Kapag ang kidlat ay lumabas mula sa Silangan—na siyang tiyak ding sandali ng Aking pagbigkas—sa sandaling ang kidlat ay dumating, ang buong kalangitan ay magliliwanag, at ang lahat ng mga bituin ay nagsisimulang mag ibang anyo. Ito ay tila bang ang buong sangkatauhan ay sumailalim sa isang angkop na paglilinis at paghihiwalay. Sa ilalim ng liwanag nitong katawan ng ilaw mula sa Silangan, ang buong sangkatauhan ay nabunyag sa kanilang totoong anyo, ang mga mata ay nasilaw, natigil sa pagkalito; iilan pa rin sa mga ito ang makapagtatago ng kanilang pangit na mga katangian. Muli, sila ay tulad ng mga hayop na tumatakas mula sa Aking liwanag upang kumubli sa mga kuweba ng kabundukan; ngunit, wala kahit isa sa mga ito ang maaaring mapawi mula sa loob ng Aking liwanag. Ang lahat ng tao’y napapaloob sa mahigpit na pagkakahawak ng takot at pagka-alarma, ang lahat ay naghihintay, ang lahat ay nanonood; sa pagdating ng Aking liwanag, ang lahat ay nagalak sa araw ng kanilang pagsilang, at gayon din ang lahat ay isinusumpa ang araw ng kanilang kapanganakan. Ang mga magkahalong damdamin ay imposibleng masabi; ang mga luha ng pagpaparusa sa sarili ay bumubuo ng ilog, at dinadala palayo sa malawak na dagsa ng tubig, nawawala nang walang bakas sa isang kislap. Muli, ang Aking araw ay lumalapit na sa sangkatauhan, at muling pinupukaw ang sangkatauhan, na nagbibigay sa mga tao ng isang punto mula sa kung saan bubuo ng bagong simulain. Ang puso Ko ay tumitibok at, sumusunod sa mga indayog ng Aking tibok ng puso, ang mga bundok ay lumulundag sa kagalakan, ang mga tubig ay sumayaw sa kagalakan, at ang mga alon, sumusunod sa oras, humahampas sa batuhan. Mahirap ipahayag kung ano ang nasa Aking puso. Nais Kong sunugin ang lahat ng maruruming mga bagay hanggang maging abo sa ilalim ng Aking mga titig, Nais Ko na lahat ng mga anak ng pagsuway ay mawala mula sa Aking harapan, hindi na kailanman pa bumalik sa pag-iral. Hindi lamang Ako gumawa ng isang bagong panimula sa tirahan ng malaking pulang dragon, ako rin ay pumasok sa bagong gawain sa sansinukob. 'Di magtatagal ang mga kaharian sa lupa ay magiging Aking kaharian; 'di magtatagal ang mga kaharian sa lupa ay magpakailanmang titigil sa pag-iral dahil sa Aking kaharian, dahil Aking nakamit ang tagumpay, sapagka’t Ako ay bumalik nang matagumpay. Inubos ng malaking pulang dragon ang bawat maiisip na paraan upang sirain ang Aking plano, umaasang mabura ang Aking gawa sa ibabaw ng lupa, ngunit maaari ba Akong mawalan ng pag-asa dahil sa kanyang mga pandaraya? Dapat ba Akong matakot sa pagkawala ng tiwala sa pamamagitan ng mga banta nito? Kailanman walang kahit isang nilalang saan man sa langit o sa lupa ang hindi Ko hawak sa Aking palad; gaano pa higit na totoo ito sa malaking pulang dragon, itong kagamitang ito na nagsisilbi bilang pagkakaiba sa Akin? Ito ba ay hindi rin isang bagay na pinapatakbo ng Aking mga kamay?
