ng paggawa ng Kanyang anim na libong taong planong pamamalakad. Malinaw na makikita ang kahalagahan ng Kanyang mga salita sa pamamagitan nito. Tuwirang lumalagos ang mga salita ng Diyos sa kalaliman ng mga kaluluwa ng sangkatauhan. Sa sandaling makita nila Kanyang mga salita ay nagugulantang sila at nahihintakutan at nagmamadaling tumatalilis. Nais nilang takasan ang katunayan ng Kanyang mga salita, kaya nga makikita sa lahat ng dako ang mga “lumikas” na ito. Pagkatapos na pagkatapos mabigkas ang mga salita ng Diyos tumatakas palayo ang mga tao. Ito ang isang aspeto ng imahe ng kapangitan ng sanglibutan na isinasalarawan ng Diyos. Ngayon mismo, unti-unting nagigising mula sa kanilang pagkatuliro ang lahat ng tao. Para bang nagkaroon dati ng kalagayan ng pagkasintu-sinto ang lahat ng tao, at ngayong nakikita nila ang mga salita ng Diyos at parang mayroon pa silang nananatiling mga epekto matapos ang sakit at hindi kayang makabawi sa kanilang dating kalagayan. Ito ang aktuwal na kalagayan ng lahat ng mga tao, at ito rin ang tunay na paglalarawan ng pangungusap na ito: “maraming tao ang biglaang napukaw mula sa kanilang mga ilusyon nang naantig sila ng bahagyang liwanag na ito. Ngunit wala ni isa na kailanma’y nakaunawa na dumating na ang araw na bumababa sa mundo ang Aking liwanag.” Ito ang dahilan kaya sinabi ng Diyos: “Karamihan sa mga tao ay natulala sa biglaang pagdating ng liwanag.” Lubusang angkop na ganito ang pagkakasabi. Walang dako kahit para sa dulo ng karayom ang paglalarawan ng Diyos sa sangkatauhan—talagang nagawa Niya ito nang may katumpakan at walang kamalian, na ito ang dahilan kung bakit lubusang kumbinsido ang lahat ng tao at nang hindi namamalayan ito, naguumpisang maitatag mula sa kalaliman ng kaloob-looban ng kanilang mga puso ang kanilang pag-ibig para sa Diyos. Tanging sa paraang ito lang nagiging higit at higit pang tunay ang posisyon ng Diyos sa puso ng mga tao, at ito rin ang isang paraan na gumagawa ang Diyos.
09 Agosto 2018
Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus | "Paano Maglingkod Ayon sa Kalooban ng Diyos"
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung nais ninyong maglingkod sa kalooban ng Diyos, dapat muna ninyong maunawaan kung anong uri ng mga tao ang minamahal ng Diyos, kung anong uri ng mga tao ang kinamumuhian ng Diyos, kung anong uri ng mga tao ang ginagawang perpekto ng Diyos, at kung anong uri ng mga tao ang karapat-dapat maglingkod sa Diyos. Ito man lang ang dapat na mayroon kayo. Dagdag pa rito, dapat ninyong malaman ang mga hangarin ng gawa ng Diyos, at ang gawa ng Diyos na gagawin dito at ngayon. Matapos unawain ito, at sa pamamagitan ng paggabay ng mga mga mga salita ng Diyos, kailangan muna ninyong pumasok, at unang tumanggap ng komisyon ng Diyos. Kapag aktwal kayong dumanas batay sa mga salita ng Diyos, at kapag tunay ninyong alam ang gawa ng Diyos, kayo ay magiging karapat-dapat sa paglilingkod sa Diyos. At kapag kayo ay naglilingkod sa Kanya, iminumulat ng Diyos ang inyong mga mata, at nagpapahintulot sa inyo na magkaroon ng isang mas higit na pang-unawa ng Kanyang gawa at mas malinaw itong makikita. Kapag pumasok ka sa katotohanan, ang iyong mga karanasan ay mas magiging malalim at tunay, at ang lahat sa inyo nagkaroon ng ganoong karanasan ay maaaring maglakad kabilang ang mga iglesia at maglaan sa inyong mga kapatid, ang bawat isa ay pinagmumulan ng lakas ng iba upang punan ang inyong sariling kakulangan, at nagkakaroon ng isang mas mayamang kaalaman sa inyong mga espiritu. Matapos makamit ang epektong ito, saka lamang kayo maaaring maglingkod sa kalooban ng Diyos at gawing perpekto ng Diyos sa kurso ng inyong serbisyo."