23 Agosto 2018
22 Agosto 2018
Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | "Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos"
Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | "Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos"
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "ang tao ay walang pagkaunawa sa kabuluhan ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan at kabuluhan ng gawain ng pamamahala ng Diyos, at hindi nauunawaan kung ano ang lubos na ninanais na Diyos na magyari sa tao. Ito ba ay isang sangkatauhang katulad kina Adan at Eba, na di magawang pasamain ni Satanas? Hindi! Ang pamamahala ng Diyos ay upang makamtan ang isang pangkat ng mga tao na sumasamba sa Diyos at nagpapasakop sa Kanya. Ang sangkatauhang ito ay ginawang masama ni Satanas, ngunit hindi na nakikita si Satanas bilang kanyang ama; nakikilala niya ang pangit na mukha ni Satanas, at tinatanggihan ito, at lumalapit sa harap ng Diyos upang tanggapin ang Kanyang paghatol at pagkastigo. Alam niya kung ano ang pangit, at kung gaano ito kasalungat ng kung ano ang banal, at kinikilala niya ang kadakilaan ng Diyos at ang kasamaan ni Satanas. Ang sangkatauhang tulad nito ay hindi na maglilingkod kay Satanas, o sasamba kay Satanas, o idadambana si Satanas. Iyon ay dahil sila ay isang pangkat ng mga tao na tunay na nakamit ng Diyos. Ito ang kahalagahan ng pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan."
Magrekomenda nang higit pa:
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kanta ng Papuri | Diyos Lamang ang May Landas ng Buhay
.•*¨*•.¸¸♬ .•*¨*•.¸¸ ♪.•*¨*•.¸¸♬.•*¨*•.¸¸♪.•*¨*•.¸¸ ♪.•*¨*•.¸¸♬.•*¨*•.¸¸♪
I
Ang landas ng buhay ay bagay na di-taglay ng sinuman;
bagay na di madaling kunin ng kahit na sino.
Dahil buhay ay sa Diyos lang nagmumula,
Diyos lang ang may diwa ng buhay,
Diyos lang ang may landas ng buhay.
Kaya Diyos lang pinagmumulan ng buhay,
at ang laging dumadaloy na bukal ng buhay na tubig ng buhay.
Mula sa paglikha ng mundo, maraming gawaing nagawa ang Diyos
na kasama ang sigla, na nagbibigay ng buhay sa tao;
Nagbayad Siya nang mahal upang tao'y makatamo ng buhay.
Dahil ang Diyos Mismo ang walang hanggang buhay;
Siya ang daan upang tao'y muling mabuhay.
21 Agosto 2018
Ang Tunay na Pananalig Ay Nagmumula Lamang sa Pagkilala sa mga Gawa ng Diyos (Tagalog Songs)
Tanong at Sagot ng Ebanghelyo | Dapat Mong Malaman ang Pinagmumulan ng Pagsalungat ng Mga Tao sa Bagong Gawain ng Diyos sa Kanilang Pananampalataya sa Diyos
Nauugnay sa pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos
Ang dahilan
kung bakit sumasalungat ang tao sa Diyos ay nagmumula, sa isang banda,
sa masamang disposisyon ng tao, at sa kabilang banda, sa kamangmangan
tungkol sa Diyos at sa kakulangan ng pag-unawa sa mga prinsipyo ng gawa
ng Diyos at ng Kanyang kalooban patungo sa tao. Ang dalawang aspetong
ito ay nagsasama upang maging iisang kasaysayan ng paglaban ng tao sa
Diyos. Ang mga baguhan sa pananampalataya ay sumasalungat sa Diyos dahil
ang pagsalungat ay nasa kanilang kalikasan, samantalang ang pagsalungat
sa Diyos ng mga mananampalayatang may maraming taon na sa paniniwala ay
bunga ng kamangmangan nila tungkol sa Diyos, samahan pa ng kanilang
masamang disposisyon.
Tungkulin ng Tao ang Sumaksi para sa Diyos
Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Tungkulin ng Tao ang Sumaksi para sa Diyos
I
Yaong ipinagkakaloob sa'yo ng Diyos ngayon
lumalampas kay Moises
at mas mahigit pa kaysa kay David,
kaya naman hinihiling Niya na
ang iyong patotoo ay malampasan ang kay Moises
at ang iyong mga salita ay higit sa kay David.