Ang tinig ng Diyos | Pakahulugan sa Ikalabing-isang Pagbigkas
Sa mismong mata lang ng tao, lumilitaw na tila walang pagbabago sa mga pagbigkas ng Diyos sa panahong ito, na dahil hindi kayang maunawaan ng mga tao ang mga tuntunin kung saan nagsasalita ang Diyos, at hindi nauunawaan ang nilalaman ng Kanyang mga salita. Pagkabasa ng mga salita ng Diyos, hindi naniniwala ang mga tao na may anumang bagong mga hiwaga sa mga salitang ito; kaya, hindi nila kayang mamuhay ng mga buhay na di-pangkaraniwang sariwa, at sa halip namumuhay ng mga buhay na walang pag-unlad at walang buhay. Pero sa mga pagbigkas ng Diyos, nakikita natin na may mas malalim na antas ng kahulugan, isa na kapwa di-maarok at di-maabot ng tao. Ngayon, para maging sapat na mapalad ang tao upang mabasa ang gayong mga salita ng Diyos ay ang pinaka-dakila sa lahat ng mga pagpapala. Kung walang magbabasa ng mga salitang ito, mananatiling mapagmataas kailanman ang tao, matuwid-sa-sarili, di-kilala ang sarili niya, at di-batid kung gaano karami na ang mga kamaliang mayroon siya. Pagkabasa ng malalim, di-maarok na mga salita ng Diyos, lihim na humahanga ang mga tao sa mga ito, at mayroong totoong pananalig sa kanilang mga puso, walang bahid ng kabulaanan; nagiging tunay na kalakal ang kanilang mga puso, hindi mga pekeng paninda. Ito talaga ang nangyayari sa mga puso ng mga tao. Lahat ay mayroong kanilang sariling salaysay sa kanilang puso. Parang sinasabi nila sa kanilang sarili: Mas malamang sinabi ito ng Diyos Mismo—kung hindi ang Diyos, sino pa ang makabibigkas ng gayong mga salita? Bakit hindi ko masabi ang mga ito? Bakit hindi ko kayang makagawa ng gayong gawain? Waring ang nagkatawang-taong Diyos na totoong sinasabi ng Diyos ay tunay, at ang Diyos Mismo! Hindi na ako magdududa. Kung hindi, malamang na kapag dumating ang kamay ng Diyos, magiging huli na ang lahat para sa pagsisisi! … Ito ang iniisip ng karamihan ng mga tao sa kanilang mga puso. Makatarungan sabihin na, mula kung kailan nagumpisang magsalita ang Diyos hanggang ngayon, magtatalikwas ang lahat ng tao nang walang suporta ng salita ng Diyos. Bakit sinasabi na gawa ng Diyos Mismo ang lahat ng gawaing ito, at hindi ng tao? Kung hindi gumamit ang Diyos ng mga salita upang suportahan ang buhay ng iglesia, mawawala lahat na parang bula. Hindi ba ito ang kapangyarihan ng Diyos? Ito ba’y talagang kahusayang magsalita ng tao? Ito ba’y mga pambihirang talento ng tao? Siguradong hindi! Kung walang pagsusuri, walang makakaalam kung ano’ng uri ng dugo ang nananalaytay sa kanilang mga ugat, hindi nila mababatid gaano karaming puso mayroon sila, o gaano karaming utak, at mag-iisip ang lahat na kilala nila ang Diyos. Hindi ba nila alam na may pagsalungat pa ring nakapaloob sa kanilang kaalaman? Hindi nga kataka-taka na sinasabi ng Diyos, “Ang bawat tao sa sangkatauhan ay dapat tanggapin ang pagmamasid ng Aking Espiritu, dapat siyasating mabuti ang kanilang bawat salita at gawa, at, higit pa rito, ay dapat tumingin sa Aking nakakamanghang gawa.” Makikita mula rito na hindi walang layon at walang basehan ang mga