20 Agosto 2018
Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ano ang Kahulugan ng Maging Isang Tunay na Tao
═══════♡♡♡════════♡♡♡════════
Ang pamamahala sa tao ang Aking gawain, at ang siya ay malupig Ko ay isang bagay na tunay na naitakda noong likhain Ko ang mundo. Maaring hindi alam ng mga tao na ganap Ko silang lulupigin sa mga huling araw at maaari ding walang kamalay-malay na ang katibayan ng Aking pagtalo kay Satanas ay ang paglupig sa mga mapaghimagsik sa gitna ng sangkatauhan. Ngunit, nang ang Aking kaaway ay nakipaglaban sa Akin, napagsabihan Ko na ito na Ako ang magiging tagalupig nilang nabihag na ni Satanas at ginawang mga anak nito at mga tapat nitong tagapaglingkod na nagbabantay ng bahay nito. Ang orihinal na kahulugan ng lupigin ay talunin, upang isailalim sa kahihiyan. Kasama sa wika ng mga Israelita, ito ay upang ganap na talunin, sirain, at alisan ng kakayahan sa higit pang paglaban sa Akin. Nguni’t ngayon, gaya ng paggamit sa gitna ninyong mga tao, ang kahulugan nito ay lupigin. Dapat ninyong malaman na ang Aking hangarin ay ganap na patayin at pasukuin ang masama sa sangkatauhan, upang hindi na ito makapaghimagsik laban sa Akin, lalong hindi magkaroon ng pagkakataon upang guluhin o gambalain ang Aking gawain. Sa gayon, sa kaalaman ng tao, nagkaroon ito ng kahulugan na paglupig. Anuman ang mga ipinahihiwatig ng salita, ang Aking gawain ay talunin ang sangkatauhan. Sapagka’t, magkagayunman na ang sangkatauhan ay kasama sa Aking pamamahala, sa higit na eksaktong pananalita, ang sangkatauhan ay walang iba kundi Aking kaaway. Ang sangkatauhan ay ang masama na sumasalungat at sumusuway sa Akin. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang anak ng masama na Aking isinumpa. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang inapo ng arkanghel na nagkanulo sa Akin. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang pamana ng diyablo na, tinanggihan Ko nang matagal na, ay naging Aking hindi muling-makakasundong kaaway mula noon. Sa ibabaw ng sangkatauhan, ang papawirin ay bumababa, madilim at malungkot, walang anumang banaag ng kalinawan, at ang mundo ng tao ay nalubog sa lubhang kadiliman, upang ang isa na nabubuhay dito ay hindi man lamang makita ang kanyang nakaunat na kamay sa harap ng kanyang mukha o ang araw kapag siya ay tumitingala. Ang daan sa ilalim ng kanyang mga paa, maputik at puno ng lubak, ay paliku-liko; ang buong lupain ay nakakalatan ng mga bangkay. Ang madidilim na mga sulok ay puno ng mga labi ng patay, at sa malamig at madidilim na mga sulok ay naninirahan ang mga pulutong ng mga demonyo. At saanman sa mundo ng mga tao ang mga demonyo ay umaalis at dumarating nang sama-sama. Ang mga anak ng lahat ng klase ng mga ganid, puno ng putik, ay subsob sa matinding paglalaban-laban, na ang ingay ay nakasisindak sa puso. Sa gayong mga pagkakataon, sa gayong mundo, gayong “makalupang paraiso,” Saan tutungo ang isa upang maghanap ng kagalakan ng buhay? Saan pupunta ang isa upang masumpungan ang hantungan ng kanyang buhay? Ang sangkatauhan, niyurakan sa ilalim ng mga paa ni Satanas matagal nang nakalipas, mula pa sa simula ay naging artistang tinataglay ang larawan ni Satanas–lalong-lalo na, ang pagsasakatawan ni Satanas, nagsisilbing katibayan na sumasaksi kay Satanas, malinaw na malinaw. Paanong ang ganyang lahi ng tao, ang gayong pangkat na masama't kasuklam-suklam, at ang ganyang supling ng masamang pamilyang ito ng tao ay sasaksi sa Diyos? Saan nagmumula ang Aking luwalhati? Saan ang isa ay maaaring mag-umpisang magsalita ng Aking pagsaksi? Dahil ang kaaway na, nagawang masama ang sangkatauhan, naninindigan laban sa Akin, ay nakuha na ang sangkatauhan—ang sangkatauhang nilikha Ko noong sinaunang panahon at napuspos ng Aking luwalhati at Aking pagsasabuhay—at dinumihan sila. Naagaw na nito ang Aking luwalhati, at ang tanging inilipos nito sa tao ay lasong labis na hinaluan ng kapangitan ni Satanas, at katas mula sa bunga ng puno ng kaalaman ng mabuti at masama. Sa pasimula, Aking nilikha ang sangkatauhan, ibig sabihin, Aking nilikha ang ninuno ng sangkatauhan, si Adan. Siya ay binigyan ng anyo at larawan, puno ng kalakasan, puno ng buhay, at, higit pa rito, nasa piling ng Aking luwalhati. Iyan ang maluwalhating araw nang Aking nilikha ang tao. Pagkatapos niyan, si Eba ay ibinunga mula sa katawan ni Adan, at siya rin ay ang ninuno ng tao, kaya’t ang mga taong Aking nilalang ay puno ng Aking hininga at puno ng Aking luwalhati. Si Adan ay orihinal na isinilang mula sa Aking kamay at ang pagkakatawan ng Aking larawan. Sa gayon ang orihinal na kahulugan ng “Adan” ay isang katauhan na nilikha Ko, sinamahan ng Aking buhay na lakas, sinamahan ng Aking luwalhati, nagtataglay ng anyo at larawan, nagtataglay ng diwa at hininga. Siya ang nag-iisang nilalang, may angking espiritu, na may kakayahan ng pagkatawan sa Akin, ng pagtataglay ng Aking larawan, at pagtanggap ng Aking hininga. Sa pasimula, si Eba ang ikalawang taong pinagkalooban ng hininga na ang paglikha ay Aking naitalaga, kaya ang orihinal na kahulugan ng “Eba” ay isang nilikhang magpapatuloy sa Aking luwalhati, puno ng Aking sigla at lalo pang masaganang pinagkalooban ng Aking luwalhati. Si Eba ay nagmula kay Adan, kaya taglay rin niya ang Aking larawan, sapagka’t siya ang ikalawang taong nilalang sa Aking larawan. Ang orihinal na kahulugan ng “Eba” ay isang buhay na tao, may espiritu, laman, at buto, ang Aking ikalawang patotoo gayundin ang Aking ikalawang larawan sa gitna ng sangkatauhan. Sila ang mga ninuno ng sangkatauhan, ang dalisay at mahalagang kayamanan ng tao, at, mula sa nauna, ay buhay na mga nilalang na pinagkalooban ng espiritu. Subali’t kinuha ng masama ang mga anak ng mga ninuno ng sangkatauhan at niyurakan sila at binihag sila, inilulubog ang mundo ng tao sa ganap na kadiliman, at ginagawa ito upang ang mga anak ay hindi na maniniwala sa Aking pag-iral. Lalo pang higit na kasuklam-suklam na, habang ang siyang masama ay pinasasama ang mga tao at niyuyurakan sila, malupit nitong inaagaw ang Aking luwalhati, ang Aking patotoo, ang siglang ipinagkaloob Ko sa kanila, ang hininga at ang buhay na iniihip Ko tungo sa