salita. Hindi kailanman pinakitunguhan ng Diyos ang sinuman nang di-makatarungan; maging si Job, na may buong pananampalatay niya, ay hindi pinakawalan—siya rin ay sinuri, at iniwang walang mapagtaguan mula sa kanyang kahihiyan. At iyan ay hindi na kailangang banggitin ang mga tao ngayon. Kaya, kaagad nagtatanong ang Diyos: “Ano ang inyong pakiramdam sa oras ng pagdating ng kaharian sa lupa?” Hindi gaanong mahalaga ang tanong ng Diyos, pero nangatitilihan ang mga tao: Ano ang nararamdaman namin? Hindi pa rin namin alam kung kailan darating ang kaharian, kaya paano kami makapagusap tungkol sa mga damdamin? Higit pa, wala kaming pahiwatig. Kung may mararamdaman akong anuman, magiging “nagilalas,” at wala nang iba pa. Sa katunayan, hindi layon ng mga salita ng Diyos ang tanong na ito. Higit sa lahat, “Nang umagos ang Aking mga anak at tao sa Aking trono, pormal Kong sinisimulan ang paghatol sa harap ng malaking puting trono,” binubuod ng nag-iisang pangungusap na ito ang mga pagsulong ng buong espirituwal na kaharian. Walang nakaaalam kung ano ang gustong gawin ng Diyos sa espirituwal na kaharian sa panahon ngayon, at matapos lang binibigkas ng Diyos ang mga salitang ito nagkakaroon ng isang katiting na pagpukaw sa mga tao. Dahil may iba’t ibang hakbang sa gawain ng Diyos, nagkakaiba-iba rin ang gawain ng Diyos sa buong sansinukob. Sa panahong ito, pangunahing inililigtas ng Diyos ang mga anak at ang bayan ng Diyos, na ang ibig sabihin ay, pinagpapastulan ng mga anghel, nagsisimulang tanggapin ng mga anak at ng bayan ng Diyos ang pagiging pinakikitunguhan at binasag, opisyal nilang sinisimulang pawiin ang kanilang mga kaisipan at pagkaintindi, at nagpapaalam sa mga pamamaraan ng mundo; sa ibang salita, ang “paghatol sa harap ng malaking puting trono” na binanggit ng Diyos ay opisyal na nagsisimula. Dahil paghatol ito ng Diyos, dapat bumigkas ng Kanyang tinig ang Diyos—at kahit na nagkakaiba-iba ang nilalaman, palaging pareho ang layon. Ngayon, batay sa tono kung saan nagsasalita ang Diyos, tila nakatuon ang Kanyang mga salita sa isang partikular na grupo ng mga tao. Sa katunayan, higit sa lahat, nakapatungkol ang mga salitang ito sa kalikasan ng buong sanglibutan. Direkta nitong ginugutay ang gulugod ng tao, hindi nagpipigil ang mga itona makasakit ng damdamin ng tao, at ibinubunyag ng mga ito ang kabuuan ng kanyang pinakadiwa, walang itinitira, hindi hinahayaang makalusot ang anuman. Simula ngayon, opisyal na ibinubunyag ng Diyos ang totoong mukha ng tao, at kaya “pinakakawalan ang tinig ng Aking Espiritu sa buong sansinukob.” Ang epektong sukdulang natatamo ay “Sa pamamagitan ng Aking mga salita, lilinisin Ko ang lahat ng mga tao at mga bagay kasamang lahat ng nasa langit at sa lupa, upang ang lupain ay hindi na marumi at may kahalayan, ngunit isang banal na kaharian.” Ihinaharap ng mga salitang ito ang hinaharap ng kaharian, na buong-buong kaharian ni Cristo, tulad ng sinabi ng Diyos, “Mabuting bunga ang lahat, masisigasig na magbubukid ang lahat.” Siyempre, magaganap ito sa buong sansinukob, at hindi lang limitado sa Tsina.