kanila, ang buo Kong luwalhati sa mundo ng tao, at ang lahat ng dugo ng puso na Aking nagugol sa sangkatauhan. Ang sangkatauhan ay wala na sa liwanag, at naiwala na ang lahat ng Aking naipagkaloob sa kanila, tinatanggal ang luwalhating Aking naipagkaloob. Paano nila maaaring kilalanin na Ako ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang? Paano sila makapagpapatuloy na maniwala sa Aking pag-iral sa langit? Paano nila matutuklasan ang mga pagpapamalas ng Aking luwalhati sa ibabaw ng lupa? Paano maipapalagay ng mga apong lalaki at babaeng ito ang Diyos na iginalang ng kanilang sariling mga ninuno bilang ang Panginoon na lumikha sa kanila? Malugod na "iniharap" nitong mga kawawang apong lalaki at babae sa masama ang luwalhati, ang larawan, gayundin ang patotoo na ipinagkaloob Ko kina Adan at Eba, gayundin ang buhay na ipinagkaloob Ko sa sangkatauhan at kung saan sila ay umaasa upang umiral, at, nang wala ni katiting na pag-aalala sa presensya ng masama, ay naibigay ang Aking buong luwalhati dito. Hindi ba’t ito ang pinagmulan ng paggamit ng “linab”? Paanong maaangkin ng gayong sangkatauhan, gayong kasamang mga demonyo, gayong lumalakad na mga bangkay, gayong mga anyo ni Satanas, at gayong Aking mga kaaway ang Aking kaluwalhatian? Aangkinin Kong muli ang Aking kaluwalhatian, aangkinin ang Aking patotoo na umiiral sa gitna ng mga tao, at lahat ng dating pag-aari Ko na ibinigay Ko sa sangkatauhan noong unang panahon—lulupigin Kong ganap ang sangkatauhan. Gayunman, dapat mong malaman, ang mga taong nilikha Ko ay mga banal na tao na taglay ang Aking larawan at Aking luwalhati. Hindi sila pag-aari ni Satanas, ni sakop sila ng pagyurak nito, kundi Aking kahayagan lamang, malaya sa katiting na bahid ng lason ni Satanas. At gayon nga, hinahayaan Ko ang sangkatauhan na malaman na ang tanging nais Ko ay yaong nilikha ng Aking kamay, ang mga banal na Aking minamahal at hindi pag-aari ng iba pang kalikhaan. Bukod diyan, masisiyahan Ako sa kanila at ituturing silang Aking luwalhati. Datapwa’t, ang nais Ko ay Hindi ang sangkatauhan na nagawang masama ni Satanas, na pag-aari ni Satanas ngayon, at hindi na ang Aking orihinal na likha. Dahil layunin Kong angkining muli ang Aking luwalhati na umiiral sa mundo ng tao, kakamtin Ko ang ganap na paglupig sa mga natitirang nakaligtas sa gitna ng sangkatauhan, bilang patunay ng Aking luwalhati sa pagtalo kay Satanas. Tanging ang Aking patotoo ang tinatanggap Ko bilang pagliliwanag ng Aking sarili, bilang layon ng Aking kasiyahan. Ito ang Aking kalooban.
19 Agosto 2018
Kristianong video | Mapanganib ang Landas Papunta sa Kaharian ng Langit (Trailer)
Si Zhong Xin ay pastor sa isang bahay-iglesia sa Chinese mainland. Matagal na siyang nananalig sa Panginoon at palaging naaaresto at pinahihirapan ng CCP.Napakatindi ng galit niya sa CCP, at matagal na niyang naliwanan na napakasama ng rehimen ng CCP na kumakalaban sa Diyos. Nitong nakaraang mga taon, nakita niya ang matinding pagtuligsa, pag-aresto at pagpapahirap ng gobyernong CCP at ng mga relihiyoso sa iglesia ng Kidlat ng Silanganan.
Gayunman, ang nakita niyang di-kapani-paniwala ay na hindi lang hindi natalo ang Kidlat ng Silanganan, kundi mas lalo pa itong lumago, kaya muling nag-isip-isip si Zhong Xin: Ang Kidlat ng Silanganan ba ang pagpapakita at gawain ng Panginoon? Natuklasan din niya na lahat ng salitang ginamit ng CCP at mga relihiyoso para tuligsain ang Kidlat ng Silanganan ay mga tsismis at kasinungalingan kaya, para malaman ang katotohanan, siniyasat nila ng kanyang mga kapatid ang Kidlat ng Silanganan. Sa pakikinig sa mga paliwanag ng mga nagpapatotoo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, napagtibay ng karamihan na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan, na ang mga salitang ito ang tinig ng Diyos at na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Ngunit sa harap ng malupit na panunupil at pagpapahirap ng gobyernong CCP sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, gayundin sa mabangis na pagsuway at pagtuligsa ng mga pastor at elder ng mga relihiyon, nagtaka ang ilan: Ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ang tunay na daan, kaya bakit ito mabangis na sinusuway at tinutuligsa ng mga makapangyarihan sa pulitika at mga relihiyon? Sa pagbasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at pakikinig sa mga paliwanag ng mga nagpapatotoo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nauunawaan ng mga kapatid ang tunay na dahilan ng pagsuway ng sangkatauhan sa Diyos, malinaw nilang nakikita kung bakit lubhang mapanganib ang daan patungo sa langit, at naunawaan nila ang tunay na dahilan ng pagkamuhi sa katotohanan at pagkontra sa Diyos ng napakasamang rehimen ng CCP at mga pinuno ng relihiyon. Matatag na iwinaksi ng mga taong katulad ni Zhong Xin ang mga pagbabawal at paghihigpit ng impluwensya ni Satanas, tinanggap na nila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at talagang nagbalik na sila sa harap ng luklukan ng Diyos.
18 Agosto 2018
Tanong at Sagot ng Ebanghelyo | Ano ba talaga ang pagkilala sa Diyos? Maituturing bang pagkilala sa Diyos ang pag-unawa sa kaalaman at teolohikal na teorya ng Biblia?
✿▄─▄❀▄─▄✿▄─▄❀▄─▄✿▄─▄❀▄─▄✿▄─▄❀▄─▄✿
════════════❀.❋.❀═════════════
Nauugnay sa pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos
Kabilang sa kaalaman sa praktikal na Diyos ang pag-kilala at pagdanas ng Kanyang mga salita, at pagunawa sa mga patakaran at prinsipyo ng gawa ng Banal na Espiritu, at kung paano gumagawa ang Espiritu ng Diyos sa katawang-tao. Samakatuwid, pati, kabilang ba rito ang pagkilala sa bawa't pagkilos ng Diyos sa katawang-tao ay pinamumunuan ng Espiritu, at ang mga salita na Kanyang binibigkas ay direktang pahayag ng Espiritu. Kaya, kung nais mong makilala ang praktikal na Diyos, una mo dapat malaman kung paano gumagawa ang Diyos sa pagka-tao at sa pagka-Diyos; dito, naman, patungkol sa mga pahayag ng Espiritu, na pinagkakaabalahan ng lahat.
mula sa “Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pagkilala sa tunay na mga pagkilos ng Diyos, ang pagkilala sa realidad ng Diyos at Kanyang pagiging makapangyarihan, ang pagkilala sa tunay na pagkakakilanlan ng Diyos Mismo, ang pagkilala sa kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, ang pagkilala sa lahat ng Kanyang ipinakita sa gitna ng lahat ng mga bagay-ang mga ito ay napakahalaga sa bawat isang tao na naghahanap ng kaalaman ukol sa Diyos. Ang mga ito ay hindi maihihiwalay sa bawat buhay ng tao, mula sa bawat praktikal na buhay ng tao ng paghahanap sa katotohanan. Kung iyong lilimitahan ang iyong pagkaunawa sa Diyos sa mga salita lamang, kung lilimitahan mo ito