08 Agosto 2018
Tagalog Christian Gospel Video | "Ang Iglesia ng Three-Self Ang Aking Payong" (Tagalog Dubbed)
Isang araw, nadakip ng Komunistang pamahalaan ng China ang maraming Kristiyano ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos mula sa isang partikular na lokasyon sa kalaliman ng gabi. Ang bagay na ito ay nagdulot ng kaguluhan sa lokal na lugar. Nagpasimula ito ng mga talakayan sa pagitan ng mga miyembro ng Iglesia ng Three-Self. Ilang tao ang naniwala na ang Kidlat sa Silanganan ay nagdusa sa malupit na pagsupil at pag-uusig ng Komunistang pamahalaan ng China. Napakamapanganib na maniwala sa Kidlat ng Silanganan, at pinakaligtas na maniwala sa Iglesia ng Three-Self. Hindi sila magdurusa ng paghihirap at magagawa nilang pumasok sa kaharian ng langit. Naniwala ang ibang mga tao na ang Kidlat ng Silanganan ang siyang tunay na daan, ngunit masyadong mabagsik ang kinakaharap nitong pag-uusig at aresto. Kung maniniwala sila, inisip nila na mas mabuting maniwala nang palihim. Sa sandaling matutumba ang Komunistang pamahalaan ng China, malaya na silang maniniwala sa Makapangyarihang Diyos. Inimbestigahan ng ilang tao ang Kidlat ng Silanganan ngunit naniwala sila na ikinakalat ng Kidlat ng Silanganan ang ebanghelyo at sumasaksi sa Panginoon nang walang pagsasaalang-alang sa buhay o kamatayan at na sila ay pinupuri ng Diyos. Inisip nila na ang mga taong nagtatago sa loob ng Iglesia ng Three-Self ay mga taong duwag na inaanod sa buhay nang walang layunin at na hindi sila karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit. … Pagkatapos ng mainit na talakayang ito, nalaman ba ng lahat kung anong uri ng mga tao ang pinupuri ng Panginoon at kung ang mga natatakot ba ay makakapasok sa kaharian ng langit?
06 Agosto 2018
Tagalog Christian Praise Song | "Ang Pag-ibig ng Diyos ang Nagbubuklod Sa Atin" | God With Us
na karagatan at kabundukan,
iisa tayong lahat, walang anumang hadlang sa atin,
iba't iba man tayo ng kulay at iba't iba ang ating wika.
Dahil sa tawag sa atin
ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos,
naitaas tayo sa harapan ng trono ng Diyos.
I
Kahit pinaghiwalay ng di-mabilang
na karagatan at kabundukan,
iisa tayong lahat, walang anumang hadlang sa atin,
iba't iba man tayo ng kulay at iba't iba't ang ating wika.
Dahil sa tawag sa atin
ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos,
naitaas tayo sa harapan ng trono ng Diyos.
May isang matanda, kulay puti na ang buhok,
at isang batang, malakas at masigla.
Magkahawak-kamay, at magkaakbay,
magkasama nating sinusuong ang hangin at ulan,
pinalalakas ang loob ng isa't isa sa gitna ng kahirapan.
Sa iisang isipan, matutupad natin ang ating tungkulin.
Konektado ang ating mga puso,
naging magkasangga tayo sa buhay,
Ang pag-ibig ng Diyos ang nagbubuklod sa atin.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)