sa iyong sariling konting mga karanasan, sa mga biyaya ng Diyos na iyong binibilang, o sa iyong konting mga pagpapatotoo sa Diyos, kung gayon sasabihin ko na ang iyong Diyos ay tiyak na hindi ang tunay na Diyos. Tiyak na hindi Siya ang tunay na Diyos Mismo, at maaari ding sabihin na ang Diyos na pinaniniwalaan mo ay hindi Diyos. Ito ay dahil sa ang Diyos na Aking tinutukoy ay ang Siyang namumuno sa lahat, na lumalakad sa gitna ng lahat, na namamahala sa lahat. Siya ang Siyang humahawak sa kapalaran ng buong sangkatauhan-ang Siyang humahawak sa kapalaran ng lahat. Ang mga gawain at mga pagkilos ng Diyos na aking sinasabi ay hindi limitado lamang sa maliit na bahagi ng mga tao. Iyon ay, hindi ito limitado lamang sa mga tao na sumusunod sa Kanya sa kasalukuyan. Ang Kanyang mga pagkilos ay nakikita sa lahat ng mga bagay, sa kakayahang mabuhay ng lahat ng mga bagay, at sa mga kautusang ng pagbabago sa lahat ng mga bagay. Kung hindi mo nakikita o kinikilala ang alinman sa mga pagkilos ng Diyos sa gitna ng lahat ng mga bagay, kung gayon hindi ka maaaring sumaksi sa alinman sa Kanyang mga pagkilos. Kung hindi ka maaaring sumaksi para sa Diyos, kapag nagpatuloy kang nagsalita tungkol sa maliit na kung tawagi'y Diyos na kilala mo, ang Diyos na iyon na limitado sa iyong sariling mga palagay, at nasa loob ng iyong makitid na pag-iisip, kapag nagpatuloy kang nagsalita sa gayong uri ng Diyos, kung gayon hindi kailanman pupurihin ng Diyos ang iyong pananampalataya. Kapag sumaksi ka para sa Diyos, kung gagamitin mo lamang kung paano mo tinatamasa ang biyaya ng Diyos, tanggapin ang disiplina ng Diyos at Kanyang pagtutuwid, at tanggapin ang Kanyang mga biyaya sa iyong pagsasaksi para sa Kanya, iyon ay lubhang hindi sapat, at malayo sa pagbibigay ng kasiyahan sa Kanya. Kung gusto mong sumaksi para sa Diyos sa paraan na nakaayon sa Kanyang kalooban, sumaksi para sa tunay na Diyos Mismo, kung gayon kailangan mong makita kung anong mayroon ang at kung anong mayroon at kung ano ang Diyos sa Kanyang mga pagkilos. Kailangan mong makita ang awtoridad ng Diyos sa Kanyang pamamahala sa lahat, at makita ang katotohanan kung paano Siya naglalaan para sa buong sangkatauhan. Kung kinikilala mo lamang na ang iyong pang-araw-araw na pagkain at inumin at ang iyong pangangailangan sa buhay ay nagmumula sa Diyos, ngunit hindi mo nakikita ang Diyos ang naglalaan para sa buong sangkatauhan sa pamamagitan ng lahat ng mga bagay, na pinangungunahan Niya ang buong sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang pamamahala sa lahat ng mga bagay, kung gayon hindi mo kailanman magagawang sumasaksi para sa Diyos.
16 Agosto 2018
Ang tinig ng Diyos | Pakahulugan sa Ikalabing-siyam na Pagbigkas
Tila sa imahinasyon ng mga tao, napakatayog at di-maarok ang Diyos. Para bang hindi naninirahan ang Diyos kasama ang mga tao, para bang hinahamak Niya ang mga tao dahil napakatayog Niya. Ang Diyos, gayunman, ay dinudurog ang mga pagkaunawa ng mga tao at inaalis ang lahat ng mga ito, ibinabaon ang lahat ng kanilang mga pagkaunawa sa loob ng “mga libingan” kung saan nagiging abo ang mga ito. Ang saloobin ng Diyos tungo sa mga pagkaunawa ng mga tao ay kahalintulad ng Kanyang saloobin tungo sa mga patay, binibigyang-kahulugan ang mga ito ayon sa kagustuhan. Para bang walang mga pagtugon mula sa mga pagkaunawa. Kaya mula sa pagkalikha ng mundo hanggang ngayon, nagsasagawa ang Diyos ng ganitong gawain at hindi kailanman tumigil. Dahil sa laman, pinasasama ni Satanas ang mga tao, at dahil sa mga pagkilos ni Satanas sa daigdig, binubuo ng mga tao ang lahat ng uri ng pagkaunawa sa pamamagitan ng kanilang mga naging karanasan. Tinatawag itong “likas na pamumuo.” Ang yugtong ito ng gawain ang huling bahagi ng gawain ng Diyos sa daigdig, kaya ang paraan ng gawain ng Diyos ay nakarating nga sa taluktok nito, at pinag-iibayo Niya ang Kanyang pagsasanay sa mga tao upang maaari silang maging ganap sa Kanyang huling gawain, at sa wakas mabibigyang-kasiyahan ang kalooban ng Diyos. Dati, mayroon lang kaliwanagan at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu sa gitna ng mga tao, pero walang mga salitang sinabi ang Diyos Mismo. Nang nagsalita ang Diyos sa sarili Niyang tinig, nagulantang ang lahat, at ngayon higit pa ngang kataka-taka ang mga salita Niya. Mas mahirap pang maunawaan ang kahulugan ng Kanyang mga salita, at parang nasa kalagayang manghang-mangha ang mga tao, dahil limampung porsiyento ng Kanyang mga salita ay dumarating sa pagitan ng mga tandang panipi. “Kapag nagsasalita Ako, nakikinig ang tao sa Aking tinig nang may pamimitagan; nguni’t kapag tumigil Ako sa pagsasalita, nagsisimula siyang muli sa sarili niyang “pakikipagsapalaran”. Mayroong isang salita sa talatang iyan sa mga panipi. Mas nakakatawa ang mga salita ng Diyos, mas maaari nitong mapalapit ang mga tao para basahin ang mga ito. Na kayang tanggapin ng mga tao na pakitunguhan kapag namamahinga sila ang isang aspeto. Ang pangunahing aspeto ay upang pigilin ang mas maraming tao mula sa pinanghihinaan ng loob o nadidismaya dahil hindi nila nauunawaan ang mga salita ng Diyos. Isang taktika ito sa pakikidigma ng Diyos kay Satanas. Tanging sa paraang ito magiging interesado ang mga tao sa mga salita ng Diyos at magbibigay-pansin pa rin sa mga ito kahit naguguluminahan sila. Pero mayroon ding kabigha-bighani sa lahat ng mga salitang hindi napapaligiran ng mga panipi, at kaya mas kapansin-pansin ang mga ito at nagagawang mahalin ng mga tao ang mga salita ng Diyos nang higit pa, hinahayaan silang madama ang katamisan ng Kanyang mga salita sa kanilang sariling puso. Habang dumarating ang mga salita ng Diyos sa napakaraming uri ng mga anyo at mayaman at iba-iba, at dahil walang pag-uulit ng mga pangngalan sa gitna ng maraming salita ng Diyos, sa ikatlong diwa ng mga ito, naniniwala lahat ang mga tao na ang Diyos ay laging bago at hindi kailanman luma. Halimbawa: “Hindi Ko hinihingi na maging isang tagagamit lamang ang tao, nguni’t hinihingi sa kanya na maging tagagawa na may kakayahang talunin si Satanas.” Ang mga salitang words “tagagamit” at “tagagawa” sa pangungusap na iyan ay may mga parehong kahulugan sa ilang salitang nasabi sa nakaraang mga panahon, pero hindi mahigpit ang Diyos. Sa halip, pinababatid Niya sa tao ang Kanyang kasariwaan, at kaya pinahahalagahan ang pag-ibig ng Diyos. Ang pagkamapagpatawa sa pananalita ng Diyos ay naglalaman ng Kanyang paghatol at Kanyang mga hinihingi sa tao. Yamang may layuning lahat ang mga salita ng Diyos, may kahulugang lahat, hindi basta pampagaan ng kalagayan o para magtawanan ang mga tao, o basta mapahinga ang kanilang mga kalamnan ang Kanyang pagkamapagpatawa. Sa halip, layon ng pagkamapagpatawa ng Diyos ang palayain ang tao mula sa limang libong taong pagkaalipin at hindi na kailanman maaliping muli, upang higit silang may kakayahang matanggap ang mga salita ng Diyos. Ang paraan ng Diyos ay “nakakatulong ang isang kutsarang asukal para lunukin ang gamot”; hindi Niya pinipilit ipalunok ang mapait na gamot sa lalamunan ng mga tao. May kapaitang napapaloob sa matamis, at may katamisang napapaloob sa mapait.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)